Chapter 26-- Relatives?

110 7 3
                                    

Chapter 26-- Relatives?

Kamille's POV

Isang linggo na ang nakalipas at masasabi ko na maraming nagbago. Sa kasamaang palad, hindi maganda yung mga pagbabago na nangyari. Isang linggo na yung nakalipas pero wala pa rin akong nakakausap na kahit isa sa barkada ni Shiela, maging si Christine. Pakiramdam ko nga  iniiwasan nila ako, iniisip ko nga kung galit din ba sila sa’kin. Bukod dun, nagsisimula na namang bumalik sa dati ang mga mapang-asar kong kaklase. Naaalala ko nga noong isang araw..

“Kamille!” sigaw ng kaklase kong si Kariz habang nasa loob kami ng classroom.

 Nilingon ko naman siya sa likuran ko, “Bakit?”

“Ano bang kamalasan ang dala mo? At pati yung prince charming namin nababatrip mo, ha?!”

Wala na akong nagawa kundi ang yumuko dahil sa sinabi niya dahil naiintindihan ko ang pinopoint out niya. Napapansin din siguro kasi nila na pagdating sa’kin, nagbabago bigla yung mood ni Errol, at madalas niya akong pag-initan kahit saan kami magkita. Binubunggo, o kaya kung minsan naman dinadaan-daanan lang ako na tila ba isa akong hangin sa paningin niya.

“Porket tumuwid ‘yang buhok mo at nawala yang salamin mo, akala mo kung sino ka na. Porket kinakausap ka ni Errol, akala mo sikat ka na. Tandaan mo, ikaw pa rin yung nerd na kilala namin! Hinding hindi magbaba--” sigaw pa ni Kariz mula sa likod ko.

“Pwede ba Kariz, that’s enough! Akala mo ba nakakatulong ka? Hindi. Naturingan kang nasa first section, pero yung asal mo daig pa nasa public school. Tama na please.” Bigla namang nagsalita si Dylan, dahilan para mapanatag ang loob ko kahit papano. Sobrang laki ng pasasalamat ko dahil sa mga ginagawa niya at kahit papaano, nababawasan yung lungkot na nararamdaman ko.

“Kamille okay ka lang?” Bigla naming tanong sa’kin ni Dylan.

Tumawa naman ako ng bahagya, “Kailangan ko maging okay eh. Haha.”

“Kamille naman eh, hindi ako sanay na ganyan ka.”

“Sorry Dylan ah. Naaabala pa tuloy kita dahil sa pagsama sama mo sa’kin.”

“Ano ka ba, hindi ka abala kahit kalian. Pero Kamille, bakit kaya hindi mo kausapin na lang si Shiela?”  sabi ni Dylan sa’kin.

“Para saan pa?”

“Itanong mo kung bakit niya ginawa ‘yun?”

“Hayaan mo na Dylan, nangyari na eh. Matatapos na rin naman ‘tong school year. Siguro, lilipat na lang ako ng school. Yun din naman yung gusto ng lahat e.”

“’Wag Kamille, mahirap na kasi graduating ka na next school year. Pero kung iyon talaga yung gusto mo, susundan kita.” saad naman ni Dylan at nginitian ko na lang siya bilang tugon.

Pinilit kong kalimutan ang problema ko at pinilit na mag-focus sa pag-aaral ko. Noong uwian naman, hindi na ako nagpahintay kay Dylan dahil isa ako sa mga cleaners. Nagpumilit pa nga si Dylan na samahan na lang ako dahil baka raw may mang-away na naman sa’kin, pero sinabi ko naman na okay lang ako at hindi naman siguro nila yun uulitin.

Pagkatapos ko naman maglinis..

“Kamusta?” Nakangiting salubong niya sa’kin pagkalabas ko ng room.

“Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito?” Tanong ko naman sa kanya dahil nagulat ako sa bigla niyang pagsulpot.

“Obvious ba? E di kinakamusta ka? Minsan talaga slow ka eh no. Hahaha.”

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon