Kabanata 11: Best Friends (The Bond)

46 12 7
                                    

Katherine's POV

After sa nangyari kay Julia, inalalayan ko siya patungo sa kotse niya.

Nakita ko sina Monica, Trina and Trexie laughing each other while watching us. Walang hiya sila. Sino naman sila para tratuhin ng ganito si Julia. Naiinis talaga ako sa mga bruhang 'yan.

Kahit palagi silang tumatawa sa amin, hindi ko nalang sila pinansin. Sinundan nila kami.

"Ano, Julia? Sigurado akong may natutunan ka na ng leksyon", sabi ni Monica.

Hindi nagsalita si Julia dahil sa takot kaya ako nalang ang nagsalita para sa kaniya.

"I knew it. Kayo nga ang may gawa nito kay Julia. Wala kayong awa sa kaibigan ko", sabi ko.

"Dapat lang sa kaniya 'yan", sabi ni Trina.

"Ano ba ang ginawa niya sa inyo? Alam niyo, naiinggit lang kasi kayo sa kaniya eh, palibhasa mas mayaman siya sa inyo. Wala kayong karapatan para saktan siya..." galit na galit na talaga ako sa kanila konti nalang baka masapak ko na sila sa mga mukha nilang punong-puno ng kolorete.

Pinigilan ako ni Julia at iniwas niya na lang ako sa gulo.

Pumunta kami sa kotse niya at inalam ko ang pakiramdam niya. Ayon nama sa knaiya, okay lang siya at nagpasalamat pa siya sa akin.

Niyaya niya akong ihatid nalang nila ako sa bahay namin kaya hindi nako nagdalawang isip pa.

Inihatid nila ako sa bahay ko kaya lubos akong nagpapasalamat sa kanila pero nakikita ko ang lubos na pagkalungkot sa mukha ni Julia. Hindi ko alam bakit pero sa tingin ko, hindi lang sina Monica ang problema niya. Parang may mas malalim pa. Sana naman maging okay siya.

Ewan ko ba kung bakit ganito nalang ang naramdaman ko kay Julia, parang may koneksyon kami sa isa't isa siguro kaibigan ko siya kaya ganito. (Sighs)

Ewan ko ba?

Julia's POV

Nagpapasalamat ako kay kath dahil palagi siyang andyan para sa akin. Hindi niya ako iniiwanan at ipinagtanggol niya ako kanina.

Pero, hindi ko pa rin maalis sa puso ko ang lungkot. Hindi ito tungkol sa ginawa nila Monica sa akin kundi ang lungkot na idinulot ni Dad.

Hindi pa rin ako nakakamoveon sa nangyari kahapon kung saan ko nalaman ang totoong rason kung bakit wala siya palagi sa tabi ko. 

Hindi ko alam kung bakit hinahanap pa rin niya ang PATAY kong kakambal.

Nasasaktan na ako, buti pa yung patay inaalala, yung buhay hindi.

Ayaw ko munang umuwi sa bahay, sa labas nalang ako kakain.

"Manong, hindi po muna tayo uuwi. Sa labas nalang tayo kakain", sabi ko.

"Sige po, saan po tayo?" tanong ni Manong Drayber.

"maybe, sa Chowking nalang" sabi ko.

Agad naman ito tinungo ni Manong Drayber. Sa Chowking, doon kami naghapunan.

Nang matapos na kaming maghapunan, tinanong ng manong drayber kung uuwi na ba kami pero ayaw ko pang umuwi kaya napagdesisyunan kong pupunta muna ako sa Manila Bay. Siguro maganda ang Manila Bay ngayon since it's evening naman. I want to see it.

The ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon