Chapter 31-- For the Group
Kamille's POV
"O pano, mamaya na lang ha. See you around."
Napahikab na naman ako habang kausap siya at saka ko kinusot yug mga mata ko. "Mm." Maikli kong sagot sa kanya at saka tumango.
Hinawakan niya naman ako sa magkabilang braso at saka niyugyog. "Kams, wake up!"
"Mm." Sagot ko ulit saka humikab. Kung pang-ilang beses? Hindi ko na alam.
Inaantok pa talaga 'ko. Paano ba naman kasi, 4 am pa lang, nasa bahay na si Errol para sabayan ako pagpasok. Late pa naman ako nakatulog kagabi. Pinapauna ko na nga siya kasi sobrang inaantok pa 'ko pero tuwing sinasabi ko 'yun, lagi niya ko tinatanggihan sabay sabi ng "Gusto ko ako una makakaalam na papasok ka na ulit." Kaya heto, 5 am pa lang nandito na kami sa school.
"Kamille." Pakiramdam ko bumangon ako sa higaan ko. Nagising ako agad sa isang tawag lang ni Shiela. Bigla akong kinabahan dahil sa pagtawag niya.
"Shiela." Cold naman na tawag ni Errol sa kanya.
"Ano, Shiela, sige ha, una na 'ko sa inyo." Magsisimula na sana 'ko maglakad palayo dahil ayoko makita kami ni Shiela na magkasama ni Errol, pero hinawakan ako ni Shiela sa braso.
"Kamille, sorry." Akala ko ba gising na 'ko, pero bakit bigla yata ulit ako nananaginip? Totoo ba 'to? Si Shiela, nag-sorry sa harap ko?
Hinarap ko naman siya ng maayos para kausapin pero nagsalita na siya ulit.
"Sorry talaga, Kamille. Sorry kasi siniraan kita kay Errol ha. Sorry, Babe." Lingon niya naman kay Errol na matamang nakikinig. "Sorry kung niloko kita. Ang hirap kasing aminin na nagseselos ako tuwing magkasama kayo nitong Kamille na 'to eh."
"Pero sorry talaga kung nagawa ko 'yun. Promise, hindi ko na uulitin." Dagdag niya pa na parang iiyak na.
"Apology accepted." Nakangiti namang saad ni Errol saka hinila si Shiela at niyakap.
Ngayon, nakaharap sa'kin si Errol na ngiting ngiti habang yakap si Shiela. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-proud kay Shiela sa ginawa nito.
Nakikita ko kung gaano siya kasaya.
Nakalimutan ko na kung ilang beses na 'ko nasaktan ng ganito. Siguro nga, nakasanayan ko na.
Pinilit kong ngumiti at saka ako nag-thumbs up kay Errol. Pagkatapos nun, iniwan ko na sila at dumiretso na 'ko sa classroom ko.
**
"Good morning Kamille!" Maasiglang bati sa'kin ni Dylan saka ako inabutan ng bouquet ng bulaklak. Hala, anong meron?
Pagpasok ko, may iilan na sa mga classmates ko ang nandoon at isa lang ang naisip ko, nakakahiya 'to.
Sa upuan ko, mayroong box na nakalagay at may label na, "Good morning Kamille!" Binuksan ko yun at napangiti ako dahil cupcakes ang laman nun. Alam talaga ni Dylan kung ano yung mga gusto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/5788378-288-k291272.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Roman pour AdolescentsAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)