Prologue

212 19 6
                                    

 Julia's POV

Asan na si Drake?

Hinahanap ko si Drake sa loob pero hindi ko siya nakita, napansin ko ring nawawala din si Katherine.

Hindi kaya'y magkasama sila?... No way. It can't be.

Lumabas ako at pumunta doon sa garden na may pool at bridge at nakita ko sina... Katherine at Drake, magkayakap.

Dahil sa aking nakita, nasaktan ako at parang nabasag ang puso ko at nalaglag sa sahig.

Hindi ko kayang pagmasdan silang dalawa magkasama, naiinis ako kaya umalis ako sa lugar na yun.

Nakasalubong ko si Yaya Chichay, at may tinanong siya sa akin. "Nakita mo ba si Katherine?"

Naiirita ako sa pangalan na Katherine, kaya hindi ko nalang siya sinagot. Dumiretso ako sa loob, at nag order ng dalawang bote ng wine. Wala namang nakakita sa akin kaya lumabas ako at doon nalang ako planong uminom.

Umupo ako sa may hagdan at doon ako nagsimulang uminom. Hayop ka Katherine. Pinakahayop ka talaga. Mang-aagaw.

Pinagpatuloy ko ang pag-inom ng alak at planong maglasing.

Katherine's POV

Nagyakapan pa kami ni Drake until now, parang ayaw ko siyang bitawan.

Mahal na mahal ko siya.

"Katherine, andito ka lang pala. Hinahanap ka ng Papa mo", bumitaw ako ng yakap kay Drake, at doon ko nakita si Yaya Chichay.

"Ganun po ba?" tanong ko.

"Oo, kaya halika na", sabi ni Yaya.

"Sige po... Drake, sige una na ako, hinahanap na ako ni papa", sabi ko.

"Sige", he replied.

Umalis na kami ni yaya sa lugar na iyon at agad na pumunta kay Dad.

Pero, kahit naglalakad kami at papunta na kay Papa ay makulit pa rin si Yaya. "Uiii, nagkabalikan sila", asar ni Yaya.

"Tayo na nga", sabi ko habang kinikilig. Hehehe.

At nang makarating nakami sa loob, nakita ko si Papa, naka upo na doon sa harap ng stage. Pinuntahan ko siya agad.

"Pa, bakit po?", tanong ko.

"... Malapit na mag alas dose, sabihin mo din kay Julia na maghanda na kayo sa part two ng Debut ninyo", sabi ni papa.

"Sige po", I replied.

Tumitingin tingin ako sa paligid pero hindi ko nakita si Julia. Hinanap ko siya pero wala talaga. Nagtanong din ako kina Monica, pero wala talaga.

Nasaan kaya siya?

Julia's POV

I think nalasing na ako. Imagine? Naubos ko ang dalawang bottle ng wine? (sighs) Julia. Buong buhay mo, ay palagi ka nalang nasasaktan. You are such a loser. Palagi ka nalang naagawan.

Pabalik na sana ako sa loob para ipagpatuloy yung debut kahit alam kong lasing na ako, nang nakita ko si Drake mag-isa. At parang hindi na niya kasama si Katherine, kaya it's my time naman together with Drake.

Nilapitan ko siya at niyakap siya. Hindi niya ako nakita kasi nasa likod niya ako nakayakap sa kaniya.

"Sabi ko nga ba eh, hindi mo rin ako matitiis. Babalikan mo rin ako", sabi niya.

"... Oo naman, hinding hindi kita matitiis", sabi ko.

Kinuha niya ang mga kamay ko at tumingin siya sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo.

The ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon