Chapter 22-- Hidden Feelings

173 8 5
                                    

Chapter 22-- Hidden Feelings

KAMILLE'S POV

Ang bilis talagang dumaan ng panahon. Parang kailan lang Christmas break namin, tapos ngayon January na. At kapag Enero? Sobrang excited lang ng mga estudyante, at isa na ako dun, dahil sa JS Prom. Kahit sa susunod na buwan pa 'yun e pakiramdam namin, sa susunod na linggo na 'yun.

 Ang dami ko na ngang naiimagine gawin eh. Haha. Iniisip ko na rin ang isusuot ko at kung sino ang magmemake-up sa'kin para sa event na 'yun. Higit sa lahat, iniisip ko, sino ang mga sasayaw sa'kin? O meron nga ba?

"Huy!" Dismissal na kasi ngayon at nagsiuwian na ang mga estudyante pero nandito ako sa covered court at nagmumuni-muni. 

Tumingin naman ako sa direksyon ng tumawag sa'kin at nakita ko si Errol. Nung una hesitant pa 'ko na pansinin siya dahil baka magalit si Shiela. Pero mukhang wala akong magagawa kundi kausapin siya dahil tumabi na siya sa'kin dito, "Hello."

"Kams, kamusta ka na? Gala naman tayo minsan." Lord, pigilan niyo po ako please. Gusto ko na pong isako pauwi si Errol. Sobra na kong hindi makahinga sa pagtitig niya sa'kin eh.

"Eh pano busy ka. Haha." Kunwari pa akong nagtampo sa tono ng boses ko. Pero totoo naman eh, sobrang busy na siya kay Shiela kaya nakakalimutan na niya 'ko. Eh, sino ba naman kasi ako sa kanya 'di ba? Hay nako Kamille.

"Sus nagtampo pa si Baby." Saka niya ako kiniliti sa tagiliran. Inaasar niya na naman ako ng 'baby' dahil nga iyon ang tawag sa'kin sa bahay.

"Hahaha! Baka may makakita o. Oy tama na!" Hindi ko na siya mapigilan dahil sobrang lakas talaga ng kiliti ko sa tagiliran.

Napansin ko naman na may nagdaan na tatlong estudyante at napatingin sa gawi namin at syempre, imposibleng hindi ko marinig ang pagbubulungan nila dahil halos isigaw na nila ito.

''Yan din yung nakita ko dati na kasama ni Errol eh, sila ba?'

'Ang sweet nila no?'

'Swerte naman ng babae.'

"Woy tama na please hahaha di na ko makahinga oy!" Mukha na kong kiti kiti sa pagkakiliti ko. Sinunod naman ni Errol ang sinabi ko at tinigil niya ang pagkiliti. Na-miss ko tuloy bigla si Errol. Na-miss ko na ako yung dahilan kung bakit siya tumatawa.

"Minsan punta tayo mall ah? Namimiss ka na ni manong eh. Haha." Bigla ko rin tuloy naalala si manong. Kung papayagan lang sana ako ni Shiela sumama kay Errol eh.

"Alam ko na. Bakit di mo na lang ako samahan pumili ng damit for the Prom?" Muli namang nagtanong si Errol. Gusto ko rin naman talagang maka-bond si Errol pero natatakot lang talaga ako kay

"And why she will did that?" 'Yan na nga ba ang sinasabi ko. Baka magalit si Shiela eh. Napalingon kami pareho ni Errol sa direksyon niya habang naglalakad siya papalapit sa'min at saka naman kami nagkatinginan ni Errol dahil sa sinabi niya.

"Ah, Shiela.. Baka why would she do that?" Nakayuko kong sabi sa kanya. Pinipigilan ko rin ang pagtawa kasi baka mas lalo siyang magalit sa'kin. 

"Che. Hindi kita kausap." Lumingon naman siya kay Errol pagkatapos, "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. Tara na Babe, uwi na tayo." Saka niya hinila sa kamay si Errol.

Lumingon naman sa'kin si Errol habang naglalakad sila ni Shiela palayo sa'kin at kahit hindi ko narinig ay nabasa ko sa buka ng bibig niya ang isang "Sorry."

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon