Autumn's Pov
It's been a month simula nung bumalik ako sa trabaho. It feels like it was yesterday at hindi ako tumigil sa pagtatrabaho. Nilingon at hinawakan ko ang picture namin ni Thower na nilagay ko dito sa desk ko. Nakakatuwang isipin na ito na siguro ang happly ever after namin.Ang saya saya sa pakiramdam.
"Starie, pasensya ka na ha at hindi ako madalas nakikipag video chat sayo, nagiging busy sa trabaho e" nakangiti kong sabi nung bumalik na si Starie sa screen dahil ka-video chat ko sya ngayon. Isang buwan na rin ang lumipas simula nung umalis sya papuntang ibang bansa.
Nalungkot ako dahil kaibigan ko sya pero hindi ko man lang sya naihatid sa airport.
"Naku! Ok lang yun, ang mahalaga kahit papaano ay nakakausap kita. Basta wag mong kalilimutan na nandito ako ha, kahit magkalayo tayo walang kalimutan ha" nakangiti nyang saad. Hindi ko na napigilang mapaiyak.
"Wag ka ng umiyak. Ilang buwan na lang at uuwi muli ako. Malapit na yun, mga 2 years pa" natatawa nyang sabi para itago ang lungkot na pinapakita ng kanyang mga mata.
-----
Uwian na at naglalakad na ako papunta sa may sakayan ng taxi ng may biglang humila at nagtakip ng aking mga mata. Magsisimula na sana akong magpumiglas ng may nilagay sila sa nay ilong ko dahilan para tuluyan na akong makatulog.Nagising ako dahil sa isang malamig na tubig na ibinuhos sa katawan ko, pinilit kong tingnan ang paligid kaso wala akong makita, masyadong makapal ang telang nakatakip sa aking mga mata at may nananatili paring nakalagay na busal sa bibig ko.
Nakakaramdam na ako ng takot at kaba. Gusto ko ng umiyak at yakapin ang mga tunod ko. Kahit hindi ko magawa dahil masyadong nangingibabaw ang takot sa sistema ko.
"Kahit kailan talaga hindi ko maintindihan kung anong nakita sayo ni Calvin. Hindi ka naman kagandahan. In fact, wala ka namang kwenta" sigaw ng isang pamilyar na boses kasabay ng pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa katawan ko.
Nagsimula na akong manginig sa ginaw pero tanging pagtawa lang nya ang naririnig ko.
"Alam mo, kung hindi ka na lang nakisali sa buhay namin edi sana masaya ako. Dapat masaya ako!!" at panibagong pagbubuhos ng nagyeyelong tubig. Nanginginig na talaga ako.
"Edi sana walang isang Autumn na nag-e-exist sa mundo ko. " at panibago na namang pagbubuhos ng tubig na syang ikinanginig na ng ngipin ko. Narinig kong napangisi sya.
Gusto kong masalita kaso parang nilalamon na ng ginaw at takot ang boses ko.
"Kulang pa yan! Hindi pa ako natutuwa na nasasaktan ka"
"Kulang pa ang sakit mo sa sakit na naramdaman at dinanas ko! Alam mo ba kung gaano kasakit i-reject ni Calvin? Hindi ko alam kung bakit gusto ka nya kaysa sakin!"
At hindi pa sya nakuntento dahil makalilang beses nya pa akong binuhusan ng malamig na tubig na may yelo na parang isang batang hindi nagsasawang paglaruan ang kanyang manika.
Ang tangi ko lang naririnig ay ang tawa nya na puno ng galit at paghihiganti. Gusto kong sumigaw kaso pakiramdam ko ay nawalan na ako ng lakas ng loob para gawin yon.
"Hindi matatapos ang araw na ito hangga't hindi opisyal na mawasak ang puso mo!" gigil na gigil nyang sabi kasabay ng pagsampal sakin ng pagkalakas lakas dahilan para muntikan na akong bumagsak sa sahig.
"Tutal tapos na akong gamitin ang katulad nya mind as well as malaman mong tapos na rin syang gamitin ka!"
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...