Chapter 5-- Christmas season
Kamille’s POV
Sobrang nakakatuwa dahil in good terms pa din kami ni Dylan. Hindi niya ako pinapabayaan saka hindi niya din ako minamadali. At ang mahalaga dun, nagkagusto siya kahit mukha pa kong Nerd. Pero, parang may kulang? Ewan ko ba?
Nandito kami ngayon sa room at gumagawa ng seatwork.
“Dylan?”
“Hm?” Nagsalita naman siya habang nagsasagot sa notebook niya.
“Pwede mo ba ‘ko samahan bukas?"
“Saan?”
“Uhm, pupunta sana kong mall.”
“Ah, osige ba.” Walang katumpik-tumpik niyang sagot. Ang bait talaga nitong kaibigan ko. Malapit na kasi mag-Christmas kaya bibili ako ng regalo para kila Shiela. Syempre diba, hindi lang dapat si Errol ang ligawan ko, dapat sila din, para pumayag na sila na maging kaibigan ako.
Natapos na din ang klase at hinihintay ko ngayon si Dylan sa shed sa labas ng room kasi ihahatid niya daw ako.
“Hoy.” Siya na naman?
“Uy, o bakit?” Sabi ko sa kanya ng kalmado
“Salamat.” Nakahinga ako n maluwag sa sinabi niya. Akala ko kasi kung ano na gagawin niya eh.
“Ah, sige. Sasabihin ko sa kanya.”
“Salamat kasi dahil sa kanya nagka-diabetes ako.”
“Ano?!” napasigaw ako dahil sa sinabi niya. Diabetes?
“Hahaha. Hindi, salamat. Salamat kamo.” Saka niya ko nilayasan at sumakay sa sasakyan. Ang gara niya talaga, bigla bigla na lang siyang sumusulpot at umaalis.
Pagkalapit ni Dylan, “Kamille, sino kausap mo?”
“Ah, si Errol.”
“Oh, may ginawa ba siya sa’yo? Binwisit ka?” pag-uusisa ni Dylan
“Hindi, nagpapansin lang. HAHA tara na.”
Hinatid niya ko sa bahay at di na din siya nagtagal kasi may pupuntahan daw sila ngayon.
“Kita na lang tayo bukas ha?”
“Sige, bye!” Saka ako nag-wave sa kanya.
Kinabukasan,
Weekend ngayon at sinundo ako ni Dylan dito after lunch saka kami nagpunta sa mall. Nakaka-excite. Naisipan ko na regaluhan sila ng bag. Medyo maliit lang naman yun. Hehe sana magustuhan nila yun. :) Tinulungan naman ako ni Dylan na mamili ng magandang style saka kulay.
“Eh sa’kin ano regalo mo?” Nako, patay, si Dylan nga pala? Ano ba maganda iregalo?
“Ah, ano, kasi..”
“Haha! Biro lang. Ano tara! Bayaran na natin.“
Paano nga kaya yung kay Dylan? Di naman kasi ako magaling magregalo sa lalaki eh. Doughnut na lang din? Haha! Joke. Pag-iisipan ko pa..
Pagkatapos naming mamili, naglaro naman kami ni Dylan sa may Quantum. Halos lahat na nga nalaro naming e. Ang lakas pala makatanggal ng pagod nun? Sobrang nag-enjoy ako. At dahil dun, nagutom din kami. Fortunately, treat niya yung pagkain namin. Haha date na ba na matatawag 'to?
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Novela JuvenilAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)