Jayden's POV
Halos abutin ako nang limang oras kakatitig sa divorce papers na nasa harapan ko , pinatong ko ang ulo ko sa dalawang kamay ko at halos pumutok ang ugat ko sa noo ..
" UGHHHH !!" Sigaw ko at agad na hinawi ang mga papeles, tinignan ko iyong lumutang sa ere at agad nanikip ang dibdib ko at dali daling kinuha ang mga papel na iyon !! Whosshshhh! Nakasalalay rito ang aking desisyon.
Habang iniisip ko iyon ay agad na kumirot ang dibdib ko ..
Napabalik ako sa upuan ko pagkatapos pulutin ang mga papeles, nilagay ko iyon sa isang folder at hindi muna pinirmahan ..
Hindi iyon ganon kadali para itapon nalang basta basta ang pinagsamahan namin , hindi pa man kami umaabot nang isang buwan hirap na hirap na ako kapag wala siya sa tabi ko ,
Napakalakas nang tama ko sa kanya na parang pati sarili ko nakalimutan kona ..
Mahal ko siya , yun na yun eh ! Pamilya kami kasama si Baby Jean, kahit na sabihin niyang dekorasyon lang si Baby Jean hindi ako naniniwala ..
Mahal ko ang bata at anak namin siya , kung magkakahiwalay man kami ay gusto kong maging parte parin nang buhay nang bata ..
Nasa apilido ko siya kaya alam kong may karapatan ako ..
" OMG !! Nakita niyo ba yun ?"
" Oo Grabe, Nawalan nang malay yung CEO "
" Bakit daw ? Anong nangyari ? Sabi nang mga guards naka tayo lang daw doon tapos bigla nalang natumba .."
" Baka may sakit !!"
" Naku , napaka snob pa naman nang CEO natin pero maganda ahh .. sayang naman kung may sakit !!"
" Eh diba asawa yun nang manager natin ?"
Agad na kumunot ang noo ko nang makarinig ako nang tsismisan sa labas nang opisina ko ,
Nilingon ko ang tinted glass at ganun nalang ang panliliit nang mata ko nang makitang nagtatakbuhan ang mga impleyedo sa elevator,
Hindi nila ako nakikita pero kitang kita ko sila,
Hindi ko sana papansinin ang kumusyon nila at itutuon nalang ang pansin ko sa trabaho pero agad naman akong napatalon nang pabalag na binuksan ni Dom ang pinto nang office ko na hindi man lang kumakatok ..
Nanlaki ang mata ko at halos lumabas ang puso ko sa dibdib sa gulat , inis ko siyang tinignan , hinihingal pa siya at mukang naghahabol pa nang hangin ..
" Dom ? Ano bang problema mo ? Hindi kaba marunong kumatok ?" Inis na wika ko sa kanya , pero dahil hingal na hingal siya ay sinampay niya muna ang palad niya sa tuhod niya at nakasapo pa ang isang kamay sa dibdib.
" J-Jayden .. hu ... hu .... hu ..." lumiit lang ang mata ko dahil hinihingal parin talaga siya, napairap ako at binaling ang tingin ko sa computer ,
" Dom , wag mo muna akong kausapin ngayon .. wala ako sa mood, kung tungkol ito sa trabaho pwede nating pag usapan yun bu--"
" P-Pero .. hu .... hu ... k-kailangan mo tong m-malaman .. hu .... hu .... hu ... ang a-asawa mo .. hu .... hu " napalingon agad ako s akanya na may salubong na kilay ..
" Kung pwede lang sana ayokong pag usapan ang b-b-babaeng iyon d-dito , umalis kana dito --"
" Tangina , bilis !! Dinala sa Hospital si Miss.Yunna, "
" Ano ba kasing nangyari? "
" ewan nahimatay daw !"
Halos Nagulantang ang buong pagkatao ko sa narinig ko sa mga impleyedong nagtatakbuhan sa labas,
BINABASA MO ANG
My Wife Is A Mafia Boss
RomansaNote : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events...