Kabanata 33: The Finale

80 4 8
                                    

Julia's POV

"Saan ako? At sino naman kayo?", tanong niya.

"... Kath. Hindi mo ba kami naalala?", tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Maalala? eh hindi ko nga kayo kilala eh", sagot niya.

Tumingin ako sa sa doktor, "Doc, ba't hindi niya kami naalala?", tanong ko sa Doktor.

" Ahhh, hindi ko po alam kung ano ang nangyari sa pasyente maybe she got an amnesia. Pero para masigurado natin, we should do more test", sabi ng doktor.

Napaiyak nalang ako dahil hindi ko akalain na mararanasan ito ni Katherine.

Kaya dahil doon ay nagsimula na silang magsagawa ng test. Agad din namin itong ibinalita sa mga kaibigan ni Katherine, kay Drake, kay Manang Susing at kay Mang Berto. Kagaya namin ay nagulat din sila.

Agad na pumunta sila dito sa ospital. At nang natapos na ang isinagawang test ay pinayagan na kaming pumasok sa kwarto ni Katherine pero nagpapahinga na siya ngayon.

Kinausap na kami ng doctor at ang sabi niya ay...

"May 'Transient Global Amnesia' ang pasyente. Ito ay isang uri ng amnesia kung saan makakalimut ang isang tao but it's temporary lang. So, ibig sabihin babalik din ang kaniyang mga ala-ala. Hindi ito magtatagal ng ilang taon o habang buhay, magtatagal lang ito ng mga ilang araw o di kaya'y ilang buwan. Kaya di dapat mag-alala sapagkat bang mga lost memories ni Kath ay unti-unti ring babalik ang kaniyang mga ala-ala, it seems like her brain was resting from the trauma or from the accident. Parte ito ng recovery niya. Patuloy at patuloy pa rin nagrerecover ang kaniyang utak at ang kaniyang katawan".

"ganun po ba, doc? Kailan po siyaa makakalabas?", tanong ni Dad.

" I think mga next week pa. Sige, mauna na ako sa inyo", sabi ng doktor.

Umalis na siya dahil may gagawin pa siyang importante din. Dahil sa kaniyang mga sinabi ay nag-alala na talaga ako kay Katherine.

At lumipas ang isang linggo, nakaalis na si Katherine sa ospital pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kami naalala. Kaming lahat. Kaya wala kaming magawa kundi magpakilala sa kaniya.

Naniwalaa naman siya sa amin pero hindi pa rin niya kami maalala. Yung naramdaman niya nga ni Drake ay nakalimutan niya. Yung mga pingdaanan naming dalawa ay nalimutan niya rin. Kaya wala kaming magawa kundi umasa na babalik siya sa dati.

Araw-araw ay makakaranas siya ng trauma dahil sa nangyaring aksidente, ang sabi ng doktor ay normal lang daw ito sa recovering brain system niya kaya may possibility na babalik ang mga ala-ala niya.

Pero, minsan ay napag-isip isipan ko ring mas mabuti na ito dahil makapagsimula kami ulit at hindi niya maalala ang lahat ng mga nagawa ko sa kaniya pero hindi, mai ako kailangan niyang maalala ang mga yun para mismo siya ang magpatawad sa akin at hindi ang utak niya.

Hindi namin siya pinilit na makaalala, kinikwentuhan lang namin siya sa mga magagandang ala-ala na nangyari sa kaniya dahil yun ang sabi ng doktor sapagkat malaking tulong ito sa kaniya.

Kaya nang makalipas ang dalawang buwan ay ganun parin wala pa rin siya maalala hanggang ngayon pero nakilala niya na kami at tanggap niya yun pero ang mga masayang ala-ala at masamang ala-ala ay wala. Walang-wala. Tanging kwento lang namin ang pinaniniwalaan niya.

The ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon