Chapter 20-- I'm Sorry

190 10 5
                                    

Chapter 20-- I’m Sorry

Kamille's POV

“Ah hello?” Humihikab kong sagot kay Errol sa telepono.

Gustuhin ko mang magalit dahil pinaghintay niya ‘ko ng matagal, alam ko naman na hindi pwede. Buti na lang at hindi ako pinagalitan ni manang dahil gising pa ko gayong madaling araw na. Nandito ako ngayon sa sala dahil sa telepono namin siya tumawag at hindi sa cellphone ko.

[“A-Ah inaantok ka na ba Kams? Sorr—“]

“Ah hindi ah! Haha. Ano ka ba.” Masigla kong tugon kahit ang totoo ay inaatok na talaga ako. Hindi naman kasi ako sanay ng napupuyat pero dahil at para sa kanya, ginawa ko.

[“Ah Kamille. Pwede mo ba ‘ko tulungan kay Shiela? Nagalit kasi siya sa’kin e.”]

Oo nga naman. Ano pa bang inaasahan mo Kamille? Syempre dahil dakila kang tulay ng dalawa, ang pag-uusapan niyo ngayon ay si Shiela na naman. Iyan ang sabi ko sa isip ko.

“Ay ano ba nangyari? Okay lang ba kung ikukwento mo?” Ayokong saktan yung sarili ko sa pakikinig ng istorya nilang dalawa pero tingin ko ay kailangan, para mas maintindihan ko kung hanggang saan lang ako dapat lumugar.

Kinwento naman ni Errol kung ano ang nangyari sa kanila. Ayon sa kanya, nag-away daw sila sa date nila dahil:

Una, sobrang ikli daw ng isinuot ni Shiela na damit. Kasalanan kong hindi masabihan si Shiela na baguhin ng kaunti ang istilo ng pananamit niya. Mahilig kasi siya umattend sa mga party, at kapag sinabi kong party, sa bar ‘yun. Alam ko ‘yun dahil naririnig ko na lagi silang nagkukwentuhan ng mga ganoong bagay nila Aira at Erica, kung minsan kasama din si Christine.

Hindi ko nga alam kung paano silang nakakapasok sa lugar na ganun. Hindi ba’t bawala ang mga minors doon?

Ikalawa, dahil bigla bigla na lang daw nagagalit si Shiela. Alam ko din yun, syempre. Pero noong kinwento sa akin ni Errol iyon, kunwari akong nagulat at hindi naniwala na ganun si Shiela. Kung laging magiging ganoon si Shiela kay Errol, malayong magtagal ang relasyon nila. Napansin ko na din dati kay Shiela na madali siyang magalit kapag hindi nasusunod ang gusto niya. Pero, naniniwala akong may itinatago pa rin siyang kabaitan sa sarili niya.

Ikatlo, dahil kinailangan daw nilang umuwi agad dahil kailangan niyang magpunta sa manager niya. Well, kasalanan naman talaga ni Errol yun, pero hindi ko din siya masisisi dahil may commitment pa rin siya sa trabaho niya, artista pa din naman kasi siya.

[“Ay, tapos, teka, napanood mo na yung Man of Steel?”] pagtatanong sa akin ni Errol sa kabilang linya.

“Ay oo pinanood namin nila mommy. Ang ganda nun! May itsura pa yung bida haha. Bakit?”

[“Kasi..”] tila nahihiya niyang sabi.

“Ano? Kasi ano?” eager na eager kong pagtatanong. Ano bang mayroon sa Man of Steel?

[“Kasi pinanood namin yun. Feeling ko hindi niya na-gets.”]

“Pfft. Sorry.”

Pinigilan ko talaga ang tawa ko pagkasabi ni Errol nun kahit na gusto ko na talagang matawa. Bakit niya ba kasi pinanood pa kay Shiela yun? Hahaha.

[“Okay lang. Ganyan nga din reaksyon ko nung sinabi niyang hindi niya naintindihan e.”]

Pagkatapos noon, pinag-usapan naman namin ni Errol kung paano sila magkakaayos ni Shiela. Dahil ako nga ang nakaisip ng mga dapat gawin para magkabati sila, kasama pa din ako sa plano. Inabot rin kami ng ala una ng madaling araw sa pag-uusap ng mga pwedeng gawin bukas.

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon