Katherine's POV
Pagkagising ko ay nakita ko sina Nanay at Tatay na wala na sa aking tabi, hinanap ko sila pero walang sumasagot. Lumabas ako ng kwarto at doo',y...
"Surprise!", sabi nina Nanay at Tatay.
Hindi nalang ako nakapagsalita, nakakunot ang ulo ko sa ginawa nila. Anong ibig sabihin nito?
"Ano anak? Nagustuhan mo ba ang inihanda naming sorpresa sa iyo?", tanong ni Nanay.
Kung hindi ako nagkakamali, ay isa itong breakfast surprise. Nakahanda sa mesa ang mga paborito kong pagkaing pang almusal kagaya ng, kape at tinapay, may hotdog at ham, may biko at mangga at ang paborito kong fried rice. Yummy!
"Inihanda namin ang mga paborito mong pang almusal", ani ni Tatay.
"Pero, hindi niyo kailangang gawin", sabi ko.
"Ano ka ba anak! Last breakfast mo ngayon dito kaya ipinaghanda ka namin nito", sagot ni Nanay.Oo nga pala. Ito ang huling almusal ko dito na kasama sila. Pero, hindi nila ito kailangang gawin. Pero, wala naman akong magawa kundi ipagpatuloy ang inihanda nila.
"Nay,Tay. Maraming salamat dahil dito. Maraming salamat dahil minahal niyo ko. Kaya mahal na mahal ko kayo", sabi ko sabay yakap sa kanila. Pero, hindi rin nagtagal ay ... "Sige, tama na ang dramang to. Kainan na tayo!" sabi ni Tatay.
Nagtawanan nalang kami. At tsaka kumain, at pagkatapos namin, tinulungan nila ako na mag impake ng mga damit ko. Pagkatapos nun, naghanda na rin ako, nagligo, nagbihis at iba pa.
Dako alas nwebe na ng umaga nang dumating si...Ano nga ba ang itawag ko sa kaniya? ... Dad? Papa? Tatay? Kaso, may tatay nako. Ahmmm... What if kung Dad nalang kaya? pArang over social lang. Kaso, parang hindi ako sanay.... Ano kaya?... Alam ko na, Papa. Tama, papa!
Sige ulit tayo. Dakong alas nwebe na nang dumating si Papa... Awkward! Pero di bale masasanay din ako.
"Anak? Handa ka na ba?" tanong niya.
Sinagot ko siya ng ngiti and I nod my head. "Opo".
"Sige, tayo na?" muli niyang tanong.
"Teka lang po kukunin ko lang po yung maleta ko" sabi ko. "Ano naman ang laman ng maleta mo?", tanong niya. "Mga damit ko lang po", sagot ko.
"Naku, huwag mo nalang dalhin, bibili nalang tayo" sabi niya.
"Huh? Bakit po?", tanong ko. "Anak! You're now a Buenaventura. And you need to change your personality, the way you dress, the way you move. Anything. You need change, kaya hindi mo na susuotin ang mga luma mong damit", sabi niya.
Tumingin po ako kina Nanay at Tatay, pero ang nakikita ko sa kanila ay parang sang-ayon sila sa sinabi ni Papa. Hindi ko nakikita sa mga mukha nila ang bakas ng isang pag di-sangayon.
"... Sige po. Sang ayon ako sa sinabi niyo, tama kayo. Kailangan kong mag bago dahil ako ay isang Buenaventura na. Pero, sana po di ninyo kakalimutan na hinding hindi ko babaguhin kung sino ako. Ang babaguhin ko lang ay ang pananamit ko at ang ang mga galaw ko", sabi ko. Ngumiti siya sa akin. "Okay kung ganun, so tayo na anak?", sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Reunited
RandomSi Julia at si Katherine ay isang kambal. Bata pa lang sila nagkahiwalay sila dahil sa aksidente. At nang muli silang magkita, imbis na matuwa si Julia ay kinaiinisan niya ito dahil sa inggit.