Katherine's POV
"Bhest!" tawag ko kay Julia habang naglalakad siya patungo sa classroom namin. Lumingon siya sa akin. Hinintay niya ako para magsama nalang kami papunta sa classroom.
"Wow, galing ha. Bagay na bagay sa'yo 'yung mga damit" sabi niya.
Nagsimula na kaming maglakad habang nag-uusap.
"Salamat pala dito ah. Alam mo, noong pag-uwi natin galing mall. Nagulat talaga sila mama at papa dahil sa rami ng dinala ko. Akala nga nila na, ninakaw ko ang mga 'yun. Pero sinabi ko sa kanila na bigay ito sa'yo, sa aking best friends. Natutuwa naman sila. Sa katunayan nga ay gusto ka nilang makilala" sabi ko.
"Talaga? Sige, pupunta ako ngayong hapon sa bahay ninyo" sabi niya.
"Sige, sasabihin ko ito kay nanay at tatay. Siguradong matutuwa sila", I said. "By the way, kamusta na ang problema mo? Wala ka na bang problema?" dagdag ko.
"Hindi naman mawawala ang problema eh", sagot niya.
"Malulutas lang din 'yan. Maghintay ka lang" sabi ko.
"Hope so. Halika ka, mamaya pa naman ang klase, punta muna tayo sa canteen. Libre kita", alok niya.
"Sige", hindi ko siya tinanggihan, syempre magkaibigan kami I need to be there sa kaniya.
Julia's POV
Nang nasa canteen kami, nag order kami ng pang snacks namin like juices and sandwiches or burgers. Ni libre ko si Katherine dahil kaibigan ko siya. So boring kasi kapag nasa classroom ka ngayong oras na'to, ano naman ang gagawin namin doon.Kaya dito muna kami sa canteen. Kakain ng kakain, wala namang didisturbo sa amin.
Habang kumakain, bigla nalang sumulpot sa aming harapan ang tatlong meangirls witches.They are Monica, Trexie, and Trina.
Ano na naman kaya ang gagawin nila sa amin?
"Nandito na naman tayo", sabi ni Katherine.
"Easy lang kayo, wala kaming gagawin. Ay este, wala pa, kaya maghintay lang kayo, by the way, I like your dress Katherine", sabi ni Monica."Salamat", alam kong awkward na pagkasagot niya 'yun.
"Sigurado ako, mahal 'yan. Magkano 'yan Katherine? Binili mo ba yan" sabi ni Monica.
" Monica! So, imposible na makakabili siya ng mamahaling damit. Remember she's P-O-O-R, Poor!" sabi ni Trexie.
"Baka napulot niya lang 'yan or else, NINAKAW!" sabi ni Trina.
Hindi nalang sumagot si Katherine dahil alam niya na hindi pa din siya titigilan nila Monica.
Pero, as a friend ipinagtanggol ko din siya katulad ng pagtatanggol niya sa akin.
"Mali kayo. Binilhan ko siya ng damit. Because we are Best friends! Kuha niyo. Kaya 'wag kayong gagawa ng anumang hindi makatotohanang kwento. Don't Judge or else I will judge you", sabi ko.
Kitang kita sa kanilang mga mukha ang inis. Alam kong naiinis sila sa akin.
"Whatever! Come on girls", sabi ni Monica sabay alis sa aming harapan.
BINABASA MO ANG
The Reunited
RandomSi Julia at si Katherine ay isang kambal. Bata pa lang sila nagkahiwalay sila dahil sa aksidente. At nang muli silang magkita, imbis na matuwa si Julia ay kinaiinisan niya ito dahil sa inggit.