Kabanata 1: Ang Simula

105 17 5
                                    

Helvica's POV

"Magandang umaga, Pinas. Ayon sa PAG-ASA, pumasok na po ang Bagyong Pedring sa ating bansa at ngayo'y nasa lupa na ng kamaynilaan. Unti-unti ng lumalakas ang bagyong ito.  Payo po ng mga awtoridad, lumikas na po kayo sa mga evacuation centers na inihanda ng gobyerno. Dagdag pa ng PAG-ASA ay malakas ang bagyong ito at ito ay isang Super Typhoon. At ito lang ang ulat ng panahon sa ngayon. Nag-uulat, Jun Salinas ng WWW News", ulat ng isang reporter sa radyo.

Napakinggan ko ang ulat ng reporter. Nandito kami sa San Martin, Manila nakatira. Pagtingin ko sa paligid, lumalakas na ang ihip ng hangin at buhos ng ulan. Kailangan kong puntahan sila Nanay, Tatay at si Bunso. Baka ano pa ang maaring mangyari sa kanila. 

Agad akong tumakbo kahit akoy nakapalda at hawak-hawak ang isang supot ng ulam para sa aming tanghalian. Unti-unting lumalakas ang paghampas ng hangin at ulan dito. Pero ipinagpatuloy ko ang aking pagtakbo para puntahan at maabutan pa ang aking pamilya bago pa mahuli ang lahat. Nakasalubong ko ang maraming mga tao na nagsisitakbuhan patungo sa bayan para lumikas at pumunta sa evacuation center. Hindi ko sila pinansin. 

Binilisan ko pa ang aking pagtakbo kahit masakit na ang mga paa ko dahil sa kakatakbo at basang basa na rin ako sa ulan. Naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan. Pero, kailangan kong magpakatatag. Kailangan ko silang mapuntahan at sunduin para lumikas.

Nang ako'y tumatakbo sa daan bigla akong nadapa. Nauntog ang aking ulo sa bato. Dumurugo ang ulo ko. Sabay sa pagbuhos ng ulan, pumapatak din ang aking dugo sa lupa. Pero, tumayo ako. Hindi ako sumuko. Hindi ako nagpatalo sa sakit na aking naramdaman. Sinimulan ko ang aking pagtakbo ngunit wala pang isang minuto. Nanghihina ang aking katawan. Nahihilo ako na tila bang ang mundo ay umiikot sa aking pananaw. Sa gitna ng bagyo, unti-unti akong bumabagsak sa lupa at napapikit ang aking mga mata. Hindi ko alam na ako'y nawalan ng malay sa kalagitnaan ng trahedya.

Kinabukasan. Sa pagbukas ng aking mga mata, habang ako'y nakahiga sa kalsada, nakikita ko ang sinag ng araw matapos matabunan ng maiitim na ulap ang kalangitan. Wala ng bagyo sa aming lugar. Naalala ko ang aking pamilya. Bumangon ako mula sa aking pagkawalan ng malay. Naalala ko pa ang nangyari kahapon. Wala ng dugo sa aking ulo. Nagtataka akong ba't buhay pa ako sa kabila ng nangyari sa akin kahapon. Pero, hindi ko na lang ito pinansin, inisip ko nalang na isang himala ang nangyari. 

Agad kong pinuntahan ang aking pamilya, nagbabasakaling ligtas sila at walang nangyaring masama. Hindi ako makatakbo dahil sa aking naramdaman kaya sa halip na tumakbo, ako'y naglakad.

Habang ako'y naglalakad, nakikita ko sa aking paligid ang mga pinsala na idinulot ng bagyo. May mga hayop na namatay, sa daan may mga taong sugatan, ang mga puno't halaman ay nasira, at makalat ang paligid dahil sa mga bagay na pinalid ng hangin at napadpad sa iba't ibang lugar. Pinatuloy ko ang aking paglalakad.

Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa aming tirahan. Ako'y nagulat sa aking nakita. Imbis na isang maliit na nipa ang dapat kong makita ay iba ang aking natanaw. Ang nakita ko ay isang pundok ng lupa na galing sa itaas ng aming bahay. Ibig sabihin nito, natabunan ng lupa ang bahay namin dahil sa bagyo. Tumulo ang aking luha sa aking mga mata dahil sa aking nakita. Pinuntahan ko agad ito. Napaluhod ako. Bumuhos ang aking mga luha sa mata at pumapatak sa lupa. Kinubkob ko ang lupa gamit ang aking mga kamay kahit nanghihina ako. Napansin kong may isang kamay na aking nahawakan nang ako'y nagkukubkob. Ipinagpatuloy ko at binilisan sa pagkubkob at doon ako nagulat sa aking nakita. Tatlong tao na nagyakapan sa isa't isa ang aking nakita sa aking mga mata. Napaiyak ako dahil hindi lang ang bahay ang nawala sa akin pero pati pala ang mga buhay ng pamilya ko. Pinilit ko silang gisingin, tinangka ko silang iligtas pero huli na ang lahat. Wala na sila. Masakit sa puso ang mawalan ng pamilya.

"Hindi!" sigaw ko. Naririnig ko pa ang alingawngaw sa aking sinabi. Niyakap ko sila at ako'y umiyak.

May lumapit sa akin. Sila ay mga rescuer.

"Ms., kunin na po namin ang bangkay nila?" sabi ng isa nila sa akin.

"Ayoko!" sabi ko habang nakatingin sa kanila na tila bang nagagalit sa kanilang sinabi.

"Patawad po. Pero, kailangan talaga", sabi nila. 

Inilayo nila ako. Umiyak ako. Hindi nila ako pinalapit. Dinala na nila ang pamilya ko sa kanilang sasakyan para dalhin sa bayan. Iniwan nila ako sa kalsada na luhaan.

Hindi nagtagal. Nagsimula akong maglakad. Wala ako sa sarili habang naglalakad sa kalsada. Hindi ko matatanggap ang nangyari sa akin. Ako nalang mag-isa. Ako na lang. Tumawid  ako sa kalsada. Hindi ko nalaman o narinig na may kotse. Muntik na akong masagasaan, isang metro nalang. Mas mabuti nang mamatay nalang ako kaysa mabuhay akong mag-isa. Humarap ako sa kotse ng wala sa sarili at nakatulala. Bumaba ang nagmamaneho nito. Hinarap niya ako.

"Ms. ? Magpakamatay ka ba? Ba't humaharang ka sa kalsada?" tanong ng lalaki.

Tiningnan ko siya. Pero ang paningin ko'y nanglalabo.Bumagsak ako bigla sa lupa. At nawalan ng malay.

Nang ako'y gumising, una kong nakita ang maamong mukha ng isang lalaki. Ang lalaking may-ari at nagmamaneho sa kotse na muntik na akong masagasaan dahil sa aking pagkawala sa sarili.

"Nasaan ako?" tanong ko.

"Nandito ka sa ospital. Dinala kita dito kasi nawalan ka ng malay. Dahil naubusan ka daw ng dugo dahil sa sugat mo sa ulo, iyon ang sabi ng doktor", sagot niya sa aking katanungan.

"Salamat sa pagdala mo sa akin dito. Pero, kailangan kong umalis. Nakakahiya naman sa iyo", sabi ko.

"Huwag na. Dito ka lang. Kailangan mong magpahinga. Inabunuhan ka na pala ng dugo kaya huwag ka nang mag-alala", sabi niya.

"Pero, wala akong pambayad", wika ko.

"Ako na ang bahala sa bayarin. Huwag kang mag-alala", sabi niya.

"Salamat sa malasakit mo", sabi ko.

"Ako pala si Roman, Roman Buenaventura ang may-ari ng Buena Magazine Inc. Ano pala ang pangalan mo? Taga-saan ka?", tanong niya sa akin.

"Ako si Helvica, Helvica Carrion. Wala na akong tirahan. Wala akong pamilya. Na-ulila ako dahil sa bagyo. Pinatay niya ang mga magulang ko at kapatid ko", sagot ko.

"Kawawa ka naman pala. Pareho tayo. Ulila na rin ako.  Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita. Sa bahay ka nalang namin tumira", alok niya sa akin. 

"Maraming salamat sa alok mo. Pero, sorry. Hindi ko matatanggap. Sapat na ang tulong mo sa akin. Dito sa ospital", sabi ko.

"Hindi. Gusto kitang tulungan. At isa pa gusto kong sasaguruduhing ligtas ka", sabi niya.

"Maraming salamat sa awa mo", pasalamat ko sa kaniya. 

Ngumiti ako sa kanya. Mabait siya at matulungin. 

Nang makalabas na ako sa ospital. Pinatira niya ako sa kaniyang mansiyon kasama ang kaniyang mga katulong at siya. Dahil sa samahan namin unti-unting nahuhulog ang loob namin sa isa't-isa. Nangligaw siya sa akin. Dahil nirerespeto niya ako at minahal niya talaga ako ng tunay at higit sa lahat pinatunayan niya sa akin iyon. Sinagot ko siya. Para sa akin, siya na ang aking Forever. Siya ang kukumpleto sa buhay ko at ang maging pamilya namin.

Dumating ang panahon na ikinasal kami at nag-iisang dibdib. Nagbunga ang aming pagmamahalan. Ipinagbubuntis ko ang kambal naming dalawa. 

Sa aking pagbubuntis, inalagaan niya ako at ang maging mga anak namin. Binibigyan niya ako sa mga kakailanganin ko. At higit sa lahat, minahal niya ako at ang mga maging mga anak namin. 



The ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon