Jayden's POV
Pagbaba ko nang 2nd floor dumiretso agad ako sa Living room para sana doon antayin si Miss.Yunna !!
Kaso pagka baba ko ganun nalang ang panlalaki nang mata ko nang makitang naka upo at naka hilera ang mga goons niya doon , may mga hawak pang baril tapos lahat sila naka tingin sa malaking flat screen tv ..
Napalunok ako at dali daling tumalikod at saka sinubukan namang pumunta sa ibang lugar , ang awkward kasi nun , nakakatakot pa dahil puro goons sila ,
Habang naglalakad sa napakalaking bahay na to , nakaamoy ako nang nagluluto , hindi ko alam pero sinundan ko yung amoy at doon ay napadpad ulit ako sa Dining room , dito kami kumain kung saan napaka haba nang lamesa ..
Dumiretso ako sa kitchen at nakita ko ang limang chef doon na nagluluto .. nagsisimula palang naman sila .. yung naamoy ko ay mukang yung roasted chicken ..
" oh , good morning Sir.Jayden !" Tumingin ako sa isa sa mga chef at napangiti ako nang makita ko si Butler Gaspar , hindi lang pala siya bodyguard kundi chef. Din .. si Butler Gaspar lang ata ang goons na mukang hindi goons .. kung gets niyo !! At magaan din ang pakiramdam ko sa kanya dahil siguro sa ka edad niya lang si Papa ..
" Good morning po !"bati ko at saka lumapit sa kanya .. huminto siya sa pag hihiwa nang sibuyas at saka hinarap ako ..
" Mag antay nalang po kayo sa Living room Sir.Jayden ! Matatapos narin po maya maya itong breakfast na ihahanda namin !andoon din ang iba pang bata ni Miss.Yunna " Nakangiting wika niya , ngumiwi ako nang banggitin yung Living room at anong ibang bata ni Miss.Yunna! Mga bataan na parang handang handa iputok ang baril nila pag nakita ako ..
Doon na ako galing kanina at hindi ako kumportable dahil sa napakaraming goons doon ..
" Ah eh ! Pwede po bang tumulong nalang ako dito ?" Nakangiting tanong ko ,nanlaki pa yung mata niya sa sinabi ko ..
" Gusto ko sana .. ipagluto si Miss.Yunna !" Dugtong ko dahil mukang hindi siya papayag na mag stay ako , bigla naman siyang ngumiti at inabutan ako nang apron kaya naman tumulong nako ,
Ako ang nasunod sa mga ihahanda namin para sa breakfast, masaya naman dahil para ka lang nagluluto para sa childcare .. kumbaga donation .. naranasan ko na kasi iyon dati nang magkaroon nang charity foundation ang kumpanya .. isa ako sa mga volunteers para mag luto ..
" kailangan po ba ganito karami kapag mag brebreakfast ?" Tanong ko habang nag titimpla nang Mashroom soup ..
" Hindi kasi kumakain si Miss.Yunna na walang kasabay .. noong bata pa siya hindi hinahayaan ni Don.Yael na may makasabay sila sa pagkain .. pero noong nawala na si Don.Yael ay pinabago ni Miss.Yunna ang tradisyon na iyon kaya naman sa lahat nang okasyon kailangan sabay sabay kumakain ang lahat .." kwento niya saakin .. napangiti naman ako .. para pala talagang pamilya ang turing niya sa bawat miyembro nang mafia niya .. agad namang may pumasok sa isipan ko .. tumingin ako kay Butler Gaspar at napalunok.
" sorry po kung may itatanong ulit ako .." wika ko ..
" ano iyon?"
" ilang taon po ba siya nang magsimula siyang maging mafia boss ?" Wala sa wisyong tanong ko, tinignan kong mabuti si Butler Gaspar at nakatingin siya sa sibuyas na hinihiwa niya , ngumiti siya na parang maiiyak .. dahil ba sa sibuyas?
" simula nang magka isip siya ,namulat na siya sa mga illegal na gawain , naging saksi ako doon .. hindi pumayag si Madam.Nina ang ina ni Miss.Yunna sa mga bagay na iyon dahil sa babae si Miss.Yunna, hindi naman umapila si Don.Yael sa disisyon nang kanyang asawa .. mahal na mahal niya ang mag ina .. ngunit nang mamatay ang kanyang ina ay lalong nagalit si Don.Yael , akala niya dahil sa pagiging mahina ni Madam Nina kaya ito namatay sa kamay nang mga kalaban sa politika nang don .. pero nung gabing namatay si Madam.Nina andoon ako .. hindi siya namatay dahil mahina siya .. namatay siya dahil mas pinili niyang protektahan ang kanyang batang babae .. inutusan niya akong ilayo si Miss.Yunna .. labag man sa aking kalooban ay sinunod ko ang utos niya .. kaya naman bata palang ay sinanay na niya si Miss.Yunna dahil sa paniniwalang kung mahina ka .. madali kang mapapatay nang mga nakapaligid sayo !" Nalungkot naman ako sa sinabi niya ..
BINABASA MO ANG
My Wife Is A Mafia Boss
RomanceNote : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events...