Episode 27

8.3K 212 2
                                    

×××

Jayden's POV

" Iho , naku Jayden !" Agad akong napaangat nang tingin nang marinig ko ang boses Aling Rizza,

Andito kami sa harap nang tindahan niya nag pababa kay Butler Gaspar,

" Kamusta po !" Magalang na bati ko at saka nag mano sa kanya, siya ang care taker nang three story house apartment na inuupahan ko , mabait siya at hindi katulad nang ibang land lady na nagmamadali sa upa nang mga nag rerenta ,

Siya walang pakialam doon, ang importante sa kanya ay may matutuluyan ang mga taong nangangailangan ,

" Jayden !! Musta !" Sigaw ni Badong na lasinggero dito sa kanto namin kasama yung mga tropa niya , mababait naman sila at hindi mapanakit kahit na mga ganyan yan !! Kumaway lang ako sa kanila at tinanguan naman nila ako ..

" Naku kang bata ka !! Ang tagal mong nawala , pauupahan ko na sana ang Unit mo pero naisip kong hindi ka naman aalis nang basta basta , saan kaba nang galing ?" Halata sa boses niya ang pag aalala , agad akong napakamot nang ulo ko at akmang magsasalita na nang marinig ko ang pagsara nang pinto nang kotse lumingon ako sa babaeng kalalabas lang nang sasakyan ,

Agad niyang kinuha ang mga bagahe niya sa likod nang sasakyan ,kaya naman agad akong lumapit para tulungan siya ,

" Tulungan na kita !" Nakangiting alok ko , nag angat siya nang tingin tapos namula yung pisngi niya kaya naman namula rin ako tapos ang bilis pa nang tibok nang puso ko !! * kilig *

Asar naman !! Para kaming mga bata !! *Kilig*

" Salamat !" Tugon niya at saka nilibot ma ang paningin sa lugar kung saan ako tumutuloy ,

Agad akong napalunok at tinignan ang kapaligiran , maraming tambay ,nag ba basketball yung mga binata sa gitna nang pa square na apartment na tinutuluyan ko ..

" Cool place " agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya , Oo nabigla ako dahil malayong malayo ito sa mansyon niya .. malawak ang kalupaan niya pwera dito sa IVC !!

" Ah eh , oo nga pala halika ipakilala kita sa landlady namin !" Wika ko at agad na kinuha ang kamay niya * kilig* , hinila ko siya palapit kay Aling Rizza na nakatingin saamin ,

" Aling Rizza , si Miss.Yunna nga po pala , " pagpapakilala ko sa kanya , ngumiti si Miss.Yunna at saka inabot ang kamay niya kay Aling Rizza ,

" Aba't ke gandang dalaga naman ine ,ano ka ni Jayden iha ?" Tanong niya na nakapag pamula lang lalo sa muka ko * kilig * !!nakakabakla bwisit !!

" Asawa po , Aling Rizza !" Okay sige sasabog na ko sa sobrang inet nang muka ko !! * kilig *

" Ahuy jusme , kay swerte mo naman anak , kaya pala nawala ka nang isang linggo ay nag honeymoon ba kamo ?" Pang iintriga niya pa , tsss eto lang ang problema kay Aling Rizza eh , medyo may pagkamatabil ..

Pero ... *kilig * UGH !!!!

Agad kong hinila si Miss.Yunna at saka hinarap si Aling Rizza na baka kung saan pa humantong ang mga tanong niya ,

" Naku Aling Rizza ,mag aala syete na hindi pa kami nag hahapunan nang asawa ko , akyat muna kami ah ?" Magalang parin naman na wika ko sa kanya , tumango tango naman siya kaya naman hinila ko na si Miss.Yunna,

My Wife Is A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon