MWIAMB : Finale Part One

9.5K 229 34
                                    

My Wife is a Mafia Boss

Finale Part One

× × ×

Jayden's POV

One week akong nanatili dito sa Cebu , hindi naman sa wala na akong balak bumalik.

Gusto ko lang makasama ang pamilya ko dahil baka matagalan nanaman bago ang pag uwi ko ,

Nakapag desisyon narin ako , sa pagbalik ko .. iiwanan ko na lahat nang mga doubt ko at pipilitin ko paring ayusin ang relasyon namin ni Miss.Yunna .

Napangiti ako habang nagpapakain nang mga manok sa gilid nang bahay namin ,

Maya maya ay aalis narin ako , sapat na ang one week . Parang cool off lang .. miss na miss ko na siya , gusto ko na siya yakapin , halikan , at sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal ..

" Kuya , ako na dyan ! Maligo ka na .. " biglang sulpot ni Daniella sa tabi ko , ngumiti ako at binigay sa kanya ang pagkain nang manok ..

" Lamat Bunso .." sabi ko at naglakad na papasok para maligo ,

Maya maya ay pumunta na ako sa dati kong kwarto dito at inayos ang mga damit ko ..

Naging magaan ang pakiramdam ko at naliwanagan ako , salamat sa pamilya ko at andito sila sa tabi ko ..

"Anak , andyan na ang pedicab na hiniram nang Papa mo .." biglang katok ni Mama sa pinto, napalingon ako sa kanya at lumapit at saka siya niyakap ..

" Salamat ma sa pag aalis nang mga hinala ko sa utak ko .. Tama ka , mahal ko siya .. kaya kailangan tanggap ko lahat nang flaws niya .. Thank you Ma ! The best ka talaga " wika ko habang yakap yakap siya ,

Naramdaman kong suminghot pa siya kaya naman natawa nalang ako at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang luha niya ..

" Ikaw Talaga !! Basta sa susunod na uwi mo .. kasama mo na ang pamilya mo hah ?" Nakangiting wika niya kaya naman hinalikan ko siya sa noo at tumango,

" Opo Ma ," sagot ko kasabay nun ang pagsigaw ni Daniella mula sa labas ,

" Kuya , andito na ang pedicab !!" Sigaw niya kaya naman tinulungan nalang ako ni Mama na mag ayos nang gamit at saka kami lumabas nang bahay at sinalubong naman kami ni Papa ,

" Anak ah ?? Sa susunod na balik mo ? Dalhin mo ang asawa mo at ang apo ko !" Paalala niya ,

Natawa naman ako , nabanggit ko na kasi sa kanila ang tungkol kay Baby Jean, sinabi ko ring adopted child namin siya pero para saakin totoong anak ko siya .

" Ma , Pa , Daniella !! Babye na po .." paalam ko at unti unti nang nagpadyak si manong sa pedicab ..

Kumaway nalang sila habang nakangiti saakin ,

Huminga ako nang malalim at halos kumabog nanaman ang puso ko , hindi na ako makapag antay na magkita ulit kami ..

Nang makarating na kami sa terminal nang bus dito sa Cebu ay sumakay na agad ako at tama lang sa oras dahil paalis na rin ang bus ,

My Wife Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon