Kabanata 7: Accidentally in Love

48 13 3
                                    

Katherine's POV

Matapos ang nangyari kahapon sa birthday celebration ko na inihanda ng mga kabarangay ko ay gumising ako ng maaga para mag ayos since ngayon ako magpapa enroll sa Ateneo. Feel excited but nervous. 

Lumabas ako sa kwarto in a good looking form. Nag react ang Tatay ko. 

"Ang ganda mo niyan anak." sabi niya. 

"Tay naman eh. Ayos lang po ba?" tanong ko. 

"Naku, anak. Oo naman. " sagot ni Nanay. 

"Mukhang excited ka ngayon ah." dagdag niya.

"Hindi naman po. Parang kinakabahan nga ako eh." sabi ko. 

" Ba't ka naman kinakabahan?" tanong ni Tatay. 

"Paano kung hindi ako makapasa sa entrance exam?" tanong ko. 

" Bakit naman?" tanong ni Tatay.

Hindi ako makasagot. 

"Alam mo anak, alam kong kaya mo yan. Matalino ka, kaya nga Valedictorian ka nga diba. At tsaka nandito kami palagi, palaging sumusuporta sa iyo. Kaya huwag kang kabahan. Ipakita mo ang tunay na ikaw. Kaya mo 'yan." payo ni Nanay.

(Sighs) "Salamat po talaga, Nay, Tay sa suporta ninyo." sabi ko. 

"Ano pa ang hinihintay mo, mag almusal na tayo para makapunta ka na doon." sabi ni Tatay.
Nag almusal kami.

Nang matapos na kaming mag almusal, inihatid ako ni Nanay. Hindi ako maihatid ni Tatay subalit may trabahu siya kaya si Nanay nalang. Habang nakasakay kami ng tricycle ay hindi pa rin nawawala ang naramdaman kong kaba. Palagi kong naiisip na paano kung hindi ako makapasa. Pero tinatagan ko ang loob ko, alam kong kaya ko 'to. I boost my confidence para mawala ang kaba. 

Nang makarating na kami sa paaralan, labas palang ay sobrang ganda. Pang sosyal nga talaga. Parang hindi ako nababagay dito pero palagi kong naiisip at naalala ang lahat ng paalala nila nanay at tatay. I need to be myself and not to be everyone. I don't need to pretend, all I need is to show who am I. 

(Sighs) Kaya ko ba ito?

"Anak, okay ka lang ba?" tanong ni Nanay. 

I nod my head.

"Sige, good luck. Kaya mo 'yan, may tiwala kami sa iyo. Sige mauna na ako ha. I-dedeliver ko pa ang mga bikong ito kay Manang Didang. Sige, paalam anak."sabi niya sabay yakap sa akin. 

Nang umalis na siya ay pumasok na din ako sa paaralan ng Ateneo. Wow! Sa labas pa lang ang ganda na, at pati sa loob sobrang ganda. Ang kinis ng sahig, pwede na akong manalamin dito. Full airconditioning pa. Kaya pala ang puputi ng mga estudyante dito pati ang mga professor. 

Akala ko walang mga estudyanteng nagpapaenroll pero nang makapunta na ako sa enrollment office, ang rami. Sa itsura palang nila, mayaman na. Lalo akong kinakabahan. 

Nagtanong ako sa encharge ng enrollment na kailan magsisimula ang entrance test. Sinagot niya naman ako na 10:00 am pa magsisimula at ngayon 9 am palang, isang oras pa akong maghihintay. Para di ako mabagot maglibot libot nalang ako dito sa paaralan. 

The ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon