Kabanata 22: The True Colors

18 2 1
                                    

Katherine's POV

Tring-tring-tring. Iyan ang narining ko mula sa alarm clock na nasa kwarto ko.

Hindi ko na namalayan na it's already 7:00 am na pala. So I woke up, tumingin muna ako sa bintana ng napakalaki kong kwarto. At nakikita ko sa labas ang mga magagandang halaman na inaalagaan ng hardinero namin. I look at the blue sky, so beautiful and gorgeous.

Pero, agad kong tumigil sa pag mamasid sa labas. Pumunta ako sa banyo ko para maligo na.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, Good Morning Katherine! Heto ka na ngayon, sa isang iglap mayaman ka na. Isa kang Buenaventura. Akalain mo naman, a simple girl turns to a princess? I think so. Hehehehe, pero never mind, ano nga ba ang gagawin ko dito sa mansiyon? (sighs)

Bigla akobg napatigil sa pag-iisip ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, sino kaya yun?

Agad kong binuksan ang kumatok na tatlong beses sa kwarto ko, and it's Yaya Chichay lang pala. Akala ko kung sino.

"Magandang Umaga! Handa na ang almusal mo. Ano ang gusto mo, breakfast in bed or sa dining room nalang?" tanong niya.

"... Bababa nalang po ako", simpleng sagot ko lang naman.

"Sige", sabi niya. Bumaba na siya at pumasok ako sa kwarto ko para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Kaya heto, naligo na ako, at nagbihis. Isinuot ko ang isa sa nga binili naming damit kahapon ni Papa.

Tumingin ulit ako sa salamin at natatawa nalang ako sa aking sarili.

"Ito nga ba ako?" tanong ko sa sarili ko. I am looking at myself on the mirror, wearing a pink dress.

-Alam niyo ba na, kahapon Ang pinamili kong mga damit ay mga whole dress? Wala lang. Gusto ko lang ito.-

I continued looking at myself with my curly new hair. Humanga ako sa sarili ko, hindi ko akalain na maganda pala ako pag nakaayos, hehehehe.

This is my first day as Buenaventura and not as Katherine Manansala. Isang araw pa lang, namimiss ko ba agad sina Nanay, kamusta na kaya sila? Okay lang ba sila? Tawagan ko kaya.

Kinuha ko ang cellphone ko, at tinawagan sina nanay kaso walang sumasagot baka busy lang sila.

(Sighs) I think this is the right time to face the new chapter of my life. Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na rin para mag-almusal.

At nang nakababa na ako, hindi ko alam na nandoon na pala sa hapag kainan sina Julia at Papa, kumakain.

Nakita ako ni Papa. "Oh, anak. Andyan ka na pala, Good Morning" sabi niya sabay inom ng kape.

Tinignan din ako ni Julia and smiles gently sa akin.

Lumapit ako at ngumiti ng matiwasay sa kanila. Umupo na rin, ako sa silya. At nakita ko sa aking harapan ang nakahandang plato at served na mga pagkain sa harap just like bread, rice, ham, tocino, hotdog, fried egg at hindi Fried rice? Wow, paborito ko ito.

Pero, nahihiya akong kumuha. Paano ba ito? Walang akobg imik hanggang napansin ni Papa na hindi pa ako kumakain. "Anak? Ba't hindi ka pa kumakain?"

The ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon