Helvica's POV
"Aray!" napasigaw ako sa sakit na aking naramdaman mula sa aking tiyan. Alam ko, na lalabas na ang mga bata sa aking sinapupunan. Hindi ko maiwasang makasigaw dahil sa sakit.
Pinuntahan ako ng isang katulong. Nakikita ko sa kanyang mukha na parang kinakabahan sa nangyayari at hindi alam ang gagawin.
"Yaya, manganganak na yata ako. Aray! Tawagin mo si Roman", utos ko sa kaniya. Agad-agad niyang pinuntahan ito.
Hindi ko na talaga kaya. Masakit na talaga. Isinigaw ko nalang ang sakit na aking naramdaman. Napaiyak ako dahil sa sakit.
Pumasok ang lahat ng mga katulong namin sa kwarto kung saan ako nandoon at nakaupo sa kama. Akala ko tutulungan nila ako pero wala silang ginawa kundi pagmasdan lang ang sakit na dumadaloy sa aking harapan. Hanggang naisipan nilang paypayan ako, pinainum ng tubig at pinakalma.
Dumating ang aking asawa kasama ang inutusan kong katulong para tawagin siya.
"Huwag kang mag-alala Helvica. Dadalhin ka namin sa ospital", sabi niya.
"Yaya, tawagan mo nga ang drayber", utos niya sa katulong.
"Sir, nag day-off po kasi ngayon", sabi nga katulong.
"Ano?... Ahh... sige, dadalhin na lang kita sa ospital", wika niya.
"Huwag na! Dito nalang ako manganganak. Hindi na aabot sa ospital. Hindi ko na kaya. Mga yaya, paanakin niyo ako", sabi ko.
"Sige, ma'am", sabi nila. "Sir, kailangan niyo pong umalis", sabi ng isang katulong kay Roman.
Umalis si Roman at alam kong kinakabahan siya.
Agad nang pumwesto ang mga katulong. May nagpapaypay sa akin, may umalalay sa akin, may humawak sa aking mga kamay para may mahawakan ako kung sakali ay eere na ako at ilabas ang aking lakas, at may sasalo sa mga bata.
"Sige. Handa ka na. Isa, dalawa, tatlo. Ere!", ani nito.
Umere ako. Ibinigay ko ang aking lakas para lumabas ang mga bata. Naramdaman ko ang sobrang sakit sa aking katawan na tila binabali ang aking mga buto pero kinaya ko ito. Hanggang sa wakas, lumabas ang unang bata. Nang marinig ko ang kaniyang iyak ay tumatag ang aking loob na ipalabas pa ang kaniyang kakambal.
Muli akong umere. Napaiyak ako sa sakit. Muntik na akong mawalan ng hininga pero naniniwala ako sa Diyos at sa sarili ko ng malalampasan ko ito. Ramdam na ramdam ko ang unti-unting paglabas ng bata. Hanggang sa huli, lumabas na nga talaga.
Matinding sakit ang aking naranasan. Muntik na akong mahimatay pero nang marinig ko ang iyakan ng aking mga anak ay nabuhayan ako ng loob. Isa na akong ganap na ina. Nilagay ng mga katulong ang mga bata sa kaliwa't kanang braso ko matapos putulin ang kanilang pusod. Nawala ang sakit na aking naramdaman ng makita ko sila. Napaiyak ako dahil sa tuwa.
Kinuha ng mga katulong ang mga bata at binalot ng puting tela ang isa't isa sa kanila. Nakatulog ako dahil sa aking pinagdaanan.
Roman's POV
Naghihintay ako sa labas ng kwarto. Natulala ako at kinakabahan. Libot ako ng libot na tila bang hindi mapakali. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa aking mag-ina.
BINABASA MO ANG
The Reunited
RandomSi Julia at si Katherine ay isang kambal. Bata pa lang sila nagkahiwalay sila dahil sa aksidente. At nang muli silang magkita, imbis na matuwa si Julia ay kinaiinisan niya ito dahil sa inggit.