Chapter 27-- Totoo
Aldrich’s POV
"O eh paano ngaaa. Paano nga kayo nagkakilala?!" Pangungulit ni Christine pagpasok namin pareho sa sasakyan.
"Bakit mo ba tinatanong? Yayaman ka ba pag nalaman mo? Wag ka nga." Pagsusungit ko sa kanya. "Makikisabay ka na lang sa'kin ang ingay mo pa. Tulog ka na nga lang!"
"Sige na kasi Drich. 'To naman eh. Close naman tayo diba? Sige naaa." Pagmamakaawa niya naman.
"Ano ba kasing mapapala mo? Ikaw muna magkwento, sino yung kasama mo sa mall?" Pagbabalik ko naman ng tanong sa kanya.
"Oo nga pala! Magkasama kayo ni Kamille nun? Ehh.. Bakit ko naman ikukwento sayo aber?" Sabi niya saka sumandal sa upuan, " Ano bang mapapala mo? Yayaman ka ba?" Pang-aasar niya pa.
"De sige manigas ka dyan kakatanong. Bahala ka sa buh--"
"Ito na nga, ito na nga Drich. Grabe ka talaga!" Panandalian siyang tumigil sa pagsasalita, "Si Dylan yung kasama ko. Si Dylan, yung taong gusto ko, na may gusto kay Kamille." Saka siya napayuko.
"Alam mo ang weird niyo eh no? Ikaw may gusto ka dun sa Dylan. Si Dylan naman may gusto kay Kamille. Si Kamille, si Errol naman gusto. At itong si Errol, yung Shiela naman ang gusto. Gulo niyo!" Tugon ko pero hindi na nagawang sumagot pa ni Christine, "O, eh bakit nga kayo magkasama nun?"
"Eh kasi sinamahan ko siyang pumili ng damit para sa Prom, para masurpresa daw si Kamille. Ang galing di ba? Ako yung kasama niya nun pero hindi ako yung iniisip niya, hindi para sa'kin yung ginagawa niya. Bakit kasi dun pa ko nagka-crush e."
Hindi na ako muling nagtanong pa dahil baka mapaiyak ko pa si Christine ng wala sa oras. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa maihatid ko siya sa bahay nila.
"Dito ka muna Drich. Papasabi ko na lang kay tita na nandito ka."
"Eh, gagawa pa ko homeworks." Pagpapalusot ko
"Wow ha? Kailan ka pa natuto gumawa ng homeworks mo? Hahaha!" Nagsimula na namang mang-asar ang isang ito. Yan pala gusto mo ha? Haha.
"Yabang mo ha! Nagsalita naman. Hahaha”
"Che! Matalino ka lang ah! Tara na kasi! Kukwentuhan mo pa ko ng tungkol sa inyo ni Kamille e." Hinawakan niya naman ako sa braso kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama sa loob ng bahay nila.
"Tss. Oo na, oo na."
Umupo muna ako sa sala nila at hinintay siya dahil magpapalit daw siya ng damit. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita kaya kahit papaano ay masaya rin naman ako. Pagkababa niya ay agad niya akong tinanong ng kung anu-ano tungkol sa amin ni Kamille, kung sana nga ay may “kami” diba? Haha. Pero hindi ko naman ikinwento ang lahat lahat lalo na ang mga problema ni Kamille, pero nagulat ako dahil alam din iyon ni Christine dahil kaibigan pala niya si Shiela.
“Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko sabihin kay Kamille kanina yung totoo.” Bigla namang sigaw ni Christine matapos uminom ng juice.
“Anong totoo?” Pagtataka ko.
“Na hindi talaga nalaman ni Errol yung totoo. Drich, di ba kaibigan mo kamo si Errol? Samahan mo naman ako, Tulungan natin si Kamille.”
“Ha? Eh ano bang alam niya? Anong sinabi ni Shiela?” Hindi ko maintindihan, ano bang nangyayari talaga? Pero bago niya pa ako sagutin ay hinila niya na ko patayo, “Mamaya na. Dali, lika na.” Aniya.
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Teen FictionAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)