Chapter 21-- Promise

174 6 3
                                    

Chapter 21-- Promise

Kamille's POV

"Uy teka! Ano ba ginagawa mo ha? Bakit ako nandito?" Isinakay kasi niya ako sa sasakyan niya ng hindi ko naman alam kung bakit. At isa pa, hindi ko alam kung bakit siya nandito.

"Di ba sabi ko sa'yo itext mo ko? Gusto mo bang sabihin ko kay--" Nagagalit na talaga siya sa'kin kahit na second time pa lang namin magkita. Pakiramdam ko tuloy feeling close siya. 

"Eh hindi naman kita kilala eh." Nakita ko naman na biglang nag-straight face yung mukha niya, "Okay, alam kong si Aldrich ka. Al d' rich." Inulit ko pa ulit yung pangalan niya at binaybay pa.

"Oh, eh di kilala mo 'ko?" Pamimilosopo naman niya sa'kin. Hindi na lang ako nagsalita pa pagkatapos nun at nanatili na lang na nakaupo sa passenger seat ng kotse niya. Ayoko na kasing makipagtalo sa kanya.

"You know what? Ayoko sa mga babaeng masokista." Napaisip naman ako bigla, ako ba yung tinutukoy niya?

Lumingon tuloy ako sa kanya, "Okay fine. Uuwi na 'ko."

Bubuksan ko na sana yung pintuan sa tabi ko pero bigla siya nagpaandar ng engine ng sasakyan. Totoo bang marunong siyang mag-drive? Mas lalo tuloy akong kinabahan kasi pakiramdam ko hindi naman siya marunong magmaneho.

"Tara. San mo gusto?" Pagyayaya niya sa'kin habang nakahawak sa manibela.

"Hey wait. Seriously?" Tinanong ko naman siya saka inginuso ang hawak hawak niyang manibela. Parang hindi kasi ako makapaniwala na sa edad niyang 'yan, marunong at pinapayagan na siyang magmaneho.

Lumapit naman siya sa'kin kaya napaatras ako sa kinauupuan ko, "Seatbelt." Sabi niya saka ikinabit sa akin ang seatbelt. Hindi ko tuloy alam kung sinadya niya gawin yun para ipaamoy sa'kin kung gaano siya kabango.

"Gusto ko ng umuwi." Yun na lang yung sinabi ko kasi hindi ko talaga alam kung ano bang ginagawa niya. I don't trust him either.

"Talaga lang ha? Gusto mong umuwi? Of course you don't want to." Sinabi naman niya 'yun at saka nagsimulang mag-drive. Napapakapit pa 'ko sa upuan ko dahil natatakot akong bigla niyang mabangga yung sasakyan.

Mind reader ba siya o ano? Ang totoo kasi, ayoko pa talagang umuwi. Alam ko naman kasing mag-eemote lang ako sa kwarto ko mamaya. Hindi ko naman kasi maiiwasang hindi isipin ang nangyari kanina, at isipin kung ano na nga ba ang ginagawa nila ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa lalaki na 'to kahit nakakatakot siya dahil hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Actually, hindi ko rin alam kung bakit siya nasa school kanina eh.

"Natatakot ka ba sa'kin?" Bigla na lang siya nagsalita habang nagmamaneho kaya napalingon agad ako sa kanya at tumango.

Tumawa naman siya ng bahagya at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Okay. Sorry kung bigla na lang kita kinaladkad. Hindi ko lang kasi talaga ma-gets yung point kung bakit mo pa kailangan panoorin sila Errol dun."

"Magpapakilala na lang ako para hindi ka matakot. Aldrich Fuentes nga pala. Childhood friend ko si Errol saka si Tom. Nag-aaral ako sa university na katabi lang naman ng school niyo. And yes, marunong ako mag-drive kaya wala kang dapat ipag-alala."

Nakatingin lang ako sa daan habang nagsasalita siya kasi hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Napanatag din naman ako matapos malaman na sanay siya magmaneho. At infairness naman sa kanya, hindi siya kaskasero.

"Eh, bakit ka ba nasa school kanina?" Yun talaga ang gustung gusto kong itanong kanina pa.

Agad-agad naman niyang sinagot ang tanong ko, "Kasi nabalitaan ko yung gagawin mo."

"Kilala mo ba 'ko?"

"Oo naman, nakwento ka ni Errol sa'kin. Akala ko nga Nerd ka eh, yun kasi sabi niya."

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nakukwento ako ni Errol sa mga kaibigan niya o maiinis ako dahil Nerd pa rin ang pagpapakilala niya sa'kin. Inisip ko na lang na siguro, dati pa ako nabanggit ni Errol sa mga kaibigan niya. Noong mga panahon na suot-suot ko pa ang salamin ko.

Sa totoo lang, naguguluhan pa rin talaga ako. Eh ano naman kung nabalitaan niya? Saka, bakit niya pa kailangan alamin? Saka, ano bang pakialam niya sa'kin? Ang weird niya lang kasi. Pero imbis na itanong lahat ng 'yan, pinili ko na lang na manahimik at tumingin tingin sa labas..

----------------------------

"Uy, Kamille, nandito na tayo." Boses ni Aldrich ang gumising sa'kin, hindi ko kasi namalayan na nakatulog na pala ako sa sasakyan niya.

Kinusut-kusot ko naman ng bahagya ang mga mata ko nang maalimpungatan at nakita kong hinihintay na ako ni Aldrich sa labas kaya lumabas na rin ako ng sasakyan. Akala ko kasi pagbubuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya. Hehe, biro lang.

"Good afternoon Mam, Sir." Bati sa amin ng babae pagkapasok namin sa isang.. ice cream parlor yata ito.

"Go, kain lang ng kain. Nakakawala daw ng depression 'yan." Sabi naman ng kasama ko saka nauna maglakad sa'kin at naglibot.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa dami ng dessert na nasa paligid ko. Sari-sari ang mga nandito, hindi lang puro ice cream. May cakes, chocolate fountain, at marami pang sweets.

Sabi niya kumain lang ako ng kumain di ba? Kahit naman hindi niya sabihin, iyon pa rin ang gagawin ko. Kumuha ko ng iba't ibang klase ng dessert na makita ko. At dahil nga eat all you can "daw" ito, sinulit ko na.

"Wow ha. Ayaw mo naman magpataba?" Sarkastikong sabi ni Aldrich pagkalapag ko ng mga kinuha ko sa mesa namin.

"Hindi naman. Sabi mo kasi kumain ng kumain eh." Sabi ko pagkaupo at saka sumubo ng ice cream.

Nagkwentuhan naman kami ni Aldrich habang kain kami ng kain. Hindi ko alam kung yung mga dessert ba ang nakapagpawala ng depression ko o sadyang ito lang kasama ko dahil may napagsasabihan ako ng saloobin ko. Naging palagay na rin naman ako sa kanya kasi wala naman siyang ginawa at ginagawang masama sa akin ngayon. Kung mayron man, sana kanina pa di ba?

"Tapos nung binigay ko sa kanya yung Cd ko sabi niya mahal na daw niya--"

"O talaga? Ginawa mo lahat ng 'yun? Bobong Errol yun, di man lang nahalata." Naiwan lang ang kutsara sa bibig ko dahil sa pagkagulat ko sa sinabi niya. "Ano ba Kamille, bakit napakadaldal mo?!", sabi ko sa isip isip ko. Pakiramdam ko nasabi ko na ang lahat sa kanya dahil sa pagkaka-enjoy ko sa company niya. Hindi ko napansin na ang dami ko na palang sinasabi.

"Ah. Ano kasi eh.." Hindi ko na alam ang gagawing palusot. Ano, sasabihin ko bang joke lang lahat ng ikinwento ko? Eh halatang damang dama ko pa ang mga sinabi ko kanina kaya nawalan na ng preno ang pagkukwento ko.

"It's safe with me, wag ka mag-alala. Nagulat lang ako."

"Promise 'yan ah? Pagkakatiwalaan kita dyan." Paninigurado ko pa sa kanya. Kinakabahan ako, kasi sino ba siya para pagkatiwalaan ko? Pero sa ayaw ko man at gusto, iyun ang kailanagn kong gawin.

"I promise." Nakangiti siyang nangako habang nakataas pa ng bahagya ang kanang kamay niya. Ngayon ko lang napansin, ang lakas pala ng dating niya kapag nakangiti. Pantay-pantay kasi yung ngipin niya at mapula ang mga labi niya, at iyon ang nagpaganda ng ngiti niya.

Hay! Ano ba 'tong mga sinasabi ko? Kamille naman oh.

"Ay! Nako. Sorry ah. Kailangan ko na palang umuwi." Napatingin kasi ako bigla sa relo ko at nakita kong alas syete na pala ng gabi. 

"O sige. Hatid na kita." Pagpepresenta naman niya saka kami nagkayayaan na tumayo at lumabas na.

Wala na. hindi na ako magtataka kung bukas ay alam na ni Errol ang lahat. Ano naman kasi ngayon kay Aldrich kung itago niya man o hindi? Kailangan ko tuloy magpakabait sa kanya. Ano ba naman 'tong ginagawa ko. Ang gulo gulo na ng buhay ko, napaka-komplikado.

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon