Yamie's Pov
Halos madurog ko na ang hawak kong wine glass habang pinapanuod sa tv ang reality show ng buhay nila Thower at ng babaeng mang-aagaw na yon. Hindi ko makayang makita syang masaya gayung hanggang ngayon ay nagdurusa parin ako. Pakiramdam nya ay maswerte na sya dahil nakuha na nya ang matagal na nyang gusto.Hindi! Hindi ako makakapayag. Sakim na kung sakim. Hindi ako magiging masaya kung siya parin ang tinitibok ng puso ni Calvin.
Marahas kong binato ang wine glass habang sumisigaw. Kinuha ko ang phone ko at pinagmasdan ang gwapo at nakangiting mukha ni Calvin. Hindi ko na rin napigilang maluha.
Ano ba kasing kasalanan ko at hanggang ngayon ay ung Autumn girl parin yon ang mahal na mahal mo? I hate her so much.
Binato ko ng vase ung 70 inch tv ko. I want to get even. Hindi ako makakapayag na masaya ka. Kapag nanakit ka darating ang araw na masasaktan ka rin.
---
Autumn Monique's PovIt's 3 days ng nandito kami sa Palawan. Everything is going smoothy. Everything is like I ever dreamed it would be. Everything is absolutely perfect. It's like we're in paradise.
This is the last sunset of our stay here dahil bukas ay babalik na kami sa Manila. Hope that na hindi magbago ang lahat.
Habang pinapanuod ang sunset ay naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko dahilan para lingunin ko sya.
"Thower ..
"Autumn, Sorry. I'm sorry sa lahat ha." he paused at iniharap nya ako sa kanya.
"Sorry kung nasasaktan kita. It's just that I'm confused with my feelings pero ngayon I can say that I love you. I really do. This heart of mine never stop to beat your name alone" Pakiramdam ko ay sandaling tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi nya.
Natigilan ako at sumunod na lang na nangyari ay umiiyak na pala ako. Hindi ko ine-expect ito.
"Thower ..."
"Mahal, I'm sorry It took 7 years for us be husband and wife. Siguro masyado kong ginugol ang sarili ko sa trabaho na nagresulta sa nakalimutan kita. Baby, I'm really really sorry" agad ko syang niyakap at hindi ko na napigilang mapahagulgol na sa damit ni Thower.
Hindi nya lang yon pinansin at kinomport nya lang ako.
Simula ng araw na yon ay lalo kaming napalapit ni Thower sa isa't isa. Dahil na rin sa wala akong trabaho ay lagi na kaming magkasama sa bahay.
Nagtatampo na nga sakin si Starie dahil hindi ko man lang sinabi sa kanya ang lahat. Minsan ay inaya nya rin akong mag gala o magmall kami pero ilang beses din akong tumanggi. Sinabi ko sa kanya ang totoong gusto ko munang makasama si Thower. Gusto kong ibalik ang nakaraan hanggang sa maamin ko na sa sarili kong nagkabalikan na talaga kami ni Thower.
Sa bawat araw na lumilipas ay hindi nawawala ang pagiging sweet nya. Pag may pupuntahaan sya nanduon ako, It's like everyday is our date everyday.
Minsan ay nagkukwentuhan na rin kami about sa pagsta-start ng family. Natutuwa ako dahil gusto nya ng kambal ang magiging anak namin at gusto nya ay lalaki at babae. Parang kagaya ng mga anak nila Akia at Zian.
Nalaman ko rin na lahi talaga nila ay lahi ng mga kambal. Nalaman ko rin ang mga bagay na hindi nya ikinuwento sakin nun.
Dumating din ang araw na bumisita kami sa kina Mama sa Binangonan, Rizal. Tuwang tuwa sila dahil nakita nilang masaya ako. Napapangiti na lang ako sa sinasabi nilang yon.
"Goodnight, Mahal ko"
"Goodnight" at hinalikan nya ako sa noo. Kung dati ay makahiwalay kami ng kwarto pwes ngayon ay magkasama na kami sa kwarto. Sa kwarto nya. Nilipat ko na rin ang mga gamit ko.
Masasabi ko talagang malaki na ang pinagbago ni Thower. Alam ko totoo itong pinapakita nya sakin. Hindi nya ako niloloko. I can see it in his eyes, mahal nya ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya.
---
Isang halik ang naramdaman ko bago ko tuluyang imulat ang aking mga mata. Agad na gumuhit sa aking mukha ang kasiyahan na makita kong nakatingin sakin si Thower habang nakangiti."Good morning, Mahal" magiliw kong bati sa kanya at niyakap sya. Araw araw ganito ang ginagawa ko, binabati ko sya at niyayakap.
"Good morning din, Mahal, breakfast in bed?" nakangiti nyang saad. Napakunot noo naman ako dahilan para ipakita nya sakin ang isang tray ng pagkain sa may gilid dahilan para lalo akong mapangiti.
"Mahal, ang sweet sweet mo talaga!" kilig na kilig kong saad. Inilapag na nya ang tray dito sa kama at nagpray muna ako bago nagsimulang kumain.
Bago ako magsimulang kumain ay tiningnan ko muna ng maayos ang breakfast na nandito. Dalawang sunny side up na itlog, dalawang bacon sa isang plato. Ginawa nyang hugis mukha ang itlog at bacon. Meron din ditong loaf bread na walang palaman at isang tetra pack ng fresh milk at sinamahan nya pa ng baso.
"Mahal, ang dami nito. Hati tayo!" pag-aaya ko sa kanya pero ayaw nya pero hindi ako tumugil at kalaunan ay pumayag din sya. Umusod ako ng konti dito sa may gilid ko para makaupo si Thower.
"Mahal, sabi ni Direc, good job daw satin!" saad nya pagkatapos nyang lunukin ang nginunguya nya kaninang loaf bread.
"Good job? Saan naman?" tanong ko habang kumukuha ng loaf bread at humati ako ng itlog at nilagay dun.
"Dun sa show. Nakuha na daw nila ang mga tamang videos para sa show." tumango tango na lang ako habang ngumunguya.
"Paano na yan? Babalik ba ako sa trabaho?" tanong ko kay Thower. Sandali akong tumigil sa pagkain at tiningnan ko sya. Hinihintay ko kung anong magiging sagot nya.
"Kung gusto mo, okay lang. Hindi kita pipigilan!" napangiti ako sa sinabi ni Thower at niyakap sya ng mahigpit.
"Thank you. Thank you talaga!"
BINABASA MO ANG
Loving Cloude Thower Wolfe ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 4 "Kailan ba magiging ako na lang dyan sa puso mo ha, Thower? Hanggang kailan ako magtitiis ng may kahati ng atensyon mo?" Gaano mo kayang magtiis magmahal sa isang lalaking ang tanging ginawa lang naman ay paglaruan...