Kabanata 6: Unexpected Surprise

61 14 3
                                    

Katherine's POV

"'Biko! Biko kayo diyan! Hayy, heto na naman tayo, nagbebenta ng biko sa ilalim ng mainit na araw" reklamo ng kaibigan kong si Tessie. 

Siya si Tessie, kaibigan ko. Nagtatrabahu siya sa amin bilang tindira ng biko para makapera at mabuhay dito sa mundo. Katulad namin, mahirap at walang wala sa buhay. 

"Alam mo Kath, buti pa uuwi nalang tayo. Tingnan mo oh, walang bumibili sa mga biko natin. Baka ma heat stroke pa tayo dahil sa init ng araw" sabi niya. 

Huminto ako sa paglalakad at kina usap si Tessie. 

"Alam mo Tessie, hindi tayo mabubuhay kung hindi tayo magsisikap. Mainit man o umuulan, go pa rin basta mabuhay tayo at ang pamilya natin. Mahirap kaya ang buhay dito sa Maynila. Kaya dapat hindi tayo magrereklamo. Kuha mo?" sabi ko. 

"Alam mo Kath, bilib din ako sayo din noh, may determinasyon ka sa buhay. Kahit ang init-init ng panahon, go ka parin. Alam mo, hindi tayo mamamatay sa gutom kundi sa init ng panahon." sabi niya. 

"Ano ka ba? Tayo na nga. Para makabenta na tayo. Puro ka nalang reklamo at daldal." sabi ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. 

Ilang minuto ang lumipas, huminto si Tessie sa paglalakad at makikita sa kanyang mukha ang pagod na kaniyang dinadala. 

"Kath, pwedeng magpahinga muna tayo. Pagod na pagod na kasi ako eh." paki usap niya. 

" Sige, magpahinga muna tayo. Doon tayo sisilong sa building na iyon" sabi ko. Itinuro ko ang Buena Magazine Inc. 

Pumunta kami sa gusaling iyun at nagpasilong. Pero, hinarangan kami ng guwardiya.

"Hep, hep, hep, hep. Bawal ang pulubi dito" sabi niya. 

Pulubi? Tama ba ang narinig ko? At kami ba ang tinutukoy niya. 

"Teka lang kuya, kami po ba ang kinakausap mo?" tanong ko. 

"Alangan naman kung sino, eh kayo lang naman ang nandito eh." sabi ng guwardiya. 

Tama nga naman pero hindi ako sang-ayon sa sinabi niya noh. Pulubi daw.

"Excuse me, kuya. Hindi kami pulubi. Mamahinga lang kami dito." sabi ni Tessie ng pataray. 

"Sigurado kayo?" tanong ng guwardiya. 

"Oo naman. Sa ganda namin nito, pulubi? Hindi kami mga pulubi noh." sabi ni Tessie. 

"Sige. Pahinga lang kayo diyan." sabi ng guwardiya. Bumalik na siya sa kanyang kinalalagyan at trabahu. Sa wakas, makapagpapahinga na kami pero itong si Tessie, over hindi pa rin nakakaget over sa sinabi ng mama. 

"Ganito na ba tayo mukhabg kawawa para tayo'y tatawagin na isnag pulubi? Bulag ba siya? Inis na inis na ako dito sa kumpanyang ito ha. Over ang security naman dito." sabi niya. 

"Alam mo, Tessie. Buti pa magpahinga nalang tayo." payo ko. 

"Buti pa!" sabi niya. 

Kitang kita ko sa kaniya ang mukhang inis na inis.

Pero, ako? Wala lang sa akin 'yun. Maiba lang ang usapan parang pamilyar sa akin ang kumpanyang ito. Nakatulala ako at iniisip ang bagay na biglang pumasok sa aking utak. 

"Ahm, Kath alam kong hirap na hirap tayo pero kumakain naman tayo. Ba't ka nagkaganyan? Nababaliw ka na ba?" sabi niya. OA talaga ang kaibigan kong ito parang may sira sa utak. Tignan mo umiiyak sa akin dahil akala niya nababaliw na ako. (Sighs) Hindi ko magawang hindi mainis sa kaniya dahil sa kaniyang ka OAhan. Tumingin akong pasimangut sa kaniya.

The ReunitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon