Episode 33

8.4K 199 8
                                    


Jayden's POV

Agad akong napakunot nang maramdaman ko ang sikat nang araw sa muka ko ,

Unti unti akong nag mulat nang mata at nang matandaan ko ang nangyari kagabi ay agad akong napabangon ..

" YUNNA !!" Sigaw ko at saka inikot ang mata ko pero ganun nalang din ang gulat ko nang makitang ...

" nasa bahay ako ..." kumunot lang lalo ang noo ko , anong ginagawa ko dito ? Hindi ba't ...

" Good morning, your awake !" Agad akong napalingon sa pinto nang kwarto ko na sa pagkakatanda ko ay sinira iyon ni Ralph kagabi ..

Agad na uminit ang gilid nang mga mata ko nang makita ko si Miss.Yunna, agad akong tumalon palayo sa kama at kahit madapa dapa na ako sa pagtakbo ay hindi ko ininda ..

Agad ko siyang niyakap nang mahigpit, sobrang higpit na parang isang pikit ko lang baka ano nanaman mangyari sa kanya ..

Hindi ko na kaya !! Hindi ko alam kung bakit parang normal lang ang araw na ito pero yung nangyari kagabi alam kong hindi panaginip iyon ..

" H-Hey .. what's wrong? " tanong niya saakin at binalik ang yakap ko , agad kong sinubsob ang muka ko sa balikat niya ..

" Parang awa mo na .. w-wag mo naman a-akong iwan nang ganun .. a-ayokong mawala ka s-saakin .." iyak ko sa kanya .. hindi na nagtalo ang utak at puso ko .. alam kong kapag nasa ganitong sitwasyon sinasabi na saakin nang utak ko na wag kong aminin sa sarili ko ang nararamdaman ko ,

Pero sa mga nangyari kagabi .. susundin ko naman ang puso ko ..

Masakit ... sobrang sakit !! Akala ko hindi ko na masasabi sa kanya na mahal ko siya , akala ko huli na ang lahat !!

" H-Hey , it's alright now .. it's done .. i-im also sorry for leaving you , i just want to --"

" I don't want your protection, because what i want is to protect you , akala ko kung napano kana kagabi , hindi ko makita ang sarili ko nang wala ka sa tabi ko .... hindi ko kaya " wika ko at saka hinawakan siya sa magkabilang balikat at hinarap saakin ..

Nakita kong kumikislap ang mga mata niya ..

" Miss.Yunna, "

" Jayden. ."

Tumaas ang mga kamay ko sa pisngi niya at kinulong iyon sa mga palad ko .. hindi na ako uurong pa ..

Ayokong dumating ang araw na pagsisihan kong hindi ko inamin sa kanya ang nararamdaman ko ..

" Maha---"

" JAYDENNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNN "

Agad akong napabalikwas nang isang sigaw ang halos bumasag sa tenga ko !! Wala sa sariling bumuklat ang mata ko at agad napahawak sa tenga ko ..

" Jesus !! Finally your awake , dude your been growling like an idiot !" Agad akong tumingin sa kaliwa ko at doon ay bumungad saakin ang muka ni Rin ..

Teka ....

" Hey are you alright? " agad na nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na yun , awtomatikong napalingon ang ulo ko at nakita ko si Miss.Yunna sa harapan ko na nagsusuot nang bistida ..

" Miss.Yunna ..." mahinang bulong ko .. andito siya .. andito kami sa mansyon niya ...

" What's with the face ? Do you had a nightmare? " tanong nanaman niya tapos inikot ikot yung balikat niyang may benda ..

Nanaginip ako ??

" I bet it wasn't a nightmare .. he's fucking smiling like a pervert! " sabi naman nang isa pang kutong lupa na nakaupo sa mini sala nang kwarto ni Miss.Yunna. . The damn monkey Lance !!!

My Wife Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon