Chapter 32-- Effort

34 2 0
                                    

Chapter 32-- Effort


Christine's POV


"Ayaaan." Sabi ni Dylan pagkatapos niyang idikit yung note doon sa regalong ibibigay niya bukas kay Kamille. Nandito kami ngayon sa sofa sa bahay namin. "Ano, okay na ba? Hehehe." Sabay ngiti niya sa'kin na halos di na makita yung mga mata niya.

Halatang masaya siya.

Alam kong masaya siya.


Magdadalawang linggo na yata ang nakakalipas simula nang simulan ni Dylan itong panunuyo niya kay Kamille. At sa bawat araw na 'yun, kasama ako sa pagpaplano. Mula sa uri ng bulaklak, sa flavor ng ice cream, sa title ng libro, sa magandang song album, alam ko dahil kasama ko si Dylan. Minsan nga dumadaan pa siya dito sa bahay namin para magpatulong sa pagbabalot ng regalo. 


"Nako, alam mo namang hindi choosy si Kamille natin. Magugustuhan niya 'yan panigurado. Lalo na pag galing sa'yo. Naks naman! Hahahaha!" Natatawa na lang din ako sa mga sinasabi ko dahil kusa ng lumalabas sa bibig ko yung mga bagay na matagal ko ng gustong sabihin.


"Ano ba!" Tawa pa rin kami ng tawa dahil bigla niya kong kiniliti sa may tagiliran. "Pinupuri ka na nga eh! Hahaha." 


"'Yan ang gusto ko sa'yo eh! Hahaha! Lagi kang nasa panig ko." So, 'yun lang yung nagustuhan niya sa'kin?


"Aba syempre naman no. Haha. Sino pa bang dadamay sa'yo? No choice na ko eh! Hahaha hoy!" Sabay kiliti na naman niya sa'kin habang tinitignan ako ng masama.


"Napaka-sama mo! Sabi kasi ni Errol magugustuhan daw ni Kamille 'to eh." Medyo napapadalas na 'yung pagkakarinig ko ng pangalan ni Errol mula sa kanya. Magkaibigan na nga kaya talaga sila? Kasi naaalala ko...


*flashback*

Magkasama kami ngayon ni Dylan pauwi dahil nakaschedule yung tutor ko gayon. Sino pa nga ba? Si Dylan lang naman.

Kakasundo lang kay Kamille ng driver nila kaya ngayon pa lang din kami pauwi. Hinintay kasi muna namin siya masundo. Inaaya nga namin siya sa bahay kaya lang may gagawin pa raw siya.


Habang naghihintay kami ng sundo ko, may biglang tumawag kay Dylan mula sa parking lot.

"Uy, Errol." Nagtapikan pa sila sa likod na para bang matagal na silang magkabarkada. Matapos nun ay nginitian naman ako ni Errol. Teka, kailan pa sila naging magkaibigan? Parang hindi ko yata alam.


"Uy, Dylan. Musta?" 

"Okay naman. Kayo?" Napansin ko nga na hindi kasama ni Errol si Shiela ngayon kaya luminga linga pa ako sa paligid para hanapin siya.

"Ah ayun, nagkausap kami kanina. Sabi niya nagustuhan niya raw yung libro na binigay mo. Sabi sa'yo e. Sabi niya sa'kin gusto niya mabasa 'yun e. Hahaha."

"Ah.. Si Kamille. Oo sabi niya nga nagustuhan niya." Akala ko ako lang nakapansin. Na si Shiela 'yung tinutukoy ni Dylan, hindi si Kamille. Masyado lang masaya magkwento si Errol kaya hindi na rin namin iniba 'yung usapan.

"Sige bukas, uhm try mo naman yung baked mac. Nabanggit niya sa'kin, nagke-crave daw siya dun. Haha." Saad naman ni Errol.


Nakita ko namang dumating na yung sasakyan namin kaya tinapik ko na si Dylan. "Ah, sige. Thank you ah. Una na kami ah." Sabi naman ni Dylan kay Errol.

"'La 'yun! Baked mac ha!" Sigaw naman ni Errol habang tumatakbo palayo.


Sumakay na kami sa sasakyan at napailing na lang si Dylan habang natatawang sumasakay.


"Uy ikaw ah, nagpapatulong ka ba kay Errol dyan sa panunuyo mo ha?" Tanong ko agad kay Dylan habang nasa sasakyan kami.


"Hahaha. Wala 'yun. Ikaw talaga!" Sagot niya naman saka ginulo 'yung buhok ko.


*end of flashback*




"Grabe ka ha. Pero seryoso. Salamat talaga." Tinatawanan ko lang siya kasi lagi naman siyang ganyan eh. Sobrang appreciative ni Dylan kahit sa simpleng bagay na ginagawa para sa kanya.


Hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi ko saka niya yun pinisil hanggang sa tumigil ako kakatawa. Bigla ko na lang na-realize na.... hawak ni Dylan yung mukha ko. 

Pakiramdam ko hindi ako makahinga na parang may pumipigil sakin pero parang bigla din akong... "Pffff." Nabugahan ko pa ng laway si Dylan dahil sa pagpipigil ko ng tawa. Yuck, Christine.


"Ay showiii, showiii..." Sabi ko habang pinupunasan yung mukha ni Dylan na may laway ko. Hindi ako makapagsalita ng maayos kasi mahigpit pa rin yung pagkakahawak niya sa pisngi ko.

 Habang pinupunasan ko naman siya, nakita kong seryoso yung mukha niya, na hinihintay niya rin akong mag-seryoso. Nagulat ako kasi bigla niyang nilapit ng bahaga yung mukha niya sa mukha ko.


Okay, ito na nga, seryoso na.


"Seryoso mo naman?" Tanong ko sa kanya kasi natutunaw na ko sa titig niya sa'kin mula kanina. Naiilang na rin ako kasi hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Dahil bukod sa naduduling ako, pakiramdam ko mahihimatay ako.

Yung crush ko for the longest time, kaharap ko ngayon. 

Kaharap ko ngayon.

Hawak niya yung mukha ko.

Nakatitig siya sa'kin.


"Uy." Yun na lang yung nasabi ko. 

"Thank you nga kasi." Sabi niya naman ng sobrang seryoso.

"Nako, ako nga dapat mag-thank you sa'yo kasi nagkaroon ako ng instant tutor sayo eh." Mukha akong goldfish magsalita dito sa harap niya. Akala ko matatawa siya pero seryoso pa din siya. Kaya tumuloy na lang ako sa pagsasalita.


"Thank you kasi hindi ka napapagod na turuan ako kahit minsan di ko ma-gets." Napatingin ako sa baba kasi nahihiya na 'ko sa kanya. "Thank you kasi dinadalhan mo ko ng masarap na pagkain. Uhm... Basta thank you."


Bahagya niyang niluwagan yung pagkakahawak niya sa mga pisngi ko. 

"No, thank you."


Tuluyan niyang ibinaba yung kamay niya. Akala ko tapos na yung conversation namin pero bigla siyang nagsalita ulit.



"Thank you sa lahat ng ginawa mo para sa'kin. Sa mga ginagawa mo. Sa lahat ng tulong na binigay mo, lalo na pag kailangang kailangan ko. Thank you kasi lagi kang nandyan para sa'kin. Promise, hindi ako mawawala sa'yo."


Saka niya ko nginitian ulit.

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon