Episode 18

9.2K 260 16
                                    

Jayden's POV

Kanino pa ko bwisit na bwisit !! Hindi parin ako maka move on sa sinabi ni Miss.Yunna kanina !! Naiinis ako na hindi naman dapat , i mean ? Diba ? Hindi ko naman siya mahal so anong problema ko ?

Hindi kaya ... arghhh No No !!

At isa pa tong pupuntahan namin , kinakabahan ako .. ano kayang itsura nang facility kung saan andoon ang mga batang binibenta sa Brazil?

Kulungan ? Iniimagine ko palang gustong gusto ko na magalit kay Miss.Yunna !! Mga bata palang sila pero wala na agad silang kinabukasan ..

" Hey Mutt !! Pwede ba ? Ikalma mo yang sarili mo ? Natutulog si Yunna !!" Isang nang gagalaiting tingin ang pinukol ko kay Lance !! Pansin ko rin Yunna lang ang tawag niya kay Miss.Yunna !! Ganun ba sila kaclose ?

Matagal nang Yunna ang tawag ni Lance sa kanya , tanga ka ba para ngayon lang mapansin yun - Mind

" Paki mo ?" Inis na sagot ko sa kanya !! Badtrip din ako sa kanya .. hindi pa natatanggal sa utak ko yung paghawak niya at paggamot sa balikat ni Miss.Yunna !!

Marunong naman ako mag first aid ah ? Bakit hindi nalang siya lumapit saakin at ako ang mag gagamot sa kanya ??

Diba hindi mo naalala ? Pag uwi niya kinama mo agad !!" - Mind

Agad tumaas yung balahibo ko sa sinabi nang utak ko .. kinama ? Agad naman akong pinamulahan .. ahmm .. paano ba eexplain yung nangyari saamin? >_>

" Jayden iho .. pakigising si Miss.Yunna !!malapit na tayo " biglang wika ni Butler Gaspar saakin , tumango ako kaso may unggoy ..

" Wag na ako na !" Sabi ni Lance tapos akmang hahawakan si Miss.Yunna , kaso parang may sariling utak yung kamay ko at agad na tinampal yung kamay niya.

" Ano ba ?" Sigaw niya saakin , agad niya akong sinampal sa muka .. kaya nanlaki yung mata ko at sinampal siya pabalik.

" wag mo ngang hawakan si Miss.Yunna !! Ako ang inutusan hindi ikaw !" Sigaw ko sa kanya tapos huminto na yung sasakyan pero hindi parin kami tumigil ni Lance,

" anong problema mo sa paghawak ko sa kanya? Ikaw ba ang hinahawakan ko ??" Sigaw niya at biglang hinila yung buhok ko kaya hinila ko rin yung kanya ..

" OO AYOKONG HINAHAWAKAN MO SIYA !!" - Ako

" BAKIT? WAG MONG SABIHING NAGSESELOS KA ?? EH DIBA NGA HINDI MO SIYA PWEDE MAHALIN !!"

mas lalo akong nainis sa sinabi niya kaya hinila ko pa lalo yung naka gel niyang buhok ..

" WAG MO SABIHIN SAAKIN KUNG ANONG GAGAWIN HINDI MO TO PUSO AKIN TO !" sigaw ko ..

" PUTANGINA NABABAKLA KANA !! AMININ MO NAGSESELOS KA !!" - Sigaw niya

" GAGO KABA? SINABUNUTAN MO KO SINO SAATIN ANG BAKLA !!" - Sigaw ko tapos inangat na niya yung kamao niya sa ere kaya naman ganun din ako at handa na kaming magsalubong nang suntok nang ..

" Hoy ? Lance tara na ! Andoon na si Miss.Yunna !!" Sabay kaming napalingon ni Lance kay Rin na nasa labas nang bintana ..

Sabay pa kaming lumingon sa upuan ni Miss.Yunna wala na siya .. tapos sabay din kaming tumingin sa harapan at sabay din nalaglag ang panga namin nang makitang masayang kausap ni Miss.Yunna si Butler Gaspar!

Agad kong hinila pababa ang buhok ni Lance dahil tulala pa siya at dali dali akong bumaba at tumakbo papalapit kay Miss.Yunna !!

" HOY! !" Sigaw ni Lance pero hindi ko siya pinansin .. huh !! Damn him ..

" Jayden .. " agad akong napalingon kay Miss.Yunna nang tawagin niya ako .. huminto siya at nakatingin sa harapan niya ..

Agad akong napalunok, andito na nga pala kami .. ang kanina lang na iniisip ko kung saan maraming bata ang nakakulong .. nagbubuhat nang bato at -

" Look at them !" Nanliit yung mata ko nang makita kong ngumiti si Miss.Yunna .. wala sa wisyong napalingon ako sa harapan at ..

At ganun nalang ang panlalaki nang mata ko ..

Isang malaking bahay .. maraming puno na nakapalibot .. may malaking playground, maraming batang malulusog at may maayos na damit ang naglalaro doon ..

A-asan yung mga batang .. n-nakakulong ? Mga nakakadena ?? M-Mali ba kami nang napuntahan ??

" MISS.YUNNA !!" Sigaw nang isang batang nakakita saamin , ang lawak nang ngiti niya tapos wala pa siyang ngipin sa taas , batang babae siya ,nung narinig nang ibang bata yung sigaw niya nagsilingunan na sila sa pwesto namin at sabay sabay na tumakbo,

Ang akala ko .. tatakbo sila dahil natatakot silang makita si Miss.Yunna, pero .. tumatakbo sila saamin na may mga ngiti sa labi ..

" Kids !!" Masayang wika nang babaeng nasa tabi ko at tumakbo na papalapit sa mga bata ..

Hindi ako nakagalaw .. a-ano ba to ?? A-Alam ba nang mga bata na ibebenta na sila ??

" Kailan po kami pupunta nang Brazil ?" Masayang tanong nang batang lalaki .. napapikit naman ako ..

A-Alam nila, kung ganun .. h-hindi nila alam na .. na .. na .. p-papatayin sila d-doon ?

" The day after tomorrow, Tom !" Sagot niya sa mga bata .. biglang kumabog yung dibdib ko .. h-hindi ito ang inaakala ko .. hindi ito ..

" She's going to send them to brazil to have a better future, gaya nila Rin at Shin , bata pa si Miss.Yunna nang mapulot niya ang kambal kinuha sila ni Miss.Yunna sa isang Gang na nagbebenta nang bata , pinadala rin sila sa brazil at pinag aral , desisyon nila na sumali sa Mafia dahil sa laki nang utang na loob nila kay Miss.Yunna , " agad akong napalingon sa sinabi ni Butler Gaspar,

" e-edi .. a-anong ibig sabihin nung .. nung umuulan ? Yung may hawak siyang dalawang bata? Yung pinatay niya yung nanay nang mga batang pulubi ?" Agad na tanong ko , nanikip yung dibdib ko ,yung mga sinabi ko sa kanya kanina sa sasakyan,

"y-you don't need to tell me that !! Dahil hinding hindi .. a-ako .. ma f-fafall sa isang m-mamamatay t-taong .. k-kagaya mo ..!! H-hindi ikaw ang tipo ko .. a-aantayin ko n-nalang ang mag d-divorse tayo , "

" Ah iyon ba ? Mamamatay na talaga ang nanay nang mga batang iyon , pero buti nalang ang dumating kami at nailigtas pa ang mga bata laban sa mga pumatay sa nanay nila .. pakiusap nang ina nila na kunin at iligtas ang mga anak niya , nasa brazil narin ang mga batang iyon at nag aaral !" Nakangiting wika saakin ni Butler Gaspar, natuyuan ako nang laway sa mga nalaman ..

M-Mali yung hinala ko ?? H-Hindi ito facility nang mga batang binibenta at pinapatay? Kundi facility nang mga batang maagang naulila at binibigyan nang mabuting edukasyon !!

"im not the person you think i am .. "

Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi niya ..

Arghhh !! Ngayon naniniwala na ko sa iniisip ko !! Hindi nga siya ang taong inaakala ko !! Sabihin niyo nga saakin ???

PAANO AKO HINDI MAHUHULOG SA ISANG KATULAD NIYA ????

××

Miss L : Mafall kana kasi Jayden (-u-)

My Wife Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon