Ibinaba ko na muna sa sofa ang gamit ni baby Cassandra at umupo din ako sa sofa. Teka, paano naman ako nito? Hindi ko man pwede ipaalaga si baby Cassandra kay Thower dahil halata naman sa mga mata nyang naiinis sya.
Masyado na akong naguguluhan dito na kulang na lang ay sabunutan ko na ang sarili ko. Nakakainis! Ano na lang gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng ibalik si baby Cassandra sa mga magulang nya dahil masyadong nakakahiya at ayoko namang hindi matuloy ung pagpunta nila ng korea dahil lang sa pag-iinarte kong ayaw kong alagaan si Baby Cassandra.
Naglabas ako ng isang buntong hininga. Pinagmasdan ko ang natutulog na mukha ni baby Cassandra. Masyado itong payapa na parang kahit anong pagdadaanan nito ay kaya nyang lagpasan.
Kaya napagdesisyunan kong pumunta ng kusina para kumain na ng niluto kong ulam kanina. Hindi kasi ako nakakain kanina dahil anong oras na ako umuwi at ng over time pa ako.
Pagkatapos kong maghain ng kakain ko ay umupo na ako at ikinalong ko na lang si baby Cassandra. Gusto ko man syang pakainin ay hindi pwede dahil baka hindi pa sya pinapayagang kumain ng kain kaya pinagtimpla ko lang sya ng gatas at mabuti naman ay nahahawakan nya kaya hindi masyadong hassle.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin ang pinggan. Mabuti na lang talaga hindi iyakin si Baby Cassandra, dahil nanatili syang tahimik na nakaupo habang pinaglalaruan ang daliri nya. Pagkatapos kong maghugaa ng pinggan ay dumiretso na kami sa kwarto ko pero bago ko pa lang iikot ang door knob ay biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ni Thower.
Nagkatinginan kami, napayuko naman ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sasabihin ko bang 'Thower, ako lang bang mag-aalaga kay baby Cassandra?' kaso hindi pwede dahil baka pagsalitaan nya pa ako at tingnan ng masama at saka baka pagsumigaw pa sya magising si Baby Cassandra at magi-iyak.
"Kinuha mo ang bata kaya ikaw ang bahala sa kanya ng isang buong linggo" saad nya at pagkatapos ay dire-diretso na sya sa kanyang paglalakad pababa ng hagdan.
Anong sabi nya?
"Thower, anong sabi mo?" sinundan ko sya at sinadya kong hilahin ang tshirt nya para tumigil sya sa kanyang paglalakad.
Tiningnan nya lang ako ng masama at hinila pabalik sa kanya ang kapiraso ng tshirt nyang hawak ko.
"Naniniwala akong hindi ka bingi at narinig mo ang maayos ang sinabi ko" at tumalikod na uli sya. Kaya napilitan akong muling hilahin ang tshirt nya at muli ay tiningnan nya ako ng masama at hinila pabalik ang pirasong tela ng tshirt na hawak ko.
"T-thower, ba-bakit ka ba galit sakin? may ginawa ba akong mali?" hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako dito sa harapan ni Thower habang hawak hawak sa bisig ko si baby Cassandra.
Hindi nya ako pinansin at tuluyan na syang umalis ng bahay. Narinig ko rin ang pagharurot ng sasakyan nya papalayo. Napatungo na lang ako.
Kasalanan bang magmahal? Diba dapat masaya ako dahil kasama ko sya kaso nagkamali ako at umaasa ako kaya heto sinampal ako ng realidad na walang kami at sadyang naganap lang ang kasal dahil pinagsiksikan ko ang sarili ko sa kanya.
Am I that desperate just to have him? Ganun ba ako ka-desperada na gusto kong ibalik ang dating kami ni Thower nung 3rd year at 4th year high school.
Pinunasan ko na lang ang mga luha ko at dumiretso na sa kwarto ko at natulog na.
----
Pasado singko ako ng umaga nagising. Agad din akong napalingon sa mahimbing na natutulog na kalapit ko lang. Hindi ko na napansin na may ngiting biglang sumilay sa aking labi. Ngiti na sana, may anak ni Thower. Na sana ay hindi ganito ang trato nya sakin.Umiling iling na lang ako to brushed away that thought. Ano ba yan! Umagang umaga ay puro malulungkot na thoughts ang naiisip ko. Dahan dahan na rin akong tumayo para ligpitin na ang aking pinaghigaan.
Inayos ko rin ang higa ni baby Cassandra, maingat na maingat dahil baka sa maling galaw ko ay magising ko sya.
Pagkatapos kong iayos sya ng higa ay sandali akong nagsuklay ng buhok at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto. Sandali ko ring tiningnan ang nakasaradong pinto ng kwarto ni Thower. Anong oras kaya sya umuwi kagabi? Umuwi pa ba sya?
"Autumn, ano ba yang mga iniisip mo? Umagang umaga napaka-negative mo?" pinunasan ko na rin ang mga luhang nagsisimula ng bumagsak.
Huminga ako ng malalim at tahimik na bumaba ng hagdan papunta sa kusina. Kailangang maging positive ako today dahil may pasok ako at mamaya ay sweldo ko na rin. Pero bigla akong naramdam ng konting lungkot.
"Teka, paano na lang si baby Cassandra?"
---
"Sir Calvin, thank you talaga at pinayagan mo akong dalhin si baby Cassandra" masaya kong tugon pagpatak ng lunch. Kaninang umaga ay hindi ko alam kung paano ko dadalhin si Baby Cassandra kaya naisip kong magbakasakaling manghiram ng stroller sa parents ni Thower.At hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang sabi ng mom ni Thower.
"Hay naku! Si Thower talaga!" sabi nya habang inaabot sakin ng kasambahay nila ang stroller na hinihiram ko. Nanatili lang kaming nakaupo dito sa sofa nila sa sala.
Ngayon ko lang napansin na may mga pictures palang nakasabit sa dingding na mas lalong bumagay sa aura ng sala. Meron ding nakalagay na vase sa may gilid.
"You know what, Autumn, alam mo mas maganda kung gagawa na lang kayo ng sarili nyo ni Thower para hindi na kayo manghihiram pa. Tyaka panigurado kapag nagbuntis ka kambal agad yan" nakangiting saad ng mom ni Thower. Hindi nya talaga maitago ang kasiyahan sa kanyang mukha.
Natahimik na lang ako sa naalala ko at hindi ko mapigilang malungkot. Pero na-realise kong kaharap ko si Sir Calvin kaya tinago ko ang lungkot ko.
Pero mukhang napansin nya ito.
"Monique, is there something wrong?" hindi ko napansin na nakatingin na pala ako sa ibang direksyon dahilan para lingunin ko si Sir Calvin at nabasa ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
Umiling iling na lang ako para maitago ang lungkot na nararamdaman ko. At mabilis ding bumuo ng isang matamis na ngiti.
"Okay lang ako, Sir Calvin, anyway maraming salamat talaga" pasasalamat ko kay Sir Calvin at pagkatapos non ay bumalik na ako sa cubicle ko para ituloy ang mga naiwan kong trabaho.
Mamaya ko na lang siguro iisipin si Thower. Mamaya ko na lang siguro iisipin kung okay lang ba sya.
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...