Jayden's POV" Yunna !! Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa kukote mo at naisipan mong mag ampon !!" Inis na sabi ni Lance habang inaabot ang mga papeles kay Miss.Yunna,
Naririnig ko sila pero hindi ako nakatingin dahil naka focus ako sa batang karga ko .. her little fingers , her little Face , her little toes , she's so fragile ..
Hindi ko anak ang batang ito , pero pakiramdam ko napaka gaan nang loob ko sa kanya , ang maging ama nang batang ito!
" It's my decision Lance !!" Rinig kong sabi ni Miss.Yunna ,
" Jayden !" Agad akong napaangat nang tingin nang tawagin niya ako , andito rin sa loob nang office nang childcare sila Rin , Shin , Butler Gaspar at yung unggoy , meron ding madre sa gitna nilang lahat ,
" hm ?" Sagot ko habang nakatingin lang kay Miss.Yunna,
" What name would you like for her ?" Nakangiting tanong niya saakin .. napaisip naman ako .. ano nga bang magandang pangalan ?
" I think i would like to call her Jean !" Sagot ko at saka dinikit ang hintuturo ko sa maliliit niyang kamay , agad naman yung hinawakan nang kanyang maliliit na kamay ..
" I love it !! Will named the baby Jean Collins Saavedra !" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Miss.Yunna, binigay niya ang apilido ko sa bata, to think of it ... -kasal nga pala kami !! D-Diba .. dapat .. Mrs.Saavedra na siya ??
Ang tanga mo Jayden ! Malamang Saavedra na siya matagal na simula nang mag I do ka !! Anong katangahan ang meron ko at ngayon mo lang narealize? !" - Mind
H-Hindi lang pumasok sa isip ko yun , pakiramdam ko kasi ako pa yung naging Collins .. - Ako to mind
Tanga mo gago !" - Mind
Umiling ako sa mga pinagsasabi nang utak ko !! Agad akong tumingin sa daliri ko, wala akong wedding ring .. pero meron naman akong binigay na singsing kay Miss.Yunna, sapat naman na siguro iyon para masabing mag asawa nga kami !! Siguro dapat bumili din ako nang singsing .. yung wedding ring talaga ! Tapos may engagement ring at promise ring , infinity ring , at --
" Congratulations Miss.Yunna and Sir
Jayden ! " sabi nang madre at pinirmahan na ang mga papeles para sa legal na pag ampon namin kay Baby Jean, napasimangot naman ako , h-hindi pa pwedeng ..Congratulations Mr and Mrs.Saavedra?
" Jayden, let's go ." Agad akong bumalik sa sarili at agad na tumayo .. buhat buhat ko yung baby , tapos lumapit saakin si Miss.Yunna at kinuha si Baby Jean , dahan dahan ko yung inabot sa kanya ..
" Tsss " ismid nang unggoy sa gilid, tinignan ko siya nang masama tapos bigla siyang lumapit saamin .. no !! Lumapit siya kay Miss.Yunna! !
" Tara Yunna sa kotse !" Sabi niya pa tapos inakbayan si Miss.Yunna! Naglakad na sila papuntang kotse na hindi ako pinansin ..
Napabuga ako nang hangin sa ginawa nang unggoy na yun !! ANO ?? SIYA BA ANG ASAWA AT KUNG UMASTA SIYA AKALA MO SIYA ANG TATAY ? DIBA KASASABI LANG MISMO NI MISS YUNNA !! SAAVEDRA ANG BATANG YUN !! AKIN YUN ! ANAK KO YUN !
" Jayden , iho tara na ?" Agad akong tinapik ni Butler Gaspar sa balikat ,kinalma ko ang sarili ko at saka lumapit na sa sasakyan , bubuksan ko palang sana yung pinto nang backseat nang biglang nag apoy ang mata ko nang makitang andoon sa loob ang unggoy at nilalaro ang baby ko na karga karga ni Miss.Yunna!
" Pambihira! " inis akong napairap sa ere at padabog na naglakad sa front seat !! Sumunod si Butler Gaspar sa driver's seat !!
" Hoy Lance! Wag mong masyadong hawakan ! Ayokong magmana sayo ang anak ko !" Inis na wika ko sa kanya , nakita kong ngumiti si Miss.Yunna, pero nakasimangot yung unggoy sa tabi niya !! Tsk !
BINABASA MO ANG
My Wife Is A Mafia Boss
RomanceNote : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events...