Yamie's Pov
"Are you some kind of moron? Hindi mo ba iniisip na maaaring matanggal ka sa limelight dahil sa gagawin mong ito?" taratang saad ng manager kong tumandang dalaga. Hindi ko lang sya pinansin at nginuya lang ang kinakain kong chips at pinagpatuloy ang pinapanuod kong palabas sa tv.
Nandito kasi ako sa bahay nya at napag-isipan kong sabihin sa kanya ang magiging plano ko.
"Why should I care?" pabalang kong tanong dahil aaminin ko ay naiinis na rin ako sa kanya. Kalapit ko lang sya dito sa sofa at ang lakas ng boses nya na mas malakas pa sa boses ng mga actor dito sa palabas na pinapanuod ko.
"Hindi ka ba nakikinig sa sinasabi ko? For the nth time, Yamie, hindi ka na bata na pwedeng landiin ang carreer mo. You're already a young adult--" lalo na akong naasar sa sinabi nya kaya agad ko na lang pinindot ang off button sa remote at agad na akong tumayo at hinarap ang matandang dalaga kong manager na galit sakin.
Walang emosyon ko lang syang tiningnan.
"Tell me, why do you care? Kung naiinis ka na sa ugali ko? Then go! Umalis ka na. Fire me as your talent, find someone better than me, as if I care. Basta tandaan mo lang, in the first place ay ikaw ang lumapit sakin para kitain mo ang mga perang kinikita mo ngayon" hind na ako nagpaalam pa sa kanya at basta na lang ako umalis.
I honestly hate this kind of life. Yes, I'm a celebrity, I can go anywhere, everywhere. Pero hindi ko na nagagawa ang mga simple things in life.
Bago kasi ako maging artista ay isa akong successful bussinesswoman. I have many companies. Marami akong empleyado and all of them are happy on how I run my own company. Dagdag pa dito ang mga company na pinamana sakin ng parents ko.
Everything was running smoothly according to plan. Kahit na ni-reject ako ni Calvin ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Sa bawat pagre-reject nya sakin ay ganun din ang pagre-reject nya sa idea na i-merge ang both companies namin.
Lagi nyang sinasaktan ang feelings ko na ni minsan sa buhay nya ay hindi nya ako nakilala. Nakakainis, alam nya sa sarili nya na kilala nya ako pero the way he act in front of me. Walang wala yon sa pagtrato nya kay Autumn.
I hate her so much na kung kaya ko lang ay matagal na syang natanggal sa trabaho pero masyadong malakas sya kay Calvin dahil hindi ko man lang sya malapitan. And that's the reason of why I hate her so much.
Then one day, may nakilala akong manager and she wants me as her talent. I said yes, it was just a play time at first na naging seryoso na kalaunan.
At habang tumatagal ay unti unting nabubuo na sa sistema ko kung paano ko magagawa ang matagal ko ng nais.
Autumn Monique's Pov
"Ang galing naman, as expected maganda ang pagdarausan ng team building natin" nakangiting saad ni Starie na nililibot ang mata sa lugar. Samantalang ako ay nanatili na lang akong tahimik na pinagmamasdan ang lugar.
Ang galing. Ang ganda ganda dito. Kumpleto na ito para sa 2 day team building activities meron pa itong swimming pool.
"Autumn, tara na punta na tayo sa magiging kwarto natin" tumango na lang ako bilang pag-ayos at sumunod na kay Starie. Nilagpasan namin ang parang garden ng magaganda at mababangong bulaklak.
Napakagandang tingnan na akala mo ay nasa ibang bansa ka. Maging ang pagkakagawa ng nasabing lugar ay halatang pinag-isipan ng arkitekto at maging ng engineer.
Tumigil kami ni Starie sa isang pinto at nung binuksan na ay literal na napaawang ang bibig ko. Hindi ko inaasahan na may mas maigagandan pa pala ito sa kwarto ko at kwarto ni Starie kapag pinagsama.
Umupo rin ako sa may kama at talagang napakalambot ng kama. Kaya napag-isipan kong humiga para mas lalong maramdaman ang kama. Napakasarap naman ng experience, pakiramdam ko ay nasa hotel ako. Maging ang mga kurtina at designs dito sa loob ng kwarto ay mapapa-wow ka talaga. At sa bintana naman ay makikita mo ang napakagandang tanawin.
Pumunta dun si Starie at pinagmasdan ang nanduon.
"Napakaganda naman dito. Siguro ay magiging worth it talaga ang magiging team builing natin" saad nya habang nakatanaw sa tanawin.
Samantalang ako ay tumingin na lang sa kisame at unti unting nawala ang ngiti sa aking labi ng bigla kong naalala ung envelope na naglalaman ng invitation letter ni Thower sa kasal namin.
Itutuloy ko pa ba? bakit kasi pakiramdam ko, ako na lang ang nagpupumilit ng kasal na ito kahit ang totoo naman ay napipilitan lang naman sya. Ikakasal kami tapos anong mangyayari? Mabubuhay kaming parang kasal na nag-uugnay samin? Mananatili syang playboy at ako mananatiling ganito? mananatiling martir na nagmamahal sa kanya?
"Oy, Autumn, may problema ba?" hindi ko napansin na nandito na pala sya at nakatingin sakin kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.
"Ahh? W-wala." tumayo na ako at inayos sandali ang nagusot kong damit.
"Ahh. Starie, lalabas muna ako. Magpapahangin lang sandali babalik din ako" tumango naman si Starie kay umalis na ako.
Habang naglalakad ako dito sa may hallway ay ung kasal na magaganap ang nasa isipan ko. Ano ba talagang rason ko kung bakit hanggang ngayon ay gustong makasal kami ni Thower?
May sari-sarili na kaming buhay pero bakit hanggang ngayon ay pinaghahawakan ko parin ang pangako nya sakin nung graduation nung high school? Sadya bang kinukulong ko na lang ang sarili ko kay Thower kaya---
"Oh! Sorry" may nabungo ako kaya dali dali akong nag-sorry at nag-angat ako ng tingin.
Natigilan ako na para akong nakakita ng isang multo. Hindi naman siguro nagkakamali ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon diba?
"Y-yamie?" halata sa kanyang mga mata ang pandidiri.
Hindi ko maintindihan sa babaeng ito kung bakt sya nagagalit sakin gayung dapat ako nga ang magalit sa kanya dahil sya ang dahilan kung bakit bigla na lang nagbago si Thower.
"Alam mo pwede ba? Lumayo ka sakin! Nakakadiri ka at saka .." tinaliman nya ako ng tingin na para bang ang mga mata nya ang matatalim na kutsilyo na handa ng sumaksak sa puso ko.
"Wag na wag mong lalapitan si Calvin kung gusto mong agad mong mararating nais mong destinasyon at wag .." hinawakan na nya ang kwelyo ng damit ko at mas tinaliman nya ako ng tingin.
Aaminin ko, natatakot na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sya ganyan magalit kung inagaw na nga nya ang nasa akin.
"Huwag na huwag mo akong kulwestyunin dahil isa lang namang nais ko, yun ang pahirapan ka at sirain ang buhay mo. Alam mo kasi yon, ang sarap ng pakiramdam na agawin ung mga bagay na nasa iba pero inaagaw mo pa" maldita nyang saad at tumawa pa sya at pagkatapos ay tinulak nya ako.
Dahilan para bumagsak ako sa sahig. Sige, hindi ko muna papatulan yang mga sinasabi mo dahil mas malaki akong problema ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/61233448-288-k377647.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...