Helvica's POV
Namasyal kami ng mga anak ko sa mall. Hindi namin kasama si Roman sapagkat may trabaho siya sa kumpanya.
Nang pauwi na kami at nakasakay na sa aming kotse, tumawag si Roman.
"Hello Hon? Nasan na kayo?" tanong niya.
"Nakasakay na kami sa kotse. Pauwi na kami sa bahay. Nag-enjoy nga 'yung mga anak natin eeh", sagot ko.
"Ahh... Mag-aantay ako dito sa bahay ha. May inihanda kaming sorpresa. Sabihin mo kay manong drayber na mag-ingat sa pagmamaneho at hinay-hinay lang kasi nakasakay ang ating mga little princess", sabi niya.
"Oo na. Hayaan mo,makakarating kami diyan ng buhay", sabi ko.
"Oh sige. Hintay ako dito huh. I-kiss mo naman ako sa mga bata oh", paki-usap niya.
"Oo na. Sige na. Malapit na kami, nandito na kami sa may bangin. Sige, pakakalmahin ko lang ang mga bata kasi umiiyak kasi sila eh", sabi ko.
"Sige Hon. Mag-ingat kayo. Take care of our daughters, huh? Bye. Love you", sabi niya.
"Sige. Love you too. Bye", sabi ko.
Binaba ko na ang telepono.
"Manong, hinay-hinay lang po tayo sa pagmamaneho po ha. Delikado kasi dito eh. Mahirap na", sabi ko sa drayber.
"Opo, ma'am", sabi niya.
Nag-iyakan ang mga bata. Pinakalma ko sila at kinantahan.
Pero, may napansin ako sa takbo ng kotse. Parang bumibilis? Nakatingin ako sa drayber, hindi ko alam kung bakit ang mga kilos niya ay parang kinakabahan. Nakita ko sa kanyang mukha na tila hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. Nagsimula na rin akong kinabahan. Tinanong ko siya kung ano ang nangyayari. Hindi siya makasagot. Hindi maguhit ang kanyang mukha dahil sa kaba.
"Ma'am... Sira po ang break", sagot niya.
"What?"
Nanlaki ang aking mga mata. Biglang bumilis ang takbo ng kotse. Hindi na normal ang takbo nito parang pilit na pupunta sa bangin. Para itong hindi mapakali.
Nang makita ko ang kotse naming wala sa normal na takbo. Hindi ko alam ang gagawin. Nanghihilo na din ako. Nagsimula ng mag-iyakan ang aking mga anak. Hinawakan ko sila ng mabuti para di ko sila mabitawan.
Hindi ko na rin namalayan na nabuksan ko ang pintuan ng kotse. Nabitiwan ko si Maria at napunta sa sahig ng kotse na malapit sa nakabukas na pintuan. Hindi ko ito sinadya. Pinilit kong kunin siya pero nang biglang lumiko ang kotse, napalakas at nahagis si Maria sa labas. Nakita ko siyanag nahulog sa bangin.
"Maria!" sigaw ko bilang ina.
Hindi ko sinadya ang nangyari. Hindi ko alam kung ligtas ba siya o hindi. Ipinagpaliban ko nalang sa Diyos ang kaligtasan niya. Wala akong magawa dahil patuloy paring mabilis ang takbo ng kotse.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis pa lalo ng sasakyan. Nagdasal ako sa Diyos na sana'y iligtas niya kami sa gilit ng kamatayan.
BINABASA MO ANG
The Reunited
RandomSi Julia at si Katherine ay isang kambal. Bata pa lang sila nagkahiwalay sila dahil sa aksidente. At nang muli silang magkita, imbis na matuwa si Julia ay kinaiinisan niya ito dahil sa inggit.