Chapter 4 (03/30/2016)

5.7K 116 0
                                    

"Sir Calvin, ano pong ginagawa nyo po dito?" tanong ko at agad ko ng itinago ang phone ko sa bulsa ko. Ngumiti din ako ng peke.

"Hinanap lang kita dahil kanina ka pa wala. Nag-aalala lang ako sayo at saka wag kang mag-alala, binibiro ka lang ni Pa kanina. He's just messing with you" at sandaling tumawa si Sir Calvin. Napatungo naman ako dahil sa kahihiyan.

"Wag ka ng mahiya. It's okay. Ngayon lang kasi ako ulit na-inlove e" nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakangiti sya.

Bumalik kami sa sala at masayang nagkukwentuhan ang mag-asawa. Agad nabaling ang tingin samin ng father nya dahilan para kabahan na naman ako.

Naramdaman kong hinawakan ni Sir Calvin ang kamay ko.

"You passed the test, ija" naguguluhang napalingon ako sa father ni Sir Calvin. Tumatawa sya habang nakatingin sakin dahilan para kumunot ang noo ko.

"Po?"

Tumawa muna ang father nya tsaka sinagot ang tanong ko.

"I'm just waiting na magalit ka sakin or kung ano mang gagawin mong hindi ko magugustuhan pero I was wrong. Instead na patulan ang trip ko ay natakot ka pa" at pinagpatuloy nito ang kanyang pagtawa.

Nakakatuwa, parang bata pa rin ang father ni Sir Calvin. At dahil sa sinabing yon ng father ni Sir Calvin ay nawala na ang awkwardness na kaninang nararamdaman ko.

Nagkaroon ng kaunting kwentuhan at pagkatapos ay nagpaalam na kami. Alas singko na rin ng hapon at kailangan kong umuwi. Ayoko ng ihatid pa ako ni Sir Calvin pero nagpumilit sya kaya no choice na lang ako kundi pumayag. Nangiti na lang ako sa ginawa nya.

Buong byahe ay masaya ako habang nakikinig lang ng love songs na pinatutogtog sa radyo. At alam kong ganun din si Sir Calvin. Nakatingin ang lang ako sa may binata ng biglang tumunog na ang sumunod na kanta na syang nagpatigil sandali ng mundo ko at pinaalala sakin ang nakaraan.

"Can I have this dance?" nabigla ako sa lalaking lumapit sakin. Kanina pa ako nakaupo dito sa may upuan at ito pa lang ang unang beses na may lumapit sakin at ayain akong sumayaw. Alam kong third year pa lang ako at may JS prom pa next year kaya hindi ko na inaasahan na may lalapit sakin.

"T-thower?" nakangiti kong saad.

Nangiti rin sya at nabigla ako sa sunod nyang ginawa dahil lumuhod sya sandali para halikan ang likod ng kamay ko. Natigilan ako at natulala sa gwapo nyang mukha. Hindi ko inaasahan na gagawin nya ang bagay na ito.

"W-wag .."

"C'mon, let's dance .." napangiti ako habang nilahad nya ang kamay nya sa sakin habang nakangiti.

Tumayo na ako at nakipagsayaw sa kanya sa saliw ng kantang 'Can I Have This Dance' ng High School Musical

May mga pagkakataon pa ngang sinasabayan namin ang kanta dahil nalaman namin na parehas pala naming gusto ang kanta.

At bago matapos ang kanta ay tumigil kami sa pagsasayaw at nagkatitigan kami. Hindi maalis sa aking mga labi ang kasiyahan.

"Autumn Monique Classe, I want you to be my girlfriend at kung bibigyan mo ako ng pagkakataon ay liligawan kita para maipakita ko sayong gusto kita. Gustong gusto kita" I can see sincerity in his eyes.

Kaya hindi ko na napagilang yakapin sya.

"Monique, are you okay?" agad akong nabalik sa katotohanan at napansin kong nakatigil kami sa may gilid ng kalsada at hawak ni Sir Calvin ang magkabilang balikat ko at nakatingin sya sakin ng diretso na para bang inaalam ng mga mata nya kung may problema ba sakin.

"Ah .. O-oo, okay lang ako Sir Calvin" at ngumiti lang ako ng peke.

"You're not a great liar, Monique. May mga luha sa yong mga mata tapos sasabihin mong okay ka lang?" nanlaki ang mga mata at bigla akong napakapa sa pisngi ko at totoo nga. Umiyak ako.

Umiyak ako dahil sa kantang yon.

Loving Cloude Thower Wolfe ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon