Episode 003

13.1K 316 7
                                    

Note : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

-LouieJean♡

×××

Andito ako ngayon sa parking lot nang building na pinapasukan ko .. hayss !! Another day of work .. and another day sa pagiging torpe ..

" Jayden, " agad akong napalingon dahil pamilyar ang boses na iyon saakin , at nang makita ko ang taong iyon ay tama nga ako .. ngumiti ako at nakipag apir sa kanya ..

" Aga mo ngayon ah ?" Wika ko kay dom. Hindi siya sumagot instead ay hinila niya agad ako sa bakanteng elevator papunta sa floor namin ..

Nang magsara ang elevator ay agad niyang hinila ang tenga ko ..

" Jayden, gumawa ka na nang move kay Wendy !! Nalaman ko doon sa isa sa mga employee sa floor natin na may gusto daw sayo si Wendy " bulong niya na akala mo may makakarinig saamin samantalang kaming dalawa lang naman dito sa elevator..

Pero at the same time .. parang may nabuhay sa pagkatao ko sa sinabi niya ..

" P-Pero .. may ibang g-gusto si --" nagulat naman ako nang biglang tampalin ni Dom yung pisngi ko ..

" Tanga !! Ginagamit niya lang yun para magselos ka !!" Sabi niya na mas lalong nagpalaki nang mata ko ..

" Do it Jayden !! Bago pa mahuli ang lahat !!" Wika niya saakin .. kasabay nun ang pagbukas nang elevator sa floor namin ..

Agad naman kaming lumabas ni Dom doon at dumiretso sa office ko ..

" sigurado kaba dito dom ?" Nag aalanganing tanong ko .. mag tatapat na ba ako ??

" Oo jayden !! It's time to tell her how you really feel " hindi ko alam kung mapapangiwi ako sa mga sinabi ni Dom pero parang na determined ako sa sinabi niya ..

Wala namang mawawala saakin diba ? At tsaka ito na nga ata iyon ..

It's time to tell her bago pa mahuli ang lahat. Kailangan ko magpakalalaki para naman may pakinabang ang abs ,Biceps at triceps sa katawan ko !!

Wala nang torpe torpe ..

××

" Yunna , naayos na ang negosasyon sa Brazil , nandoon na ang mga bata " wika ni Lance saakin.

Andito kami sa pinaka tuktok nang building, at ito nga nag rereport siya saakin kung kamusta ang naging transaction namin sa brazil at ayon sa sinabi niya ay mukang maayos nga ito. .

" So kelan ang next shift? " tanong ko na nakapag palaki nang mata niya !!agad niyang binaksak ang dalawang palad sa desk ko kaya naman tinanggal ko ang salamin ko at tinignan siya ..

Siya lang naman ang taong walang takot saakin dahil halos kilala nanamin ang isat isa ..

" Ano kaba ? Balak mo ba dalhin ang buong pulubi nang pilipinas sa brazil ? Lahat nang batang walang magulang kailangan mo ba sila dalhin doon ??" Sigaw niya saakin , tinignan ko siya nang matalim at nang makuha niya ang mga tingin ko ay agad siyang nag iwas ..

" i-im sorry !! Pero Yunna naman .. tama na !! Bigyan mo naman nang oras ang sarili mo " ani niya saakin , sumandal ako sa swivel chair ko at hinilot ang tuktok nang ilong ko ..

" I don't want to , hanggat may mga batang pakalat kalat sa paligid kailangan silang idispatya sa Brazil " wika ko tapos napahinga nalang siya nang malalim dahil alam niya sa sarili niya na once mag desisyon ako wala nang bawian at wala narin siyang magagawa ..

My Wife Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon