Chapter 39 (09/04/2016)

8.8K 133 35
                                    

// MUST READ //
Jonelle's Note:
Maraming salamat po sa inyong lahat na bumabasa at nagbabasa ng story-ang ito na isinulat ko. Kahit na kokonti kayo ay naging pagpapala kayo sakin. Maraming salamat po sa inyo! . At sa pagwawakas mo ng nobelang 'to labis po ang pagpapasalamat ko sa inyo!

THIS IS THE LAST CHAPTER !!!

Kita kitz na lang po sa Epilogue .

Ps. THE EPILOGUE IS PRIVATE pero kung fan ka ng malulungkot na story ay welcome kang wag ng magcontinue sa epilogue pero pinapangako kong mas maganda kung mababasa mo talaga ang epilogue.

Un lang, again maraming salamat.

------------
Autumn's Pov

Sinunod ko nga ang sinabi ni Starie. Nagleave muna ako ng one week at pinayagan naman ako ni Sir Calvin. Naaalala ko pa nga na hindi matanggal ang saya sa mukha nya kanina.

Sabi pa nga nya tuloy na daw ang kasal nila ni Yamie. Tumagal man daw ng ilang taon sila pero in the end sila parin ang nagkatuloyan. Napangiti na lang ako habang kinukwento yon ni Sir Calvin.

At habang nagpapirma ako ay biglang bumukas ang pinto dahilan para sabay naming lingunin 'yon ni Sir Calvin at nakita kong si Yamie ang niluwa ng pinto. Sinundan ko lang ng tingin ang kanyang lakad at nung tumigil na ito sa harap ni Sir Calvin ay kitang kita ko ang kasiyahan sa mukha ng binata.

Napangiti na lang ako sa eksenang nasasaksihan ko.

"Mahal, pasensya ka na medyo natagalan, alam mo naman traffic." she paused and looked at me. Nabigla pa nga ako sa pagkakatingin nya sakin dahil hindi na ito kagaya ng iba may galit.

"Oh, nandyan ka pala, sorry hindi kita napansin." nakangiti nyang sabi at pagkatapos ay hinalikan nya sa labi si Sir Calvin sandali at pagkatapos ay nilingon ako.

"I almost forgot. Umm, Autumn, sorry sa lahat ng ginawa ko sayo ha. I only done that kasi masyado akong selosa at mahal na mahal ko lang talaga si Calvin. Alam mo kasi, bata pa lang kami ay naka-arranged marriage na kami sa isa't isa pero dahil nga sa ayaw sakin ni Calvin ay matagal naudlot ang love story namin pero nung pumasok ka sa picture, gosh! naging blessing in disguise ka. Thank you talaga" at nabigla ako sa ginawa nya. Dahil bigla nya akong niyakap.

Napasinghap pa nga ako e. Pero pagkatapos din ng ilang segundo ay kumalas na sya at kinausap na si Sir Calvin. Habang pinagmamasdan silang masayang nag-uusap ay medyo nakakaramdam ako ng inggit.

Inggit na sana ganito kami ni Thower. Hindi ko sinisisi si Yamie dahil sinabi nya sakin ang totoo instead nagpapasalamat pa nga ako e.

Nagpapasalamat na ngayon ay alam ko na ang katotohanan.

"Umm, Sir Calvin, Yamie, mauuna na po ako" pagpapaalam ko. Tinginan naman nila akong dalwa at pagkatapos ay nginitian ako.

Umalis na ako at habang pababa na ako ng elevator at bigla itong nagbukas sa floor kung saan di ko naman pinindot. Ang tanging naisip ko ay baka may sasakay.

Thower's Pov

"Thower, Itry mong pumunta sa opisina at kausapin mo si Calvin. Maybe alam nya kung nasaan si Autumn or better yet alam nya kung saan nakatira ngayon si Autumn" ani ni Jess.

Ugh! Just thinking na makikita ko muli ang pagmumukha ng lalaking yon ay gusto ko syang suntukin ng walang tigil. Malaman ko lamang na sa bahay nya nakatira ang asawa ko baka hindi na nya marating ang bukas.

Ano bang floor ang mokong na 'yon? Sandali akong tumingin sa directory at napakuyom ng kamao ng malaman kong dulo na ata ng building na ito ang opisina nung lalaking yon.

Pinindot ko na ang elevator papataas at di rin nagtagal ay bumukas na rin ito. May nasa loob isang babae pero hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatagilid sya at natatakpan ng buhok nya ang mukha nya at parang umiiyak sya.

Hindi ko na lang pinansin yon dahil nakafocus ang isipan kong makita ung lalaking yon para suntukin at tanungin kung nasa bahay nya ang asawa ko.

Pinindot na ng babae ung close at muling sumara ang elevator. Pababa pala sya. Okay.

Dumikit na lang ako sa may pader dahil medyo matagal tagal akong nandito. Bang taas pa naman ng floor nung lalaking yon.

Huminga na lang ako ng malalim at sandaling pumikit ng nakaramdam ako ng medyo panginginig ng elevator at pagkatapos ay bigla itong tumigil at di lang yon ang nangyari dahil bigla ring namatay ang ilaw.

Out of frustration ay napasigaw na ako. Nilabas ko na rin ang phone ko at inilawan ang button at pinindot ang open pero wala kaya kung anu-ano na dun ang pinagpipindot ko pero wala parin dahilan para muli akong mapasigaw.

"ANO BA! ANONG KLASE NAMAN OH! KAILANGANG KAILANGAN KONG PUMUNTA SA OPISINA NG MOKONG NA 'YON TAPOS GANITO ANG MANGYAYARI! ASAR NAMAN 'OH" sigaw ko at hinampas pa ang pader pero no use. Wala.

Masama na lang ang loob kong sumandal na lang sa pader ng elevator na ito in darkness. Wala pa akong ilang segundong nakasandal dito ng marinig ko ang malakas na hikbi ng babaeng muntik ko nang malimutang kasama ko rin pala sa elevator.

"Ako! Ako! Ako kasi ang may kasalanan ng lahat. Sana kasi hindi ko na lang pinagsiksikan ang sarili ko sa kanya edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Sana hindi ko na lang sya tinali sa kasal na ako lang naman ang may kagustuhan" iyak nya.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit inaninag ko ang mukha nya gamit ang ilaw ng phone ko pero hindi ko sya kilala. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Sa sinasabi nya, bigla kong naalala ang sarili ko.

Kung maibabalik ko lang ang lahat sana after college ay pinakasalan ko na si Autumn.

"Ahh .. Gusto mo umupo muna tayo para mapag-usapan natin yan" tumango naman sya at umupo na lang kami dito sa malamig na sahig ng elevator.

Sandali kaming nabalot ng katahimikan ng mismong ako na ang bumasag nito.

"P-pwede mong ishare ang problema mo dahil diba sabi nila mas magandang ishare mo ang problema mo sa iba kaysa sa kakilala"

Narinig ko syang nagbuntong hininga.

"S-siguro ka? Okay lang? Sa bagay , hindi naman natin kilala ang isa't isa diba? okay ... sige magkukuwento ako"

Narinig ko syang suminghot sandali ay pagkatapos ay nagsimula na syang magkwento.

"5 years ago ay may lalaking nangakong pakakasalan ako, wait I mean 7 years pala. Kasi 7 years akong naghintay sa wala. I waited na tutuparin nya ang pangako nya like I was a love sick puppy dog dahil ang katwiran ko nun. Mahal na mahal ko si Thower ..."

Loving Cloude Thower Wolfe ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon