Alam kong magiging torture ang magiging 1 week leave ko pero tinanggap ko. Nag-aalangan man ako nung una pero kalaunan ay tinanggap ko parin.
Kinagabihan ay basta na lang pumunta si Starie sa bahay at inaya akong nagbar daw kami. Nung una ay ayaw kong pumayag dahil hindi naman ako ung klase ng taong pupunta sa mga ganung lugar pero sadyang mapilit ang kaibigan ko kaya kahit napilitan ay pumayag na rin ako.
Nakarating kami ay mag-a-alas otso na ng gabi. Madilim ang loob at halo halong amoy ang maaamoy mo dito at tila tatlong kulay lang ata ang makikita mo. Masyadong malakas ang tugtugin na halos hindi na kayo magkakaintindihan ng kausap mo. Marami ring mga tao sa loob, meron sa may upuan, meron sa mag bar counter at meron din sa dance floor.
Dinala nya ako sa may counter at umorder na kami. Tanging juice lang ang inorder ko at maging sya. Hindi ko mawarian sa babaeng to kung bakit dito nya naisip pumunta kung hindi naman pala sya iinom.
"Bakit ba kasi nandito tayo?" pasigaw kong tanong kay Starie. Masyadong malakas ang music kaya kailangang naming magsigawan para lang magkaintindihan.
"Para makakita ng artista!" masaya nyang saad habang halos humaba na ang kanyang leeg sa pagtanaw sa mga tao sa paligid.
"ANO?? Pumunta tayo sa naging lugar para lang makakita ng artista? Nababaliw ka na ba?" naiinis ako kaya marahas ko na lang hinarap si Starie sakin dahilan para mabigla sya.
"Ano ka ba naman? Hindi mo ba nabalitaan? Itong Secret Stones Bar ay kilalang bar kung saan nagsisipuntahan ang mga kilalang artista? Kaya malay mo diba?" kinikilig nya pang saad habang patuloy parin sa kanyang ginagawang paghahanap ng artista sa paligid.
Hindi na lang ako nagreact sa sinabi nya at naglakad na papunta ng cr ng may narinig akong usapan dahilan para tumigil ako sandali sa aking paglalakad at pakinggan ung pinag-uusapan nila.
"Thower, remind me again kung bakit nandito ako sa bar kasama mo?" tanong ng babae.
"Have you lost your marbles? Everybody knows na meron tayong relasyon kaya dinala kita dito kahit ayoko. And besides, pwede ka na namang umuwi dahil sisirain mo lang ang gabi ko"
"Ugh! The main reason kung bakit lang naman ako dumidikit sayo ay dahil gusto kong makuha ang gusto ko at iyon ay mapasaakin si Calvin. Akala ko ba idedespatsa mo na si Autumn ba ang pangalan nun? Ahh, basta. Idespatya mo na sya dahil matagal ko na talagang pangarap na makasal kay Calvin ung babaeng lang talagang yon ang panira ng plano ko"
"Pwede ba tumahimik ka. Hindi ako tanga para makalimutan kung anong kailangan mo sakin. At hindi rin ako tanga para hindi gawin ang plano ko" at pagkatapos ay sabay na nagtawanan ang babae at lalaki. Nakita ko ring may dalawang anino na papalabas ng cr kaya napagdesisyunan kong umalis na at pumunta ng counter kung nasaan si Starie.
Hindi ko na lang pinansin si Starie at wala sa sariling inintindi ko ung narinig ko. Alam kong, maraming pangalan sa mundo na kagaya ng pangalan ko at pangalan ni Thower pero bakit pakiramdam ko ay nakalaan talaga ang narinig ko sa buhay ko at sa buhay ng mga taong nakapaligid sakin.
Naramdaman kong medyo sumasakit na ang ulo ko dahil sa sobrang pag-iisip at idagdag mo pa dun ang sobrang lakas ng tugtog.
"Yes! Nakakita na rin ng isang artista" sigaw ni Starie. At hindi pa sya nakuntento ay nilabas pa nya ang phone nya at pinicturan pa ung artistang papalabas na ng bar. Hindi ko na lanv pinansin si Starie sa kanyang ginagawa ng basta na lang akong kinalabit ni Starie ng pagkadiin diin at ipakita sakin si Yamie ung napicturan nya.
Natigilan ako. Teka, wag mong sabihing nandito rin si Thower?
"Ahh, Girl, Cr lang ako ha. Naparami na ata ang nainom kong juice. Wait mo ako ha. Pagbalik ko ay uuwi na tayo dahil mukhang si Yamie lang ata ang nandito sa bar na ito."
Tumango na lang ako bilang tugon.
Nanatili na lang ako sa pwesto ko at umorder muli ng juice. Hindi pa ako nakakakalahati ng iniinom ng may basta na lang umupo sa may kalapit ko at halata sa kanyang mukha na nakainom sya.
Hindi ko sya pinansin pero nung nagsalita sya ay wala sa sariling napalingon ako sa kanya dahilan para makuha nya ang pagkakataon ay basta na lang nyang nilapat ang labi nya sa labi ko. Isang halik na para bang ngayon lang muli sya nakahalik ng isang babae.
Hindi rin nawala dun ang paghawak nya bewang ko at kamay nya sa may batok ko bilang suporta.
Hindi ko inaasahan na gagawin nya sakin to. Alam ko sa sarili kong naiinis na ako pero bakit hindi ko magawang itulak sya? Bakit pakiramdam ko ay masyado akong mahina para itulak sya. Ganito ba ang nagiging epekto ng halik nya sakin na nawawalan na ako ng lakas.
"Ahh. I love those soft lips of yours." saad sya in between his kisses.
Kaya hindi ko man magawang lumaban ay isa isa na lang nagsibagsakan ang mga luha ko. At wala sa sariling tinugon ko na lang ang mga halik na ibinibigay nya. Alam kong mali itong ginagawa pero maaari kayang ganito na ako kadesperada para lang mapansin nya muli ako.
"Ugh! Umiiyak ka ba?" tumigil na sya sa paghalik sakin at tiningan nya ako ng diretso. At nung mukhang nakilala nya ako ay nabigla sya at sandali pang nanlaki ang mga mata nya at pagkatapos ay basta na lang nya akong iniwan.
Hindi na sya nagsalita pa ay basta na lang nya akong iniwan. Kaya habang umiiyak ay pinanuod ko lang syang papaalis.
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
Lãng mạnHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...