Episode 34

7.9K 179 11
                                    


Yunna's POV

Halos hindi ako makahinga nang iwan ako ni Jayden sa kwarto, hahabulin ko sana siya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko ..

Kapag hinabol ko siya para ko naring sinabing binabawi ko na ang mga sinabi ko !!

" JAYDEN !!" Rinig kong sigaw ni Lance at tumakbo palabas nang kwarto, agad akong napahawak sa dibdib ko at tuloy tuloy lang sa pag iyak ..

Nanlambot ang mga tuhod ko pero bago pa ako mawalan nang balanse ay sinalo na ako ni Rin ..

Agad akong yumakap sa kanya at hinimas niya ang ulo ko ..

" Why Miss.Yunna ..." mahinang bulong niya saakin , mas lalo lang akong umiyak sa dibdib niya ..

" i-i need to p-protect him .." mahinang sabi ko habang umiiyak .. hindi ko na narinig na nagsalita pa siya kaya naman umiyak lang ako hanggang sa magsawa ako ..

What i did is for his own sake .. dahil sa nalaman ko kagabi , i just can't take the risk to watch him watching me in that horrible situation, i know it will just break him more and more ..

And this decision is the best option i can take .. he will moved on , he will going to have a great life , i never planned this from the beginning, i never plan to love him .. but i guess faith is the one who's unfair ..

But loving him .. i never regret loving him ..

" How about the baby .. what are your plans ?" Rinig ko pang sabi ni Rin ,umiling ako at pinilit na kumalma ..

" I will give baby Jean a good future, and --"

" I know you will .. im talking about the baby in your flat tummy Miss.Yunna .." mahinang sabi niya dahilan para tumulo nanaman ang mga luha ko ..

Agad akong napahawak sa tyan ko .. my baby , doesn't deserve this life ..

××

Lance POV

Pag labas ko nang mansyon wala na siya , hindi ko alam kung saan tumakbo ang kumag na iyon , pero hindi ko maintindihan! Bakit ginawa yun ni Miss.Yunna?

I'm not that stupid to believe her white lies !! Hindi niya isasakripisyo ang buhay niya dahil lang sa guilty siya?

C'mon sinong magpapaloko doon ? Pero bakit hindi niya pinigilan si Jayden? I know she loves him kaya hindi ko maintindihan kung bakit !! Ughhh ..

Inis kong ginulo ang buhok ko sa sobrang frustration!! Pero alam kong may tinatago saakin si Miss.Yunna, at kung ano man iyon .. i need to know what it is ..

××

Jayden's POV

Agad akong bumaba sa taxi pagkatapos ko magbayad , nakita ko agad ang mga kapit bahay namin na nakatingin saakin nang makita ako ..

Sino ba namang hindi mapapalingon eh may nag barilan lang dito kagabi at andoon pa ang asawa ko ..

Agad akong napakuyom .. she's not my wife anymore ! She never did !!

Tahimik akong umakyat sa floor ko at wala namang kahit sino ang nag tangkang magtanong sa nangyari saakin ..

Pagpasok ko agad kong sinara ang pintuan ko .. tumingin ako sa paligid, itong kwartong ito , naaalala ko pa .. walang masyadong gamit ang nandito noong ako lang ang nandito ..

Pero ngayon halos puno nang gamit dahil sa mga pinamili ko dahil akala ko magtatagal siya dito ..

Pero hindi naman pala ...

Naglakad ako papunta sa kwarto ko kung saan sira ang pintuan .. wala narin naman doon si Ralph, nabugbog ko pa siya dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko kagabi ..

Sinipa ko ang pintuan at saka tinanggal na iyon doon dahil sagabal lang ..

Dumiretso ako sa cabinet at kinuha ang maleta na nasa ilalim nang kama ko .. nag impake ako at nang matapos ay tumawag na ako nang taxi. .

Maya maya dumating na yung taxi kaya naman bumaba na ako at hindi ko inaasahan na makita si Ralph doon .

Nakatingin siya saakin habang naka benda yung muka niyang binasag ko kagabi .. hindi ko siya pinansin at dumiretso nalang ako sa Taxi .. sinabi ko kung saan yung address ..

Habang nasa loob ako napatingin ako sa labas .. kanina pa to , kahit saan ko ilipat ang mata ko si Miss.Yunna parin ang nakikita ko ..

Ang sakit sakit nang ginawa niya .. all this time tama pala ako na masama siyang tao , ngayon hindi ko na pinagsisihan na sinabi ko iyon ..

Pakitang tao nga lang siguro ang mga kabutihang ginawa niya .. hindi ako makapaniwala na ganun siya kasipag para lokohin ako .. ano bang ginawa ko sa kanya na ikinagalit niya ?

Sinira niya yung araw na dapat magtatapat ako kay Wendy .. agad na lumungkot ang mga mata ko nang maalala ko yun .. wala na akong nararamdaman na espesyal pa kay Wendy .. normal nalang dahil ngayon alam kong wala nang ibang laman ang puso ko at utak ko kundi si Miss.Yunna lang ..

Napahinga nanaman ako nang malalim .. ang sakit sakit talaga ..

Maya maya pa ay dumating na kami sa address na sinabi ko bumaba ako at saka naglakad papalapit sa pinto niya at nag doorbell ..

Hila hila ko lang ang bagahe ko , hindi rin nakaabot nang ilang doorbell nang lumabas na siya doon .. naka tapis pa siya at may toothbrush sa bibig ..

Nang makita niya ako agad siyang napalunok .. what the hell ? May toothpaste pa yung bibig niya ? Napaka dugyot talaga !!

" Oh ?? Anong ginagawa mo dito ?" Tanong niya saakin , tumingin ako sa baba at hindi agad nakasagot, pero maya maya pa ay tinapik niya ako sa balikat ..

" Parang alam ko na !! Lalaki din ako , pasok ka pre !" Sabi niya at pumasok na ako sa loob ..

Umupo ako sa sala habang nakatingin lang sa sahig , maya maya ay dumating ulit si Dom. May damit na siya , wala siyang pasok ngayon kasi day off niya !!

" Oh ? Kwento na bakit ka napadpad dito ?" Tanong niya nang umupo siya sa harap ko .. tinignan ko siya,

" Akala ko ba lalaki karin at alam mo yung nararamdaman ko ?" Medyo inis na sabi ko , tumawa siya tapos nagkamot nang ulo ..

" Hindi gago niloloko lang kita !! Malay ko ba diyan sa drama mo , " Abat! Kung hindi lang ako sawi ngayon baka tinadyakan ko na siya !!

" Tssss !" Yun nalang ang sinabi ko .. huminga siya nang malalim tapos tumayo at pumunta doon sa kusina niya ..

Maya maya lumabas siya na may dalang bucket nang beer cans ..

" Oh eto !! Hindi uso saating mga lalaki ang mag emote kaya iinum nalang yan !!" Sabi niya tapos inabot saakin yung beer can .. inabot ko iyon at agad na tinungga ..

Hindi ako palainum dahil focus ako sa trabaho at hindi ko pa naranasan magpakalasing dahil lang sa broken ako .. pero sabi nila , mawawala daw yung sakit kapag uminom ako nito !!

Kaya alak , ikaw na munang bahala saakin ngayon ..

××

My Wife Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon