Jayden's POV
Seven nang umaga nang magising ako , ramdam ko pa yung sakit nang mata ko at hapdi sa kakaiyak ko kagabi .. tsss , umiling ako at saka umupo , pagtingin ko sa tabi ko as expected wala na siya ..
Napangiti ako nang maalala ko yung nangyari kagabi , it was wonderful,
What's so wonderful? ? - Mind
Agad nawala ang mga ngiti ko sa labi , it is wonderful but theres no love on it ..
Bakit nga ba namin ginagawa iyon kahit na hindi naman namin mahal ang isat isa ?
Seriously Jayden tanga ka ba ?? - Mind
Kumunot ang noo ko sa sinabi nang utak ko .. hindi ko naman gusto si Miss.Yunna !! Yung kagabi na nasigawan ko siya nag guilty lang ako sa pang iiwan namin sa kanya,
Putangina ang tanga mo !! - Mind
Hindi ko siya mahal - Heart
Putangina ka !! - mind
Umiling ako kasi pakiramdam ko nagtatalo yung puso at utak ko , naglakad nalang ako papasok nang bathroom at naligo , paglabas ko wala parin si Miss.Yunna ..
Bakit ? Expected mo dadalhan ka niya nang Breakfast? - mind
Argh !! Ano bang nangyayari saakin at pinoproblema ko yun ? Ano naman kung hindi niya ako dalhan diba ? Hindi naman yun big deal !! Malaki nako , binuhay ko ang sarili ko nang 5 years !! Kaya ko kumain nang ako lang ..
Sinuot ko yung office attire ko , andito narin kasi yung mga gamit ko sa apartment, balak niya akong bilhan nang bago pero tumanggi ako .. ayokong isipin nang ibang tao na walang ginawa si Miss.Yunna kundi gastusan ako ..
Naalala ko nanaman yung binigay ko sa kanyang sing sing .. she likes it .. masaya ako kasi masaya siya, ang gaan lang sa pakiramdam.
Nang matapos kong ayusin ang Necktie ay binuksan kona ang pinto at saka lumabas , tumingin ako sa kaliwat kanan .. walang tao , tahimik ang mahabang pasilyo .. to think of it hindi pa ako nakapag libot sa loob nang mansyon ..
Pangalawang araw ko palang naman kasi .. tumingin ako sa orasan, 7:30am palang , maya maya na siguro ako papasok sa trabaho at mag iikot ikot muna ..
Naglakad ako at saka lumiko , tapos liko nanaman , and again and again sumalubong saakin ang malalaking painting na naka hilera sa pasilyo ,sa wakas.. puro iyon lalaki na may edad , hindi sila mga nakangiti at seryoso silang lahat .. at napansin ko rin lahat sila may suot na kwintas at C ang pendant nun ..
Kung nasa white house ka siguro iisipin mong puro larawan iyon nang mga pangulo , ganun kaseryoso ang mga muka nila ..
Napahinto ako sa isang painting , ito ang huling painting .. pero hindi gaya nang iba ay ito lang din ang naiiba .. dahil si Miss.Yunna iyon .. siya lang ang babae .. samantalang ang iba ay puro lalaki ..
Sa tingin ko ay minana niya iyon generation to generation,
" Hold still " napalingon ako sa pinaka malapit na pinto dito sa pasilyo nang may marinig akong ungol ..
Hindi naman sa chismoso ako pero parang ganun na nga dahil kusa nang naglakad ang mga paa ko papunta sa nakaawang na pinto, sumilip ako at doon ay tinignan ko ang dalawang tao ..
Si Miss.Yunna , kasama si Lance ..
Wala naman silang ginagawang masama .. nakita kong nakababa ang gilid nang damit ni Miss.Yunna .. iyon yung kung saan siya nabaril at si Lance naman ay dinadampian iyon nang bulak ..
" Masakit paba ?" Rinig ko rin sa boses niya na sobra siyang nag aalala ..
" No , i don't feel anything " wika naman ni Miss.Yunna .. nakita kong diniinan ni Lance yung bulak sa sugat at napa ngiwi naman si Miss.Yunna doon ..
" Don't lie to me Yunna !! Kilala kita , kahit sabihin mong hindi masakit alam kong nag sisinungaling ka .. " nakangiting sabi niya rito .. bumalik ang tingin ko kay Miss.Yunna , ngumiti siya ..
" you really know me huh ?" Ngisi niya kay Lance ..
" of course i do .. kung may tao mang nakakakilala sayo nang lubusan ako lang yun ..!!" Nakangiting wika rin ni Lance ..
Pumikit ako at saka naglakad pabalik sa pinanggalingan ko .. parang .. parang may kung ano sa dibdib ko ..
Sabagay, kung may tao nga namang nakakakilala kay Miss.Yunna ay si Lance iyon .. bakit hindi nalang si Lance ang pinakasalan niya ?trip niya ba talaga ako ?? Bakit hindi nalang si Lance ? Mukang mas kumportable siya kapag si Lance ..
At kapag si Lance ang sumasagot s akanya hindi siya umaangal .. well wala namang ibang tao ang may lakas nang loob na sagot sagutin siya .. it will always be Lance that can tame her !! Si Lance na hindi tumitiklop sa mga nakakatakot na titig ni Miss.Yunna !!
Im a man so i can tell when a man likes a girl !! At hindi ako manhid dahil alam kong may gusto siya sa asa-Kay Miss.Yunna !! The thing is !!
WALA NAMAN AKONG PAKIALAM DATI KAYA BAKIT BA GANITO AKO MAG ISIP ???
Naikuyom ko ang kamao ko at walang sabing sinipa ang pader ..
" DAMN !!" bakit ba ako naiinis ? Bakit ba badtrip ako kay Lance ? Wala naman siyang ginagawa saakin ? Ay no !! Minamaliit niya ako ..yun ang mga masasamang ginagawa niya !! Tama .. badtrip ako dahil doon , no other reason,
" Oh ! Hi Jayden! " napaangat ako nang tingin sa nagsalita sa gilid ko , nakita ko si Yesha na may dalang folders at naka puting coat, tumingin ako sa bandang dibdib niya at nakita ko ang Pin Name nun ..
" Dr.Ayesha Collins !" Wika ko at saka ngumiti sa kanya , i need to act cool , hindi dapat ako mag paapekto sa nakita ko kanina ..
As if naman may pakialam ako kung magmasama sila ??
" Asan si Yunna ? I need to talk to her eh , pero hindi ko siya mahagilap !" Tanong niya , Nagsalubong ang kilay ko ..
" Hindi ko alam .. baka sumama kay Lance !" Masungit na wika ko , tumaas ang kilay ni Yesha kaya nag iwas ako nang tingin ..
" Lagi naman silang magkasama hindi na bago yun .. but --"
" Then sa kanya mo hanapin hindi saakin !!" Sabi ko at saka naglakad palayo , naiinis ako ! Hindi ko alam kung bakit ! Basta nabwibwisit ako ..
Baka gutom lang ako !! Tama gutom lang to !!
" Your her husband, so why would i ask Lance ?" Napahinto ako sa sigaw ni Yesha .. hindi pa naman ako ganoon nakalayo s akanya .. pero what she said actually struck me ..
Im her husband? Of course i am !
" Yesha ? Jayden ?" Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses niya then there, nakita ko siyang nakahawak sa balikat niya at nakatingin saakin , lumabas naman si Lance sa kwarto kung saan sila galing ..
Bumulong ito sa kanya na tinanguan lang ni Miss.Yunna, pati ba naman paglapit nang muka niya sa asa-kay Miss.Yunna naiinis na ako !! Bumulong lang siya Jayden !! Calm down !
Tumingin saakin si Lance at pinakyu ako tapos nag nod lang siya kay Yesha ,
" Yunna !! I need to talk to you !" Agad na sigaw ni Yesha ,tumakbo siya papalapit kay Miss.Yunna , bumaling muna siya saakin ..
"Jayden dear , can you wait for me downstairs? "Wika niya ,agad uminit ang pisngi ko dahil .. dahil .. dahil mainit sa paligid !!
Agad akong tumango at naglakad na patalikod! ! Uminit naman agad dito sa mansyon niya .. tsss palibhasa nakaka suffocate makita ang pagmumuka ni Lance !!
Tssss
××××
BINABASA MO ANG
My Wife Is A Mafia Boss
RomanceNote : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events...