Chapter 19-- Meeting d' rich
Kamille's POV
Sa hindi ko alam na dahilan, napapayag ako ni Errol na sumama sa sinasabi niyang party ng kaibigan niyang si Tom. Bakit kaya hindi si Shiela ang isinama niya? Ikinagulat ko talaga ang biglaan niyang pagpunta kanina sa bahay dahil una, naglalaro ako, at nakakahiya dahil nakita nila ako.. Pangalawa, wala namang okasyon para puntahan niya ko. Tapos na din naman ang mission ko. Ang saya saya ko lang, dahil nakakausap ko na sila Shiela. Pakiramdam ko nga, parte na 'ko ng grupo nila.
"Huy."
"Aray!" ang sakit lang ng pitik ni Errol sa tenga ko. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Soryy!" sabi niya sabay tawa, "Kanina mo pa kasi ako tinititigan eh."
Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa mga sinabi niya. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko alam na sa harap niya pa ako natulala.
"Ang kapal. Ang ganda kasi ng view sa likod mo." pagpapalusot ko saka dumeretso na upo sa sasakyan niya.
"Puro basura yung nasa labas. Maganda ba yun?"
"Eh basta." tugon ko ng hindi tumitingin sa kanya
"Siguro napopogian ka sa'kin?" sabi niya saka ako nilapitan. "Crush mo ko no?" at saka niya ako tinitigan sa mata. Napatingin na din tuloy ako sa mata niya at halos maduling na ko sa sobrang lapit niya sa mukha ko.
Ilang segundo din kami nagkatitigan..
*dudug dugdug* Errol bakit ka ba ganyan?
*EEEEEEEEKKKKKKK*
"Ay sorry!" sabi niya sakin saka umayos ng upo, "Manong!"
"Sorry! Bigla kasi tumawid yung bata eh!" medyo napataas naman ang boses ni manong na siguro ay dahil na din sa gulat.
At ako, ito, namumula pa lalo. Pakiramdam ko uminit yung mukha ko. Natulala lang ako sandali, dahil naramdaman ko ang labi niya na dumaplis sa pisngi ko noong biglang nag-preno ang sasakyan. Gusto kong sumigaw sa mga oras na 'to. Gusto kong ngumiti, pero pinigilan ko. Dahil ayokong mahalata niya..
"To talagang si manong oh. Kams joke lang yung kanina ah. Alam ko namang di mo ko crush. Hahaha. " sabi ni Errol sakin saka pinikit ang mga mata niya.
Kung iyon ang alam niya, nagkakamali siya.
Pero kung iyon ang alam niya, mas mabuting iyon na lang ang paniwalaan niya.
Noong makarating naman kami sa venue ng party ng friend ni Errol, ginising ko siya. Pagkababa naman namin ng sasakyan, may dalawang lalaki na sumalubong sa amin. Syempre, hindi ko sila kilala..
"Pre! Musta? Gf mo?" tanong noong isang lalaki na halos kasing tangkad ni Errol.
"Hindi! Loko. Onga pala, Kams si Tom." sabi ni Errol at nakipag-shake hands naman ang kaibigan niya sa akin. Siya pala yung may birthday.
"Hello. Happy birthday." bati ko kay Tom at nag-thank you naman siya. May itsura si Tom at sa tingin ko pa lang, halata na agad na lapitin siya sa babae.
"Kams, ito naman si Aldrich." sabi ni Errol sabay turo sa maputi at matangkad na lalaki na katabi ni Tom.
Nagngitian lang kami ni Aldrich dahil parang wala siyang balak na magsalita.
"Tara Errol daming girls sa loob." biglaang pagbibiro ni Tom at inakbayan pa si Errol.
"Pre, I'm with her." sabi naman ni Errol sabay turo sa akin.
"Woah! Pre hindi mo talaga girlfriend? Haha." pang-aasar pa ni Tom. Sige pilitin mo si Errol, baka sakaling sumagot siya ng "oo". Hahaha at umasa naman ako.
"Gago. Kulit mo." nabigla naman ako sa tugon ni Errol dahil ngayon ko lang siya narinig na nagmura.
"HAHAHA! May babae oh. Tara, kain muna kayo." yaya sa amin ni Tom saka kami naglakad papasok.
Hindi naman ganoon kadami ang tao, siguro nga dahil lalaki kasi ang may birthday at hindi masyado madaming inimbitahan. Pero medyo nagulat naman sila ng nakita nilang dumating si Errol. Siguro dahil nakakita sila ng artista. Pero siguro din, dahil nakita nila na kasama ako.
Kumain naman kami at naging maayos naman ang party dahil may ilang kumakausap sa akin. Pinapakilala din ako ni Errol sa iba niya pang kaibigan at mababait naman sila. Panay naman siya paliwanag noong tinatanong nila kung girlfriend ba ako ni Errol. How I wish I am.
Nagpaalam naman siya sa akin na may kakausapin lang daw siyang kaibigan kaya naiwan ako dito. Tinitignan ko siya ngayon sa malayo dahil kausap niya ang iba niyang kaibigan at nakaupo ako ngayon sa mini bar na part ng bahay na ito. Syempre nakikiupo lang ako dahil hindi naman talaga ako umiinom.
"Gusto mo siya no?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang boses na iyun kaya iniikot ko ang tingin ko at tumingin sa likod. And there I saw Aldrich.
Hindi kami ganun ka-close kaya nagulat ako sa tanong niya at kung paano niya nalaman yun. Hindi ko naman pinansin ang tanong niya pero naupo pa din siya sa tabi ko.
"'Wag ka mag-alala, hindi ko naman sasabihin sa kanya eh. Just don't be too obvious."
Nagising naman ako bigla kahit hindi pa man ako gaanong inaantok. Nagulat lang ako sa bigla niyang sinabi. Masyado na ba talaga akong halata? Tinignan ko naman siya at nginitian niya lang ako. Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin.
"Hindi ko alam kung sino ka, pero pakiramdam ko mabait ka." diretso niyang sabi sa'kin na siyang kina-flatter ko naman kaya tumugon ako ng "Thank you." At hindi man ako nakatingin sa kanya, alam ko at nararamdaman ko na kanina pa siya nakatitig sa akin.
Nakita ko naman na kumuha siya ng isang piraso ng tissue na nasa harapan namin at saka nagsulat doon. Nang matapos niya yung sinusulat niya, inabot naman niya iyon sa akin.
"Just in case kailangan mo ng kausap, text mo na lang ako." sabi niya at saka naglakad palayo.
Tinitigan ko naman siya habang umaalis. Medyo weird siya, biglang susulpot tapos bigla din namang aalis. Ano bang nakain niya at pati number niya ay binigay niya pa?
"Kams." nagulat naman ako kung sino ang tumawag, si Errol lang pala. Napatingin naman ako sa hawak kong tissue at bigla ko ito isinuksok sa bag ko.
"Bakit?" tanong ko kay Errol
"Tara hatid na kita. Medyo late na din eh. Pasensya na ah, ngayon lang kasi kami ulit nagkita nila Tom eh."
"Ah hehe okay lang," sabi ko saka tumayo, "Tara na."
Hinatid naman ako ni Errol pauwi at sinalubong naman kami ni manang. Hindi naman ako pinagalitan ni manang dahil nagtetext naman daw si Errol kay kuya Ken. Ganun? Ako hindi tinetext ni kuya, samantalang katext niya pala si Errol?
"Thank you Kamille ha. Sige alis na kami." pagpapaalam ni Errol sa akin at nginitian ko na lang siya bilang tugon.
Napatigil naman siya sa paglalakad patungo sa sasakyan niya at lumingon ulit sa akin, "Tawagan kita mamaya ah! Good night." sabi niya ng nakangiti saka pumasok ng sasakyan.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. I mean, sino bang hindi? Tatawagan daw ako ni Errol. Tungkol naman kaya saan?
Pagkarating ko sa loob ng bahay, agad akong umakyat at pumasok sa loob ng kwarto ko. Naglinis na 'ko ng katawan at saka nagpalit ng pambahay. Umupo na din ako sa kama ko habang hinihintay ang tawag ni Errol. Noong kukuhanin ko na ang cellphone ko sa bag, nakita ko naman na may kasamang nalalaglag na papel sa kama ko.
Ay, akala ko papel, tissue pala. Tinignan ko naman yung nakasulat.
Al d' rich :)
09*********
Text mo ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/5788378-288-k291272.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Fiksi RemajaAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)