Katherine's POV
It's Monday! And now, here again in school, ayaw ko sanang pumasok dahil alam ko naman na ako lang ang mag-isa dito palibahasa ako lang naman ang naiiba sa kanila. Tapos wala akong kaibigan, para silang magkakampi lahat at ako lang ang hindi nila kakampi. Hay, ano ba ang nangyari sa buhay ko. Akala ko maging maganda ang college days but it's not.
Naglalakad ako mag-isa sa may sidewalk ng school, suot suot ang kwintas na pinalamutian ng isang puting dymiyamante bilang isang pendant. Ang ganda talaga nitong tignan, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang naisip ko kahapon tungkol din sa kwintas ni Julia. Magkapareho kasi sila nito sa akin, ang kaibahan nga lang ay ang kulay ng diamante.Habang naglalakad ako, may malalim din akong iniisip. Tungkol ito sa paghahanap ng mga totoo kong mga magulang.
Sa paglalakad ko, ay nagkasalubungan kami ni Julia kasama ang mga 'bago niyang mga KAIBIGAN' sina Monica, Trina at Trexie. Hindi ko alam kung ano ang ipinakain nila kay Julia.
Hindi ko nalang sila pinansin, ako nalang mismo ang iiwas. Pero, hinarangan nila ang dinadaanan ko.Pinagitnaan nila ako, si Julia ang nasa harap sa akin na may dalang tubig na nilagay sa botelya. Si Monica naman ang nasa likod ko, while sina Trina at Trexie ang nasa magkabilang gilid ko. They surrounds me with their killer eyes at uplifted eyebrows.
Hindi ko alam kung ano na naman ba ang ginawa ko sa kanila.
Ano ang kailangan nila sa akin?
Hinarap ko sila ng buong tapang. "Anong kailangan ninyo?".
"So, how's your life Katherine?" sabi ni Julia.
"Okay lang ako at pwede ba, dumiretso ka nalang sa gusto mong sabihin", I replied.
" Well, kung gusto mo okay fine", sabi niya sabay binuhusan ako ng dala dala niyang tubig.
"Oops, sorry" sabi niya.
Nainis ako. Pero, kinimkim ko nalang ang inis ko sa ginawa niya. Binasa niya 'ko."Tapos na ba?" tanong ko.
"Nope, there's more", sabi niya.
Kumuha siya ng pulbo at binuksan ang lalagyan tapos itinalapon sa aking mukha.
" There you go. Bagay yan sa'yo, nagmukha kang clown sa perya na karapat dapat na ipamukha sa iyo na ika'y dapat katuwaan at lalaruan na parang isang aso o di kaya'y laruan", sabi niya.
Masakit ang mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun. Ganun na ba katindi ang galit niya sa akin para ipamukha sa akin na hindi ako karapat dapat dito?
Pero, sa kabila pa rin ng nangyari, nagawa ko pa rin huminahon at pakalmahin ang sarili ko.
"Tapos na ba ang gagawin mo?", tanong for the last time.
Maraming nakatingin sa amin. Alam kung gusto nilang tumulong sa akin pero natatakot lang sila. May iba din ay pinagtawanan lang ako at kumampi kay Julia.
"Sorry huh, mayroon pa kasi kaming gagawin sa'yo eh. Gusto mo pa ba?", sabi niya. Sinabi niya ito sa tonong nagbait baitan.
Naasar na ako sa mga ginawa nila. Gusto kong lumaban pero...kailangan kong ipakita sa kanila na kahit anong gawin nila sa akin ay hindi ako naapektuhan.
BINABASA MO ANG
The Reunited
RandomSi Julia at si Katherine ay isang kambal. Bata pa lang sila nagkahiwalay sila dahil sa aksidente. At nang muli silang magkita, imbis na matuwa si Julia ay kinaiinisan niya ito dahil sa inggit.