Episode 38

8.4K 183 6
                                    


Jayden's POV

Pagkatapos kong maligo at mag ayos nang sarili para sa pagpasok ay dumiretso ako sa kitchen para sana kumuha lang nang kape pero agad akong napahinto nang makita ko si Dom na nagluluto.

Naka apron siya at nag aayos na nang table .. naalala ko tuloy yung kanina sa terrace, yung .. incest ..

Pero still kaibigan ko siya kaya dapat suportahan ko siya , yan ang totoong magkaibigan... nagsusuportahan sa mga kagaguhan !!

" Oh ? Ready kana pala , almusal muna sensya na hindi kasi ako umaalis nang hindi muna kumakain eh !" Nakangiting sabi niya saakin nang makita niya ako ,

Lumapit ako at umupo sa harap nang lamesa , alam kong may problema siya pero heto siya at kinakaya ang mga iyon ..

I can't believe im saying this thing .. but i adore him !!

At don't get me wrong !! I adore him because i know he's in pain but still he can manage to smile to the people surrounds him ..

He smile even so he's not happy..

Suminghap ako at nagsimulang kumain .. tahimik lang kaming dalawa , masyado ring pre'occupied ang utak ko kay Miss.Yunna,

Nang matapos kami ay sabay na kaming umalis nang bahay niya , tahimik lang din ang pagpasok namin sa opisina ..

Naging maayos ang takbo sa loob nang kumpanya, gusto ko man malaman kung maayos naba si Miss.Yunna ay hindi ko rin magawa dahil hanggang ngayon ay hinihila ko parin ang puso kong nakasayad sa sahig ..

" Just call me , if ever may ipapagawa ka !" Sabi saakin ni Dom nang pumasok na ako sa opisina ko , tumango nalang ako at pagkaupo ko ay agad na dumapo ang mata ko sa picture frame na nasa side ko ..

Napangiti ako at kinuha iyon tsaka sumandal sa swivel chair ko ..

Si Miss.Yunna, kasama si Baby Jean.. well sa madaling salita ay kaming tatlo ito ..

Napatitig ako doon ,

Masasabi mo bang laro lang ang mga ito kung halata naman sa mga ngiti natin na masaya tayo ? Ano ba talagang rason mo Miss.Yunna?

Ayoko naman talaga sayo nung una palang, nasa list ko ang never mess with her dahil ayokong gumulo ang buhay ko ..

Lumayo ako sayo at hindi ko inaasahang sa isang iglap bigla mo ako mapapansin at ang mas nakaka windang napansin mo ako at tinutukan nang baril at sinabi mo saaking pakasalan kita ..

Akala ko noon tapos na ang buhay ko dahil sa takot kong masangkot sayo , matagal ko nang hiniling na sana makalayo na ako sayo , ayoko sa mundong ginagalawan mo ..

Hindi tayo parehas .. magkabilang mundo tayong dalawa , hindi ka para saakin yun ang buong paniniwala ko noon ..

Sa paningin ko masama kang tao , pumapatay ka .. makasalanan ka , na halos ihiling kona na sana mamatay kana bilang karma mo ..

Pero dahil lang sa isang iglap, kinain ko lahat nang sinabi ko , nakilala kita .. mali ang mga hinala ko , at hindi lang ako basta basta nahulog sayo , dahil sa pagbigay nang puso ko hindi ko na mabawi yun ..

Ilang beses kong pinigilan na wag !! Wag kasi masasaktan lang ako , pero heto ako ngayon at halos ikamatay ko na ang mga oras na wala ka sa tabi ko ..

Hindi ko kayang maniwala na pakitang tao lang ang mga iyon , dahil kung sasabihin mo saaking nagpapanggap kalang parang sinabi mo naring totoo lahat nang hinala ko sayo ..

Pero gayun pa man , kahit na totoo iyon .. hindi ko na mahanap sa sarili ko ang salitang layuan ka ,

Dahil ako mismo, gusto kong maging parte nang mundo mong minsan ko nang kinasuklaman ..

My Wife Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon