Kabanata 8: First Day of School

51 12 4
                                    

Katherine's POV

Habang nakasakay sa isang tricycle, kaba ang nasa aking puso. Ngayong araw kasi ang unang pasok ko sa Ateneo, which is my school now. Sana naman kahit hindi ko sila kauri, maging maganda ang araw ko ngayon at magkakaroon ako ng mga bagong kaibigan. Sana hindi maging bad trip ang day ko. Hoping so. (Sighs)

Anong nangyari? Nasiraan ata kami!

"Kuya? Anong nangyayari?" tanong ko kay Manong Drayber. 

"Naubusan tayo ng Gas" sagot niya. 

Patay! Baka malate ako nito. Maglalakad nalang ako, total malapit na naman eh. Isang kilometro na ang layo. Sanay na akong maglakad.

"Sige po, kuya. Maglalakad nalang po ako. Eto po oh, bayad ko. " sabi ko sabay bigay ng pera sa kaniya bilang pambayad. 

Bumaba ako sa tricycle. Naglakad nalang ako dala-dala ang aking bag. Narating ko ang Buena Magazine Inc. Habang naglalakad ako sa harap ng kumpanyang iyon ay may biglang dumaan na puting kotse at di sinadya, natalsikan ako ng maruming tubig galing sa kanal at putik.

Ang malas ko ngayon. Nasiraan pa ako ng sinasakyan tapos natalsikan pa ako? Malas talaga. (Sighs)

Napansin kong huminto ang kotse pero hindi ko ito pinansin, pinunasan ko nalang ang narumihan kong damit gamit ang mga kamay ko subalit wala naman akong dalang panyo. 

Habang nagpupunas ako, may isang magandang dilag ang lumapit sa akin at parang kaedad ko lang. Parang kilala ko siya. Pamilyar ko ang kaniyang mukha, pero hindi ko alam kung saan siya nakita.

"Sorry huh. Sorry talaga sa nangyayari. Hindi ko sinasadya", patawad niya sa akin. 

"Okay lang. Aksidente naman ang nangyari eh", sabi ko. 

"Sorry talaga ha. Heto, gamitin mo ang panyo ko", sabi niya. 

"Huwag na. Ayos lang ako. Sige, baka marumihan pa 'yan", sabi ko. 

"Hindi, okay lang sa akin. Besides, tulong ko yan sayo. Kaya tanggapin mo na", sabi niya. 

Wala naman akomg magagawa so tinggap ko nalang ang alok niya sa akin. At ngayon, pinunasan ko na ang narumihan kong damit gamit ang PANYO at hindi kamay. 

Sa totoo nga, wala namang siyang kasalanan sa nangyari, aksidente naman yun eh. Pero, nagagalak ako sa concern niya sa akin.

Napatingin ako sa relo niya at bigla kong naalala na ang oras ay tumatakbo pala.

"Anong oras na? " tanong ko. 

"7:30 na", sagot niya. 

Naku! Baka ma-late ako nito. Kailangan kong magmamadali.

"Ah, sige. Mauna na ako baka ma-late pa ako sa pupuntahan ko. Salamat pala sa panyo", sabi ko. 

"Ahh... saan ka ba pupunta? Hatid na kita",alok niya.

"Di na kailangan. Huwag nalang sabagay malapit na naman eh. " sabi ko. 

"Sigurado ka?" tanong niya. 

"Oo. Sige paalam", sabi ko. 

The ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon