Chapter 18 (05/03/2016)

3.7K 69 0
                                    

"Now. Tell me, bakit mo ginawa yon?" madiin kong saad. Hindi ko alam sa babaeng to kung bakit pinapunta nya pa ako dito sa bahay nya gayung mananatili lang pala syang nakaupo sa kanyang dark brown leathered couch habang umiinom ng kape na pinagawa nya sa isa sa mga katulong nya.

Kanina pa ako nakaupo dito at punong punong na ng galit ang sistema ko gayung sya ay hindi man lang maramdaman na nagagalit na ako dito pero ung mga katulong nya dito ay halos hindi na makatingin sakin dahil sa takot at ung iba ay nanginginig pa sa takot.

"Do you want some coffee?" magiliw nya pang saad sakin na syang lalong ikinainis ko. Hinampas ko na ng malakas ang sofang inuupuan ko pero tiningnan nya lang yon at binalik ang atensyon sa muling pag-inom ng kanyang kape.

"Masyado ka bang insensitive? Hindi mo ba nararamdaman na galit na galit na ako at konting segundo na lang ay kaya kong basagin ang mga gamit dito sa bahay mo?" banta ko pero hindi man lang nya ako tiningnan at hinalo nya pa ang kapeng hawak nya at hindi pa sya nakuntento at ginamit nya pa ang iphone nya.

"Sige lang pero siguraduhin mong bawat sentimo ng mga gamit dito sa bahay ko ay papalitan mo kasama na dun ang interes" at pagkatapos ay tinaliman nya ako ng tingin. Natigilan naman ako at nakaramdam ng konting takot.

Binaba na nya ang kanyang kape sa coffee table at tinago na rin ang iphone sa kanyang bulsa.

"Okay. Back to your question." walang emosyong saad nya habang nakatingin sakin.

Pasimple lang akong nagtiim bagang at nagkuyom ng kamao.

"Bakit mo sinabi sa press na ikakasal na ako? Masyado ka na bang nakulangan sa kasikatan kaya nilabas mo sa publiko ang sikreto ko?" biglang nawala ang walang emosyon nyang mukha at bigla itong napalitan ng pagtawa. Pinagtawanan nya lang ako.

"Oh! Look who's talking. Tell me, nakalimutan mo na ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nananatili ka pa ring sikat kahit gayung hindi ka naman laging nagkakaroon ng projects? Masyado kang manhid, tandaan mo ako ang may dahilan kung bakit narating mo ang pwesto mo ngayon. Mas pinili mong umangat ng mas mabilis kaysa gumaya sa mga kaibigan mong pinaghirapan ang kanilang kasikatan"

I was offended by her words. Alam kong totoo un pero hindi naman nya kailangang ibalik pa ang nakaraan.

"Marahil tama ka. I used you. You used me. Parehas lang tayong naggamitan kaya ang tinatanong ko , bakit mo nilabas ang balita sa press?" napangisi sya at tumayo na sya. Tumayo na rin ako at sinundan sya.

Tumigil sya sa may tapat ng bintana kung saan tanaw na tanaw mo ang buong kamaynilaan.

"For my final blow .." napakunot ako ng noo.

"Final .. what?" hinarap nya ako pero muli nya ring binalik ang atensyon sa may bintana.

"Alam ko namang alam mo kung bakit pinagpatuloy ko ang pag-a-artista ko kahit na ang totoo ay business woman ako. Ginawa ko ang lahat para mapalapit kay Calvin at sa nakikita ko ay ang kasal mo ang perfect opportunity para dito. Makukuha ko na si Calvin at mapupunta naman sayo si Autumn. It's a win-win."





Autumn Monique's Pov

Buong araw ko itong pinag-isipan. 16 days na lang at ikakasal na ako kay Thower. Hindi na rin ako nakapasok dahil dito, natatakot ako sa mga maaaring sabihin sakin ng mga katrabaho ko. To be honest, natatakot talaga ako.

Which brought me to the conclusion na puntahan na lang si Thower at sabihin sa kanyang ng harapan na ayoko ng ituloy ang kasal. Alam kong in the first place ay ako ang nagprisinta pero dahil din sa pagkakamali kong yon ay narealise kong mali pala ang sinabi ko at kung maibabalik ko lang ang panahon ay sana hindi ko na lang sinabi yon.

Kahit punong puno ng kaba ang sistema ko at kumatok na ako ng tatlong beses na kalaunan ay si Kuya Jess ang nagbukas ng pinto. Halata sa kanyang mukha na nabigla sya dahil nandito ako.

"Kuya Jess, si Thower--"

"Jess, sino yang nasa pinto?" boses ng babae ang narinig ko na mukhang nanggagaling sa loob. Napatingin naman ako kay kuya Jess na parang biglang natakot.

"Umm.." hindi matuloy ni kuya Jess ang kanyang sasabihin dahilan para maguluhan ako.

"Kuya Jess, okay ka--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng biglang may lumabas na babae na mukhang mother nila kuya Jess at Thower dahil kamukha nila ito. Natigilan ako.

Aaminin ko, sa tinagal na naging kami ni Thower ay hindi nya ako pinakilala sa pamilya nya. Kaya ito ang unang beses na makikilala ko sila. Totoo naman kasi ang sinabi ni Thower nun sa parking lot non, sekreto ako at mananatiling sekreto.

"Ma, si ..." sabi ni Kuya Jess na hindi masabi ang pangalan ko kaya tinuloy ko na lang ang sinasabi nya. Mahirap na.

"Ahh, Autumn po." magiliw kong saad.

"Ma, Fiancee ni Thower" saad ni kuya Jess sa mother nya na ikinalingon ko kay Kuya Jess. Bigla akong kinabahan at natakot. Paano na lang kung ayaw naman pala sakin ng mga magulang ni Thower? at mas gusto nila si Yamie na mas maganda at mas successful sakin.

"Fiancee ni T-thower?" bakas sa mukha ng mother nila Thower na hindi ito makapaniwala dahilan para mas lalo akong kabahan.

Tumango na lang ako at tumungo. Ito na , ihahanda ko lang ang sarili ko. Para kasing bigla kong naalala ung napanuod ko sa 'Hana Yori Dango' at 'Emergency Couple' kung saan sasaktan o pagagalitan ng mother ng guy ung babae. Pinikit ko na rin ang aking mga mata ng madiin. This is it.

"Love, sino--" may narinig akong boses ng isang lalaki. Hindi ko nakita ang mukha nya dahil nananatili akong nakatungo.

"Love, fiancee daw ni Thower" saad ng mother nila Thower sa lalaki na sa tanya ko ay ang father nila Thower.

"Did I hear it right? may fiancee si Thower?"

Loving Cloude Thower Wolfe ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon