Roman's POV
Anak?
Naalala ko sa kaniya si Maria, yung nawawala kong anak. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko dapat gawin 'yun, hindi dapat ako magpadalos dalos. Kailangan ko munang masiguro na anak ko siya. At naniniwala ako doon dahil may kutob ako na siya nga.
"Bakit po? Anong problema?", tanong niya.
Pinagmasdan ko siya, kuhang kuha niya ang mukha ni Helvica. At wala akong duda na anak ko nga siya. Pero, hindi dapat ako magpadalos dalos baka maguluhan lang siya.
"Ayos lang po ba kayo?" dagdag niyang tanong.
Anak. Sa wakas ay nakita na kita.
"... Ay oo, ayos lang ako. Naalala ko lang ang anak ko sa'yo", sagot ko.
"Ah, si Julia po?", sabi niya.
"Hindi, yung nawawala kong anak na si Maria", sabi ko."Nawawala? Di'ba patay na po siya?" tanong niya.
Hindi. Nasa harapan ko na ang anak ko na matagal ko ng hinahanap.
"Yun ang sabi ng mga awtoridad pero hindi ako naniniwala. Buhay siya", sabi ko. At alam kong ikaw 'yun.
Nang tumunog na ang bell, its already 12:00 nn. Napatingin siya sa relo niya.
"Naku, kailangan ko na pong umalis. I have to go", sabi niya.
"Sige. Mag-ingat ka", Anak.
Umalis na siya at iniwanan na niya ako.Kailangan kong malaman ang katotohanan pero I need to tell this first ni Julia, sigurado akong matutuwa siya. Wait. Do I have to?
Yes, I need to tell it. Dahil may karapatan siya at ayaw kong magtago sa kaniya ng sekreto muli.
Katherine's POV
Habang papunta ako sa canteen, naalala ko ang nangyari kanina.
Julia's Father remembered her daughter on me. Bakit naman? Siguro wala namang mali doon, normal lang naman yun since na mimiss na niya ang anak niya. Ewan ko ba. Kawawa naman ang ama ni Julia. Sana makita na niya ang anak niya kung totoong buhay pa ito.
Nang nasa canteen na ako, nakita ko doon si Drake kumakain ng lunch niya. Siya lamang ang mag-isa and then, nakatingin na siya sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa pero kailangan kong umiwas. Hindi ko siya pinansin, lumbas ako ng canteen para di siya makita. Sa labas ng school nalang ako kakain.
Julia's POV
I was in the kitchen. Eating my lunch while networking through my phone. Habang nag nenet ako, may narinig akong tunong ng kotseng paparating. Hindi ko nalang ito pinansin.
Later on, ay may pumasok sa bahay. Nagtataka ako kung sino? Naririnig ko ang malalaking tapak ng paa nito sa sahig. I was wondering who was that.
Lumabas ako ng kitchen, iniwan ko ang mga ginagawa ko.
And it was my father. He approach to me and he was smiling. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya at parang masayang masaya siya.
BINABASA MO ANG
The Reunited
RandomSi Julia at si Katherine ay isang kambal. Bata pa lang sila nagkahiwalay sila dahil sa aksidente. At nang muli silang magkita, imbis na matuwa si Julia ay kinaiinisan niya ito dahil sa inggit.