Chapter 24-- Couples Everywhere
Kamille's POV
Nanatili lang siyang nakatitig sa'kin ng ilang minuto. Sandali, nagkamali lang ba ako ng dinig o ano? Ibig sabihin ba nun, may gusto siya sa'kin? Nananaginip ba ko? Nag-iilusyon? Pero hindi eh, naririnig ko ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid namin.
'Ay shit ang swerte nung girl!'
'Ang pogi nung guuuuuyyyy!'
'Ang sweet nila grabe nakakainggit!'
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko sa paligid namin. Makailang ulit ko pang ipinikit ang mga mata ko para siguraduhin kung tama ba ang nakita at narinig ko. Ito pa rin siya't nakatitig sa'kin ng sobrang lapit nang biglang..
"Sir. Ito na po yung pinapadala niyo."
Sir? Teka, ano daw? Sa pagkakaalam ko, hindi naman kami umorder kaya bakit may nagpunta dito sa table namin?
"Ah salamat ah." Halos mamagitan na sa'min ang paper bag na dinala ng lalaki kanina. Nilingon naman ni Aldrich ang lalaking iyon at saka sinenyasan na umalis. Iniabot sa'kin ni Aldrich ang paper bag kaya mas lalo ako nagtaka.
Napatingin lang ako sa kanya nang bigla siyang sumandal sa upuan niya, "Haha grabe ka mag-blush ah?" Natatawa niyang sabi sa'kin na parang nang-aasar. Hindi ko tuloy alam kung seryoso siya kanina o ano.
"Magpalit ka na ng damit. Hintayin kita dito." Dagdag pa niya saka nginuso ang paper bag na iniabot niya sa akin kanina.
**
Habang naglalakad naman ako pabalik sa Jollibee, napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. Napayuko tuloy ako bigla para tignan kung may mali ba sa itsura ko. May ilang nagbubulungan pa sa hindi ko alam na dahilan.
Pero noong inaakala kong ako lang 'yun, nagkakamali pala ako. Noon kasing malapit na ako kay Aldrich, napansin kong pinagtitinginan din siya ng mga tao doon. Napansin ko naman agad ang facial expression ni Aldrich na parang naiinis at hindi mapakali.
"Aldrich." Kinalabit ko naman siya mula sa likuran kaya napalingon agad siya sa'kin at sinundan ako ng tingin hanggang sa makaupo ako sa upuan sa tapat niya.
Mula naman sa pagkainis niya ay nakita kong napangiti siya sa'kin kaya ngumiti rin ako sa kanya. "Bagay sa'yo 'yan. Gumanda ka lalo."
"'Wag mo ko paasahin. Maniniwala ako nyan."
"Eh di mas maganda. Maniwala ka na." Natuwa naman ako dahil seryoso talaga ang pagkakasabi niya. Ito na naman siya. Bakit ba ang hilig niya magsalita ng mga sweet na bagay?
"Bakit parang wala ka sa mood?" Muli naman akong nagsalita dahil nakita ko siya na nakatingin lang sa mga kamay niya at parang walang ganang kausapin ako.
"Kasi kanina pa nila 'ko pinagtitinginan. Nakakainis na." Mukha naman siyang batang biglang sinumpong ngayon kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili kong matawa sa kanya. Pinagmasdan ko naman ang paligid at napansin kong totoo nga ang sinabi niya, pinagtitinginan siya, lalo na ng mga babae.
"Ang pogi mo daw kasi eh. Haha wag ka na mabadtrip." Pilit ko siyang tinititigan sa mata pero pilit din siyang yumuyuko dahil mukhang seryosong naiinis talaga siya.
Natatawa talaga ako sa itsura niya pero mas pinili ko na lang na manahimik at hintaying mawala ang inis niya. Sumandal na lang ako sa upuan ko at saka ko kinuha ang phone ko para maglaro.
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Roman pour AdolescentsAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)