Kabanata 13: The Conflict

42 13 3
                                        

Katherine's POV

Pagkatapos nangyari sa amin ni Julia ngayong araw na'to, umuwi ako dala dala ang kalungkutan.
Hindi ko akalain na mangyayari sa amin ito ni Julia. Sana temporary lang ang lahat ng ito. Sana magkaayos lang din kami.

"O anak. Andyan ka na pala? Kasama mo ba ang kaibigan mo?", tanong ni Nanay.

Hindi ako nakasagot dahil sa sakit na naramdaman sa aking puso. Dumiretso nalang ako sa kwarto pagkatapos magmano kina Nanay at Tatay.

Doon sa kwarto ko, mag-isa akong nagmumuni-muni. Napansin ata ng mga magulang ko na may dinaramdam ako ngayon kaya pinuntahan ako ni Nanay sa kwarto ko.

"Anak? May problema ka ba?", tanong niya.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero ang importante sasabihin ko ang totoo. "Si Julia po, pinutol na niya po ang pagkakaibigan namin".

"Ano ba ang nangyari?", tinanong niya 'yan sa akin.

Isinalaysay ko ang lahat ng nangyari ngayong araw na 'to.

Pinayuhan ako ni Nanay na sabihin ni Julia ang totoong nangyari. Pero alam ko naman na ayaw niyang maniwala sa akin. Pero I will try. Kung ayaw niya akong makausap through personal.Kakausapin ko nalang siya sa text.

"Julia, sana paniwalaan mo ako. Hindi ko inagaw sa'yo si Drake. Sa katunayan nga ay nilalayuan ko siya para sa'yo. Yung nangyari sa amin ay aksidente lang yun. Nadulas kasi ako kaya sinalo niya ako. Yung nakita mong hinalikan niya ako ay hindi ko intensyon na saktan ka. Hindi ko nga inaasahan na gagawin niya 'yun. Sana maniwala ka sa akin at magkabati na tayo. Hope so", text ko sa kaniya.

Hinintay ko ang reply niya pero walang reply akong natanggap. Sana maintindihan niya ang lahat na hindi ko intensyon na saktan siya.

Kinabukasan sa paaralan, nakita ko si Julia na nakaupo sa isang bench kasama ang mga bago niyang kaibigan na sina Monica. Pinuntahan ko siya.

"Julia, pwede ba kitang maka-usap?", paki-usap ko sa kaniya.

Sana naman kakausapin niya ako.

"Katherine, buti pa umalis ka nalang. Ayaw ka na makita ni Julia", sabi ni Monica. Napansin ko sa kaniya na sinuot niya ang bracelet na bigay sa akin ni Julia. It's supposed to be mine.

"Monica, that bracelet is mine", sabi ko.

"No. From now on, it's mine already", sabi niya.

"Tama na Monica. Pabayaan mo kami ni Katherine dito", sabi ni Julia.

Ibig bang sabihin nito ay kakausapin niya ako? Totoo nga ang sabi ni Nanay na magsabi lang ako ng totoo.

Umalis sina Monica at iniwan kaming dalawa.

"Nabasa mo ba ang text ko?", I ask.

"Yup...Pero kahit anong paliwanag mo ay hindi ako maniniwala. Pagod na pagod na akong makinig sa mga paliwanag. pagod na akong paniwalaan ang mga taong pinaniwalaan ko at isa ka doon. Sana tanggapin mo nalang ang katotohanan, you don't deserved my friendship. Sorry Katherine, I need to go", sabi niya.

The ReunitedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon