Kabanata 9: The Real Reason

45 12 3
                                    

Julia's POV

"Sige Angelo. Basta hanapin mo na lang" narinig kong pahayag ni Daddy habang kinakausap si Angelo sa telepono but who's Angelo? Hindi ko pamilyar ang pangalan niya, bago ba siyang bodyguard? pero ba't hindi ko siya nakikita? at sino o ano naman ang ipinapahanap ni Dad sa kaniya. Ito ba ang dahilan kung bakit parati nalang wala siyang oras para sa akin? I need to find out kung ano man ang itinatago nila.

"Anak! Kanina ka pa ba diyan?" tanong ng daddy ko. 

"Hindi po" sagot ko. Sa totoo lang kanina pa, pero kung ang pagsisinungaling ko ang paraan para malaman ko ang sekreto nila ay gagawin ko talaga ito. 

"Halika ka na, hatid na kita sa school mo" alok ni Dad. 

I nod naman. Kaya hinatid niya ko sa Ateneo.

Drake's POV

"Drake! Ano? Papasok ka ba? O maglalaro ka nalang buong araw?" sumbat ng ama ko habang naglalaro ako ng isang uri ng online computer games na tinatawag naming EOS or Echo of Soul. 

Hindi ako sumagot, pero dahil sa inis na aking naramdaman sa puso, pinatay ko ang computer ko kaya umalis siya sa kwarto ko. 

Kailan pa siya mayroong paki alam sa akin?

Nag handa ako para papasok nalang sa paaralan para hindi ko siya makita sa bahay. Nakakainis kasi kapag nakikita ko ang mukha niya na parang pinapaalala at isinisisi niya sa akin ang pagkamatay ni Mommy.

Katherine's POV

Nakarating na ako sa paaralan. Pero, patay ako nito. 

Oh No. Andyan na si Monica and friends niya. Patay, siguradong ako ang pag tri tripan nito. Huwag naman sana. 

Lumapit sila sa akin, tinignan ang suot ko. Parang nang iinsulto sila, head to foot talaga. Akala mo kung sino, over styled naman yung suot nila pati yung mga mukha, punong puno ng make up.
Hindi ko nalang sila pinansin pero hinarangan nila ako. Ano ba ang kailangan nila sa akin? 

"Kung wala kayong magawa, hulihin niyo ang mga palaka sa bahay namin. Tumabi nga kayo, huwag kayong humarang sa daan" sabi ko.

"Well tama ka nga, wala kaming magawa kaya ikaw nalang ang guguluhin namin" sabi ni Monica.

"Alam niyo, kung nag-aaral lang kayo ng mabuti may gagawin sana kayo... At pwede ba, huwag niyo akong pag-aabalahin. Mag focus nalang kayo sa study niyo para makapasa naman kayo" sabi ko ng may tapang. 

"Ibig mo bang sabihin, bobo kami?" sabi ni Trexie. "Wala akong sinabi ng ganun" sabi ko. 

"Monica, Trexie, alam niyo na naman kung ano ang gagawin natin sa kumukontra sa atin diba?" sabi ni Trina. 

Patay! Anong ibig nilang sabihin? Mukhang lagot ako nito.

Kumuha sila ng gunting. Ano ang gagawin nila? Kakalbohin ba nila ako? O sasaksakin? Siguro I need to RUN!

Tinakbuhan ko sila pero hinahabol nila ako. Saan kaya ako magtatago? Wala akong mahanap. Patay na siguro ako nito. Habang ako ay hinahabol ng mga bruha ay may nabangga akong isang lalaki.

The ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon