Kabanata 14: The White Diamond Necklace

38 11 3
                                    

Katherine's POV

Sabado ngayon at ilang araw na din kaming hindi nag-uusap ni Julia. Ilang araw ko na ring iniiwasan si Drake. Dahil sa nangyari, naguguluhan ang puso't isipan ko.
Parang gusto kong matulog para hindi ko na maramdaman ang sakit na aking dinadala. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin. Hindi ko alam.

Tadhana nalang ang bahala sa akin. Pag-awaan sana ako ng diyos.

Dahil sa kakaisip, kahit tanghali pa, nakatulog ako dahil sa lungkot na pinaghalong sakit dito sa puso ko. Kahit ganito ang pakiramdam ko pero alam kong wala akong problema kapag natutulog ako. Sana ganito nalang ako palagi.

Susing's POV

Lilinisin ko sana ang kwarto ni Katherine, pero nakita ko siyang natutulog sa kaniyang kama. Kahit natutulog siya, kitang kita ko pa rin sa kaniyang mukha na may pinagdaanan siyang pagsubok. Parang may mali.
Ewan ko ba, pero sana ayos lang ang anak ko.

Hindi ko alam ang pinagdaanan ng anak ko. Pero, sana okay lang siya.

Hindi ko nalang tinuloy ang balak kong maglinis sa kwarto niya para di ko na siya magising.

Lumipat ako sa kwarto namin ni Berto at doo'y naglinis.

Habang naglilinis ako sa aparador namin, hindi ko sinadyang mahulog ang isang kahon na galing sa itaas ng aparador.

Nang nahulog ito, nabuksan ito dahil sa malakas ang tama nito sa sahig, at doon nagkalat ang mga tanging ala-ala ni Katherine. Mga ala-alang may kinalaman sa kaniyang tunay na pagkatao at nakaraan.

Isang lampin at damit pambata ang aking nakita. Naalala ko, na ito ang suot niya noong nakita siya ni Roman.

Nakita ko rin mula sa sahig ang isang kwentas na yari sa pilak at puting dyamante na sumisimbolo sa kaniya sa tunay niyang pagkatao.

Naalala kong suot suot niya ito noong bata pa siya nang napulot siya ni Berto.
Dahil sa mga bagay na yun, naalala ko ang nakaraan ni Katherine na pilit naming itago sa kaniya. Pati ang mga sumisimbolo sa kaniya kung sino siya ay itinago din namin ni Berto. Doon ko naalala na para bang paalala sa akin na hindi namin anak si Katherine pero.

Nang dahil dito, kinakabahan ako. Ayaw kong mawalay sa amin si Katherine kaya iniligpit ko ang mga bagay na ito at inilagay sa isang ligtas na lugar para di niya makita.

Napabuntong hininga nalang ako, at pinuntahan ko agad ang asawa kong si Berto na sa kasalukuyan niyang ginagawa ay nagbabasa ng dyaryo sa silid tanggapan.

Sinigurado ko munang natutulog pa si Katherine para pag usapan namin ni Berto ang tinatago naming katotohanan. Tinignan ko muna si Katherine at natutulog naman siya.
Dali-dali kong umupo sa tabi ni Berto. Seryoso siyang nagbabasa ng dyaryo.

"Berto, mag- dise otso na si Kath tapos hindi pa niya alam ang katotohanan. Siguro, ito na ang tamang panahon para sabihin natin sa kaniya ang totoo", sabi ko.

Napatigil sa pagbabasa si Berto sa Dyaryo at napatingin sa akin.

"Di ba ang sabi ko, huwag na natin yan pag usapan".

"Berto, kahit anong gagawin. Lalabas at lalabas ang katotohanan."

"Ang katotohanan ay anak natin siya!" sabi niya.

The ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon