Chapter 8-- His Point of View

273 16 11
                                    

Chapter 8-- His Point of View

Errol’s POV

Alam kong sikat ako, sa loob o labas man ng school. Pero yung nakipaglapit ako sa ordinaryong babae, ang weird di ba? *ehem* Hindi sa mapagmataas ako. Sa Nerd? Bakit nga ba sa kanya ko pa napili makipagkaibigan?

naaalala ko pa nung nag-promote ako nung album ko sa school, sa lahat ng estudyante sa grounds na sumisigaw ng pangalan ko, siya agad ang napansin ko. Nakau-upo lang siya at nakayuko.

“E-E-Errol?” Kunwari pa ‘to. Alam ko naman na hinihintay niya lang na puntahan ko siya. Sa lahat kasi ng babaeng halos mapaos na kakasigaw, siya lang ‘tong tahimik at nakaupo lang. Nagpapapansin kumbaga.

“Bilisan mo, ‘wag mo ko ipahiya.” Sasama ka din pala! Sabi ko na nga ba eh.

Noong nasa stage na kami, hinawakan ko siya sa kamay niya. Napansin ko na hindi siya komportable. Kunwari pa? Akbayan ko nga. Haha. Ang lakas niyo din magkunwari girls eh.

Binaba ko siya sa stage pagkatapos ko kumanta at ang sama ng tingin niya sa’kin. Ganyan naman kayong mga babae eh. Kunwari may pa-inis inis pa kayong nalalaman pero ang totoo, kinikilig naman kayo. Di ba?

Kinabukasan, nakita ko siya na tinititigan ako sa classroom namin. Bakit nandito yang Nerd na ‘yan? Kaya bago pa ko matunaw, kinausap ko na siya. Masarap siya inisin kasi pumapatol siya eh.

Ang tapang pala niya! Hindi siya nagpasindak sa'kin. Nung mga panahon na yun, wala naman talaga ko balak na halikan siya e. Iniinis ko lang siya. Ang ineexpect ko kasi na reaksyon niya eh pumikit na lang at hintayin ang paglapit ng labi ko sa kanya, kagay ng nakikita sa TV? Ganyan naman talaga mga babae e.

Kaya ako nagtaka, kasi hindi siya ganun. Hindi siya naghintay ng halik mula sa’kin. Instead,

Sinuksok niya sa bintana ang isang envelope.

“Basahin mo ‘yan haaaa!”

 Para naman akong naging sunud-sunuran kasi ako naman ‘tong si tanga, binuksan ko naman. Syempre, curious din ako. May nagpapabigay daw eh? If I know sya lang yun.

“Dear Mr. Castro,

                Hello! I am an avid fan of yours. Sana bigyan mo ko ng chance para makilala ka pa lalo. Sana maging kaibigan kita. I hope you could respond to my request. Good day! ♥

                                                                                                                                                     -       S.M.D.L.”

Usually galing sa fans club ko lang ang mga letters na natatanggap ko. Yung totoo? Ngayon lang may gumawa ng letter para sa’kin dito sa school. Kasi puro hanggang tili lang sila, puro hanggang tingin. Ngayon lang may naglakas ng loob na makipag-kaibigan sa’kin. Ang kapal naman ng mukha neio.

Gusto ko sana siya ibalik dun sa Nerd na nagbigay kaya lang.. First time to e. Remembrance na lang.

Ang ikinabigla ko, inaraw-araw na nung Nerd na yun ang pagpapadala ng letter. Creepy siya sa umpisa. Pero parang mabait naman yung pagkakasabi sa letter at wala namang threats.

Kaya, isang araw, sinadya ko siya sa room nila para magpasalamat. Di ko na din alam kung bakit ko ginawa yun eh? Basta feeling ko lang kailangan ko ng sabihin na naappreciate ko. I always tell her that I appreciate it, but this time, I really mean it.

Inalam ko din kung sino yang si Nerd. Kamille Sanchez pala ha. Section A, nerd nga. Nasa top din pala  siya sa section nila, pero feeling ko ngayon ko lang siya nakita? Di ko naman siya napansin na nandun sa mga recognition days eh?

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon