Autumn's Pov
Pagkababa ko ng taxi-ng sinakyan ko ay kumatok ako sa nakasaradong bahay. Iyak lang ako ng iyak na kahit halos isang oras ang naging byahe ay hanggang ngayon ay umiiyak parin ako. Ganito ba talaga kasakit ang ginawa nya na maging ako ay hirap na hirap tanggapin.
Mukhang hindi nila naririnig ang pagkatok ko kaya pinagpatuloy ko lang muli ang aking pagkatok.
"Mama ... Papa .." tawag ko. At parang naging hudyat ang pagkatawag kong 'yon para buksan nila ang pinto.
Nung nabuksan na ang pinto ay agad kong niyakap ng mahigpit si Mama at lalong napalakas ang aking pag-iyak.
--
"Ano? Sadya bang tanga yang asawa mo, Autumn? Anak, naghintay ka ng limang taon dahil naniwala kang papakasalan ka nya. Kinasal nga kayo't lahat tapos malalaman namin na gagamitin ka lang nya?"
Kulang na lang ay sumigaw si Papa sa sinasabi nya. Wala na lang akong nagawa kundi tumungo habang patuloy parin sa pag-iyak.
"Anak, hindi ka namin pinalaki ng Papa mo na paglaruan at gamitin lang. Anak, mahal na mahal ka namin ng Papa mo na kulang na lang ay huwag kang paligawan nuon dahil ayaw naming mawalay ka samin. Anak, naging tama lang ang desisyon mong iwan sya"
Tumango tango na lang ako sa sinabi ni Mama. Siguro nga ay tama itong naging desisyon ko. Hindi naman ako mahal ni Thower. At sa mga panahong magkasama lang kami ay ginagawa nya lang 'yon para gamitin ako para lalo lang akong mahulog sa kanya.
Grabe, napakalaki kong tanga!
Sa bahay namin sa Binangonan ako tumira. Aaminin ko, medyo mahirap pag pumapasok ako sa trabaho dahil malayo pero kinakaya ko. Ayoko ng bumalik pa sa bahay namin ni Thower, ayoko ng bumalik lang ang sakit. Gusto ko ng mag-move on.
Siguro, sapat na rin ang ilang taong sinayang ko para lang mahalin sya. Napansin ko ang singsing kong suot. Ito yung wedding ring namin ni Thower nung kasalin kami, napangisi na lang ako ng mapakla. Grabe, ang tagal kong nagtiis.
Pipilitin ko ang sarili kong tigilan ng mahalin si Thower. Ayoko na. Nakakasawa na.
Sana hindi na kami nagkabalikan pa ni Thower sana hindi na nagkaganito pa.
"Sino na namang iniisip mo? Si Thower na naman ba?" napalingon ako dun sa nagsalita. Si Starie pala at ka-video chat ko sya ngayon.
Hindi ako nakasagot sa tanong nya at tinanggal na lang ang singsing ko sa daliri ko at basta na lang pinatong dito sa may desk ko.
"Masama ba kung aaminin kong sya parin ang iniisip nitong isipan ko?" napatungo ako sa sinabi ko.
Isa akong mahinang nilalang. Bakit ba kasi ang hina hina ko. Bakit hindi ko kayang hindi sya isipin kahit isang araw lang? Bakit hanggang ngayon ay ayaw tanggapin ng puso kong gusto ko na syang kalimutan.
"Look, Autumn, hindi naman sa sinasabi kong bawal o isa itong krimen. Ang tangi ko lang namang ipahayag ay maawa ka sa iyong sarili. Tell me, ilang taon ka bang naghintay? Ilang taon kang nabaliwala? Ilang taon kang umasa sa wala? Tapos ngayong akala mo ay nasa tuktok ka na ay bigla ka na lang nyang bibitawan?"
"Autumn, Kilala kita, minsan nakakapagod na. Oo, nakakapagod na rin ang sitwasyon mo pero isipin mo. You need to take a break. Wag mo munang isipin si Thower. Have some fresh air"
Sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan ay napangiti ako sa sinabi ni Starie.
"Gusto ko 'yon!"
Thower's Pov
Kanina ko pa ginugulo ang ayos ng buhok ko at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapag-isip ng magandang desisyon para muling bumalik sakin si Autumn. Nandito nga ang barkada ko pero parang wala parin.
Halos kada pinikit pikit ko ang aking mga mata ay nagbabalik sa isipan ko ang imahe kung saan ang nagalit sakin si Autumn at iniwan ako.
"Bro, ayaw mo naman kasing makinig sa sinasabi namin, e" hindi ko na napansin ang sinabi ni Darren.
Nanatili lang akong nakatungo at pinagmasdan ang wedding ring na nasa ring finger ko. Oo, aaminin ko, napilitan lang akong pakasalan si Autumn pero pinagsisihan ko 'yon dahil simula nung napatunayan kong hindi manggagamit si Autumn kagaya ng iba ay mabilis na nagbalik ang pagmamahal ko sa kanya.
Balak ko sanang aminin sa kanya ang lahat kaso ... nahuli na ako.
"Thower, kung mahal mo talaga si Autumn bakit hindi mo sya sundan? Panigurado alam mo naman kung saan sya pupunta diba? Sa tagal ba naman ng relasyon nyo" mungkahi ni Zian.
Napahilamos na lang ako ng mukha. At pagkatapos ay syang pagbagsak na naman nitong mga luha ko.
"Thower, kung wala kang gagawin walang mararating yang nararamdaman mo at kapag nangyari 'yon pinatunayan mo lang sa sarili mong hindi kayo para sa isa't isa" saad ni Ethan pagkatapos nyang inumin ang coke na nasa baso nya.
Nag-angat naman ako ng tingin at nilingon sya sandali at pagkatapos ay napatungo muli ako.
"Tama si Ethan, Thower kung hindi ka gagawa ng aksyon hinahayaan mo lang na tuluyan ng mawala sayo si Autumn"
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...