Kabanata 20: The Start of Change

48 5 3
                                    

Julia's POV

Pauwi na ako galing sa paaralan, nang madatnan ko na nasa bahay na ang sasakyan ni Dad. Himala ata na maaga siyang umuwi galing sa work niya.

Pumasok ako sa bahay at nakita ko doon si Daddy na nakaupo sa sofa ng sala.

He approaches me. "Julia, andito ka na pala". Ako ang hinihintay niya?

"Ano naman ang kailangan niyo at ba't hinihintay niyo ako?", tanong ko.

"Halika na. Puntahan na natin ang kapatid mo", sabi niya sabay hawak sa aking kamay.

"Wait! Kapatid? Pa, ano naman bang kalokohan ito?", I ask.

Ibinigay niya sa akin ang isang puting folder at kinuha ko naman ito. Binasa ko ang laman at it'y nagpapatunay na... What? Hindi maari.

" Yan ang patunay na si Katherine nga ang kakambal mo", sabi niya.

Hindi maari. Siya ay kakambal ko. Bakit siya pa? Bakit?

Hindi ako makapaniwala sa aking nabasa at nakita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman, kung dapat ba akong maging masaya o mainis? Hindi ko alam basta ang alam ko lang siya ang dahilan kung bakit walang oras si Dad para sa akin. Kaya sa huli, nangingibabaw pa rin ang galit at selos sa dito sa puso ko. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito.

... But... I have an evil plan for my sake at para matuto siya ng leksyon.

"Well, Dad. Tayo na po", sabi ko.

"...Hindi ka magagalit?Ibig sabihin, okay ka lang?", sabi niya.

" 'Tttt ! Ba't naman ako magagalit? Ang saya ko nga eh, kasi natagpuan mo na ang kakambal ko. I'm happy for us", sabi ko.

"Good. Well, wala na tayong problema. Let's Go", sabi niya.

"Okay, Go for go" ani ko.

Julia! Good idea. Matalino ka talaga.

Roman's POV

Nang makarating na kami sa kanilang barangay ay bigla akong kinabahan at pinaghalong saya. Kinakabahan ako dahil baka hindi maganda ang magiging reasyon niya. At masaya ako dahil nakita ko na ang matagal ko ng hinahanap.

Tumingin ako kay Julia at nakangiti ako sa kaniya pero ba't nakasimangot siya? "Dad, ito ba ang lugar kung saan tumitira ang kakambal ko?".

"Oo, dito siya lumaki. Dito sila lumipat nang nasunog nang masira ang bahay nila noon dahil sa bagyo", sabi ko. "Tayo na! Anak", sabi ko.

"Okay", ani naman nito.

Julia's POV

Heto ako ngayon, kasama ang Dad ko papunta sa bahay ng long lost twin sister ko. Gusto kong mainis! Grrrr. Look at this place, so... kadiri. Isa ito sa mga hate ko buong buhay ko.

May nakita akong mga lalaking nag-inuman, nakatingin sila sa amin. Hello, ngayon pa ba sila nakakita ng mga kagaya namin. So cheap naman dito. Maraming lamok pa.

The ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon