Chapter 34-- Encounter
Christine's POV
"Hindi ba talaga pwede? Sige na naman gawan mo ng paraan o." Kanina pa ako kinukulit ni Aldrich para makasama siya sa nalalapit naming Prom. Gaano na nga lang ba katagal, 4 days?
"Hindi nga. Hindi nga pwede. Sige na, bababa na 'ko." Bubuksan ko na sana 'yung pinto ng sasakyan niya pero bigla niya 'kong sinigawan ng
"Ateeeeeeee!"
Mukha talaga siyang bata na nagtatantrums ngayon. Napatakip pa ko sa tenga ko dahil inilapit niya 'yung bibig niya sa tainga ko.
"Uy! Ano ba?!" Sigaw ko na rin sa kanya. Mabuti na lang at nasa parking lot kami ngayon ng school namin kaya kahit magsigawan kami ngayon ay konti lang makakadinig.
"Sige na kasi ate. Promise, magpapakabait ako." Bigla naman siyang bumalik sa pagiging matanda. Hay. Hindi ko na talaga alam kay Aldrich. Simula noong Lunes, nagprisinta na siyang ihatid ako. Akala ko nga kung bakit nag-iba yung ihip ng hangin. Pero ngayong Miyerkules, alam ko na kung bakit bigla siyang bumait.
"Wala na. Wala ka ng pag-asang bumait. Hahaha!" Sagot ko sa kanya saka ako nagmadaling lumabas ng sasakyan niya.
Bigla naman niyang ipinarada 'yung sasakyan niya at nagmadaling bumaba saka ako tinawag.
"Hi, kuya."
"Kuya saang school ka po?"
"Kuya, ano po name niyo?"
"Ay, hi." Napalingon ako bigla sa kanya at ayun naman siya, nakikipag-kawayan. Sa tatlong babaeng nagpapa-cute kay Aldrich dito sa school namin, nilingon niya naman lahat. Hay! Wala na talaga siyang pag-asa. Buti pa yung kapatid niya, ang bait.
Inirapan ko na lang siya dahil sa asal niyang 'yun at saka naglakad papasok ng school. Ang aga aga pa pero marami-rami na rin palang estudyante sa loob ng school namin. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Aldrich.
"Ate!" Ang kapal nya talaga para ipagsigawan na ate niya 'ko! Sigurado akong ginawa niya 'yun para hindi isipin ng ibang tao na girlfriend niya 'ko.
"Ano na naman, baby boy?!" HA!
Hinawakan niya ko sa kamay ko at saka niya ko kinaladkad palayo. Akala ko nga galit siya sa pang-aasar ko sa kanya pero mukhang hindi pala. Nagulat ako sa ginawa niya pero nakita 'kong seryoso siya habang tumatakbo kami.
Bakit nga ba kami tumatakbo? Saan niya naman ako dadalhin?
Sa di kalayuan naman sa parking lot ng school, natanaw ko na parang may nagsisigawang mga lalaki. May harang kasi ng yero kaya hindi ko makita ng maayos. Ang linaw naman ng mata nitong si Aldrich.
TEKA, DADALHIN NIYA 'KO KUNG SAAN MAY NAGKAKAGULO?!
"Uy! Huy! San ba tayo pupunt----?!" Pinipilit kong makawala sa higpit ng pagkakahawak niya sa'kin pero hindi ko magawang makaalis. Tinakpan niya pa 'yung bibig ko habang dahan-dahan kaming sumisilip mula sa harang na yero.
Nadidinig kong may nagsusuntukan kaya natakot akong sumilip. Pero..
"Hala. Shit." Binitawan ni Aldrich 'yung pagkakahawak niya sa braso ko at pagkakatakip niya sa bibig ko. Nagulat kami pareho sa nakita namin.
Anong nangyayari?! Bakit sila nag-aaway?!
"Shit. Shit. Shit!" Ginulo ni Aldrich 'yung buhok niya saka tumakbo papalapit sa dalawa. Mas lalong lumalakas yung pagsusuntukan ni Errol at ni Dylan kaya maging ako ay di na rin alam yung gagawin.
Pilit pinaghihiwalay ni Aldrich 'yung dalawa pero patuloy pa rin sila sa pagsusuntukan.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw ni Errol kay Dylan.
"Gago ka!" Sigaw naman ni Dylan kay Errol habang dinuduro niya 'to.
Hindi ko sila maintindihan. Noong isang araw lang, mukha silang magkaibigan. Tapos ngayon, sobrang lala nila mag-away? Ano bang nangryayari dito?
May mangilan-ngilang estudyante ang nakapansin ng nangyari kaya mas lalo akong natatakot para sa kanila.
"Hoy!" Buong pwersa namang itinulak ni Aldrich si Dylan dahilan para mapahiga si Dylan. Tatakbo na sana ako palapit kay Dylan pero nakita kong seryosong nakaturo sa'kin si Aldrich at sumesenyas na 'wag akong lalapit.
"Ako 'yung dahilan kung bakit masaya ka ngayon, tandaan mo 'yan." Seryosong seryoso si Errol habng inaawat siya ni Aldrich.
Pumapagitna na si Aldrich sa dalawa para maiwasan na magsuntukan sila ulit. "Bro, tama na."
"Gago ka. Anong karapatan mo para manipulahin ako?! Tandaan mo rin, ako yung gumagawa ng mga bagay na hindi mo kayang gawin!" Hindi ko masyadong maintindihan pero unti-unting may nabubuong teorya sa utak ko. Kahit mahina ako sa Math e, medyo magaling naman ako sa mga ganito.
"Ang simple lang nung pinapagawa 'ko, hindi mo pa magawa!? Hindi mo kayang gawin para kay Kamille?! Ano, hanggang pagluluto lang ba 'yung kaya mo, HA?!" May panghahamon sa tono ng pananalita ni Errol. Ano bang pinapagawa niya?
Tumayo naman si Dylan saka naglakad palapit kay Errol. "Kung simple para sa'yo yun, pwes sa'kin hindi! Bakit, ikaw, ano bang kaya mong gawin?!"
Napatitig na lang si Errol dahil napatulala siya sa tanong ni Dylan. "Wala diba?! Kaya mo ba siyang ipagtanggol?! Kasi ako, kayang-kaya ko!" Patuloy pa rin siyang naglalakad papalapit kay Errol.
Nakapagitna si Aldrich pero bahagya siyang nahawi ni Dylan, kaya halos magkalapit na naman sila ni Errol. Tumigil sila saglit, pero nagsalita na naman si Dylan.
"Kung gusto mong layuan ko si Christine, pwes, layuan mo si Kamille!"
Saka niya itinulak si Errol at umalis.
Bakit ako nasama dito? Oo, naiintindihan ko kahit papano na may kinalaman si Kamille sa pinag-aawayan nila. Pero, bakit pati ako?
Bahagyang napaatras si Dylan nang makita niya kong nakatayo sa harap nila. Napatigil siya sa paglalakad at tinitigan lang ako. Napalingon na rin si Errol at Aldrich sa gawi ko.
Ang duming tignan ni Errol at ni Dylan.
Napakadungis tignan ni Dylan dahil sa pagkakahiga niya sa sahig. Ang aga aga, pero mukha na siyang gusgusin.
Gayunpaman, siya pa rin, at siya lang, ang pinakagusto kong gusgusin sa lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/5788378-288-k291272.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Ficção AdolescenteAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)